Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4



Kasalukuyan akong nasa school ngayon at inaayosan ng make up artist ko. Ngayon na kasi ang pageant at kinakabahan na ako.

This is my first time joining a pageant.

"You're really beautiful. Gusto mo bang maging model?" tanong sa akin ni Ate Jade.

Maraming nagsasabi sa akin na bagay ko raw mag model kaso hindi iyon pumapasok sa isip ko.

Pero I don't know maybe in the future I'll like it.

"Hindi ko pa po alam, Ate Jade." ani ko.

Suot ko ang t-shirt na isusuot raw namin ngayon at simpleng short para sa intermission number.

I'm so nervous!

Sumilip ako para tignan kung marami bang nanonood.

Bad idea! Ang daming nanonood! My heart is beating so fast.

I'm next!

"Goodmorning everyone. My name is Heaven Valencia from STEM 11" pagpapakilala ko.

Tumaas ang confidence ko ng mag sigawan yung mga kaklase ko para sa akin, may pa banner pa sila.

Sinunod kong isuot ay ang yung costume ko na pang racer. Ng tinawag na ako ng mc ay agad kong narinig ang mga sigawan ng tao. Ngumiti ako ng matamis saka rumampa na.

Now I'm enjoying it.

Mabuti nalang at magkakaroon ng intermission ang ibang section, magkakaroon kami ng time para makapag-practice pa kami para sa talent portion namin.

"Get ready, Heaven! You're next." sabi ng organizer ng event.

Ako na agad?!

Chi-neck ko ulit yung gitara ko kung nakatono ba ito.

Gosh! Im so nervous again.

Pag punta ko ng stage hinanap agad ng mata ko si Yves...

Found him! Agad akong ngumiti sakanya.

"Kaya mo yan." ani niya ng walang boses saka kumindat.

That's his thing huh? Eye winking.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta

Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo

Buong kanta ko ay nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko maintindihan pero ang alam ko lang ay hindi ko maalis ang titig ko sakanya. Minsan pa nga ay napapansin kong sinasabayan niya ang pag kanta ko.

"Good job, Heaven! Ang galing mo, may hindi ka pa ba alam gawin?" sabi sa akin ni Ate Jade.

"Si Ate talaga! Pero thank you po." pagpapasalamat ko.

Sinimulan na akong ayusan para sa last na isusuot ko which is yung long gown.

Kinulot ni Ate Jade ang buhok ko saka inipit ang kalahati pero nag iwan ng buhok sa harapan. Ni-retouch niya rin ang make up ko.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Most of the them says that I looked like my Mom.

Well, I agree with that. Nakuha ko ang magaganda niyang mata saka mahabang pilik mata, pati na rin ang matangos na ilong niya at ang mga mala-pusong labi niya.

Sinimulan ko ng rumampa. Grabe ang daming pumapalakpak sa akin. Mabuti nalang at medyo nawala na ang kaba ko at nairaos ko ang huling pag rampa ko.

Ngayon na sila pipili ng tatlong contestant na magpapatuloy.

I don't know why I'm so nervous, gosh!

"Candidate number 3, Emerald Diaz!" sabi ng mc, si Emerald ay pasok na sa final 3. "Candidate number 8, Serena Santiago!" dagdag ng mc. "And last but not the least candidate number 5, Heaven Valencia!" ani ng mc.

Omg! Nakapasok ako ng finals. Agad akong binati ng mga kasamahan ko at isa isa ko naman silang pinasalamatan. Grabe sobrang saya ng puso ko kahit na hindi ako manalo nasubukan ko namang makapasok ng finals.

Sobrang kinabahan na ako ng mapunta na kami sa question and answer portion. Hindi ko kasi alam kong ano ang itatanong nila sa akin. Ng tawagin na ang pangalan ko ay bigla akong tawagin.

"How are you? Are you nervous?" tanong sa akin ng mc na makalapit ako rito.

"I'm a little bit nervous." ani ko saka medyo natawa.

Pina bunot nila ako sa bowl para makakuha ng tanong na sasagotin ko. Pakiramdam ko ay mag yeyelo na ako sa sobrang lamig ng kamay ko. Kabang kaba talaga ako.

Mabuti nalang at maayos kong nasagot ang tanong saka parang sumang ayon sa akin ang nga judges.

Ngayon na sasabihin kung sino ang nanalo at magkakahawak kami ng kamay nila Emerald at Serena.

I can really tell that they are nervous too. Our hands are cold as ice.

"Our Ms. Intramurals 2020 is" pagbibitin ng mc dahilan para mas lalo akong kabahan. "Non other than, Heaven Valencia!" ani ng mc.

Para bang nabinggi ako sa sinabi ng mc. Ito ang unang beses na manalo ako sa mga ganito at ang ganda sa pakiramdam.

They gave me the crown and a bouquet of roses.

"Congratulations, Heaven! Interesado ka bang maging model?" tanong sa akin ng isang judge.

"Thank you po pero hindi ko pa po alam." pag aamin ko.

"This is my calling card. If ever maging interested ka just call me" ani niya at umalis na.

Unti unti ng lumapit sa akin ang mga kaklase ko para makapag picture kami. May mga ibang section ring nagpapapicture sa akin.

Ng matapos na ang pageant ay pumunta na akong cr para makapag palit at maalis na ang make up na suot ko. Habang inaalis ko ang corona ko ay hindi ko maiwasang maisip si Mommy.

Are you proud of me Mom?

"Oh my gosh!" napasigaw ako ng bigla akong salabungin sa daan ni Yves. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng sakit sa puso!

"Pasenysa na, nagulat ba kita?" tanong niya saka nagkamot ng ulo. Tumango lang ako sakanya.

Kinuha niya ang ibang mga dala ko at sabay na kaming naglakad papuntang parking lot.

"Sabay ka?" tanong ko sakanya.

"Ah hindi na may gagawin pa ako eh." ani niya saka inabot na sa akin ang mga gamit ko.

"Congratulations pala! Idol!" ani niya sa akin.

Lethal Boundaries Where stories live. Discover now