Pasilyo

5 1 0
                                    

Naglalakbay sa gitna ng isla, hinahanap ka

Nakitang may kasamang iba, nanigas ang aking mga paa

Nagising sa isang panaginip, ako'y lumuluha

Hindi ako handa sa wakas natin, ito na pala



Hinawakan ang iyong mga kamay

Kasing lamig ng isang bangkay

Walang maramdaman, puti at itim ang naging kulay

Ng mundo ko nang iniwan mo, wala nang buhay



Tinahak ang isang pasilyo, sinubukan hanapin ka

Ngunit walang akong magawa, nakagapos ka

Bumalik ako sa kung saan ka huling nakita

Paano ba mabuhay nang wala ka?



Dumaan ang mga araw, hinahanap ang halik mo

Yakap at aruga ang nais makamit ko

Ang mga ngiti mo na nagtatanggal nang lungkot ko

Di ko na masisilayan, O! Sinta ko. 

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon