Nagpapakita

29 1 0
                                    

Nakahiga sa aking kama

habang tinititigan ang mga tala

Kasabay ng kanilang mga kislap

ang pag lipad ng aking utak.

Di mawala sa aking isip

At nagpapakita paulit ulit

Ang mga nakaraan nating dalawa

At patuloy akong hindi nagsasawa

Naalala ko ang bawat halik mo,

Ang pagtitig mo sa mga mata ko

Parang may nais sabihin

Ang mga pulso ng iyong damdamin.

Unti unti ko nang nalalaman

Ang mga kasagutan sa mga katanungan

Na marahil naaalala ko lang ang mga ito

Ngunit hindi na talaga dapat alalahanin ang mga to.

Napagtantuan kong hindi na pareho

Ang nararamdaman ko para sayo

Di ko na ramdam ang puso ko

tulad ng pagmamahal ko noon para sayo

Alaalang marahil itatago nalang

Mga malulungkot na pagkukulang

Sana'y di ko nalang nakita

Ang mga bagay na dapat makita

Mas masarap kasi pakiramdaman

Na may hinahanap ka sa isang kulungan

Umaasa na sana nanatili nalang ito

Kahit matapos na ang ating mundo.

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon