Hay Buhay

38 0 0
                                    

Sumikat nanaman ang araw

Tinatamad nanaman akong gumalaw

Nagiisip ako nang maaaring gawin

Pero ako'y tinatamad pumasok sa klase namin

Lumabas  ako ng aking bahay

At naghanap ako ng aking karamay

Sa Kompyuter shop ang deretso

Magdodota nalang ulit ako

Natapos na ulit ang laro

Ano bang bago, panalo nanaman ako

Makauwi nalang sa aking tahanan

Para makakain na ng aking hapunan

Hindi ko alam ang gusto ko sa buhay

Para bang wala itong kulay

Gustong sumubok ng mga bagong bagay

Tulad ng makahawak ng isang suklay

Huwag niyong tawanan ang tulang ito

Ginawa ko ito ng bukal sa puso ko

Di man halatang ako ang sumulat

Maniwala kayo dahil yan ang dapat

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon