Alaala

38 0 0
                                    

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari,

Lahat ng mga pangako'y hindi na mawari.

Pilit nilalabanan ang damdamin,

Ni ayaw ko na humarap sa salamin.

Sa tuwing naaalala ang 'yong mga mata,

Pilit kong iniiwan ang mga alaala

Hindi ko lubos maisip na

Tapos na ang lahat sa ating dalawa.

Mundo ko'y nawawalan na ng kulay

Gusto kong hawakan ang iyong mga kamay

Gusto ko mahalikan ang 'yong mga pisngi

At muling masilayan ang 'yong mga ngiti

Pag kasama ka'y parang nasa langit

Sobra kong saya kahit ito'y saglit

Puso'y nag aalab tuwing ika'y nayayakap

Mukhang ito'y mababaon nalang sa pangarap

Sana'y ika'y muling makasama

At gumawa ng panibagong mga alaala

Sana'y nasa iyong mga bisig

At maparamdam ulit ang aking pag-ibig.

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon