Chapter 27

2 0 0
                                    

Chapter 27


"Aki, sige na samahan mo na ako!" pamimilit ko sakanya.

Nagpapasama kasi ako sakanya sa mall kasi may bibilhin ako sa national bookstore . Eh itong lolo niyo ayaw pa pumayag.

Ayaw ko kasi mag-isang nagpupunta sa mall, pinagtitinginan ako ng tao eh. Akala mo naman may ginawa akong masama sakanila.

"Eh may ka-date ako ngayon." ani pa niya. "I need distraction, you know?"

Sinimangutan ko siya. Tsk. Pipiliin niya pa yung ka-date niya kesa sa aking bestfriend niya? Okay lang naman sana kung seryoso siya kaso alam kong paglalaruan niya lang naman yung puso ng makaka-date niya. Edi mas mabuting samahan nalang niya ako sa mall para wala nalang siyang masaktan.

Saka distraction pala kailangan niya, edi mag mall nalang kami.

"Tara na nga. Huwag ka na sumimangot diyan! Panget mo." ani niya saka hinila na ako.

Yes! Nangiti ako habang nagdra-drive siya.

"Alam mo kung hindi mo ako nakilala, ang malas mo naman!" ani niya saka tumawa.

"Oo na. Thankful nga ako kasi andiyan ka lagi kaya wag kang mawawala ha!" ani ko.

Sobrang laking tulong ni Aki sa akin. Ewan ko talaga kung anong gagawin ko kung mawala 'to. Parang ano ko na siya eh bestfriend na kuya. Ang galing diba? 2n1.

Kung hindi ko siguro nakilala si Yves baka na-fall na ako dito kay Aki, biro lang babaero pala 'to. Galing nito bumanat kaso lang wala ng effect sa akin yun kasi alam ko namang biro lang naman iyon. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na kapag nahanap na niya katapat niya humiling siya na huwag siya makarma. Swerte kung mahal din siya at karma niya kapag ayaw sakanya.

"Oh ano? Na-realize mo na ba na ang gwapo ko? Inlove ka na sa akin no?"

"Luh asa ka! Loyal ako kay Yves no!"

"Edi nice." ani niya saka ngumiti.

Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya pero iba yung ngiti niya. Why do I feel like he's hurting?

Argh! Maybe it's just my imagination.

Pagdating namin ng mall dumiretso na kaming national bookstore. Bumili ako ng sketch pad saka pencil.

"Ano iyan lang bibilhin mo? Diyos miyomarimar nagsayang ka lang ng gas." ani niya.

Tinawanan ko nalang siya. Napatingin ako sakanya na kanina pa nakatutok sa cellphone niya. Sino kaya ang babaeng niloloko nito ngayon? Kawawa talaga ang mga babaeng maiinlove sakanya. Pero malas niya kapag ginawa sakanya yan ng babaeng mamahalin niya. Ika nga nila what goes around, comes around.

"Una na ako sa parking lot ha! Andoon yung ka-date ko eh. Pagtapos kita ihatid, didiligan ko na siya." ani niya saka tumawa.

What the fuck?! Akala ko ba date lang, bakit didiligan na niya agad? Saka bakit pa niya sinasabi sa akin?! Wala naman akong pake sa sex life niya, duh.

Pucha ang kalat!

"Ihatid niyo muna ako. Huwag kayo sa sasakyan ha, sasakay pa ako doon!" pagpapaaala ko sakanya.

"Not sure."

Habang nasa pila ako nakita kong palabas na si Yves.  I didn't know he was here.

He seems so close... yet so far. Argh! Why am I so dramatic?! Kasalanan ko naman 'to eh. Ako yung nangiwan bakit ako nagkakaganito ngayon.

Wala akong karapatang magreklamo na hindi na kami kasi ako naman ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay.

Should I win him back? Or not?

Ah basta pag nagkaroon ng chance hindi na ako magdadalawang isip.

Tulala ako habang papunta sa parking lot. Ang daming tumatakbo sa utak ko, nakakainis.

Napatigil ako ng makita kong nasa sahig na si Aki habang sinusuntok siya ni Yves.

"What the fuck is happening here?!" sigaw ko sakanila.

Agad silang napatingin sa akin. Aba! Hindi naman ako na-inform na may live boxing pala ngayon.

"Eh gago 'tong boyfriend mo! Niloloko ka lang nito." singhal ni Yves.

Boyfriend?! Si Aki?! Tangina, sinasabi ko na nga ba inakala niyang boyfriend ko talaga ang isang 'to. Napatingin ako ngayon kay Aki na tumatawa.

He's laughing but I can see it in his eyes... he's in pain. Ayan, ginusto mo 'yan eh. Ano ba kasing nasa isip ng lalaking 'to, bakit siya ganito?

"He's not cheating on me so please stop punching him." sabi ko sakanya saka pinatayo si Aki.

"Tangina! Kitang kita ng dalawang mata ko, Heaven. Alam mong hindi ako nagsisinungaling pagdating sayo. Ano paniniwalaan mo parin siya?!" inis na sabi niya.

"He's not cheating on me cause he's not my boyfriend."

Napanganga lang siyang humarap sa akin. Gulong gulo sa mga nangyayari.

"I thought he's your boyfriend...b-bakit ganoon kayo umakto kung hindi naman pala kayo?" ani niya ng nakayuko. "I'm sorry." dagdag pa niya at umalis na.

Agad kong hinarap si Aki na ngayon ay ngumiti sa akin.

There's something in his smile... hindi yung malanding ngiti niya, hindi yung maloko niyang ngiti... iba 'to.

It makes me shiver. This is the first time I saw him smiles like this. Ano bang nangyayari sayo, Aki?

"Heaven." tawag niya sa akin.

I'm shocked. Ito ang unang pagkakataong sinabi niya ang pangalan ko. Nasobrahan ata ang suntok sakanya ni Yves kaya nag kakaganito 'to.

"Aki? Okay ka lang ba?" hindi maitago sa boses ko ang pag aalala.

I don't know why he's being like this.

"I found my match... but I'm gonna have to let her go cause she's inlove with someone else ." ani niya.

Kitang kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Hey, it's gonna be alright. Don't be sad! Kung ayaw niya sayo, malas niya." ani ko saka niyakap siya.

"Ang malas mo naman pala." bulong niya pero hindi ko narinig.

"Go, Heaven, Chase him. I think he still loves you so tell him you love him. Let's just hope it's not too late."

"Thank you, Aki! I'm so grateful that you're my friend!"

"My pleasure ."

Lethal Boundaries Where stories live. Discover now