Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9


I don't know how it happens but Yves and I became really close. As in, super close.

I really like me when I'm with him. You know what I mean? I can be myself when I'm with him. No need to pretend.

"Can you give me a ride?" I asked him while smiling.

"Bakit ba gustong gusto mong sumakay sa motor ko? Delikado kaya!" pangangaral niya sa akin.

"What's wrong with me riding that?" tanong ko sakanaya. "Ang saya kaya!" dagdag ko.

I really like riding this motor thingy. I like it when the wind hugs me.

Takot na takot ako noong una kong sakay dito pero ngayon hmmm who's scared?

"Pasalamat ka malakas ka sakin!" ani niya.

Sa huli napapayag ko rin si Yves na isakay ako rito papuntang school.

I don't care if my hair is gonna be messy. I also like riding this thing so that I can hug Yves. I really like his perfume.

Gosh! Do I like him? Okay maybe I like him a little.

"Seah! You will not believe what I'm going to say." pagsisimula ko saka umupo sa tabi ni Seah.

I can't take it anymore. Feeling ko kapag hindi ako nagsabi eh sasabog na ako.

"I think I like him." ani ko saka nagtakip ng mukha.

"Duh. I know." ani niya saka inirapan ako.

What?!

Ang sungit naman ng babaeng 'to ngayon. Parang nung isang araw lang eh ang saya saya niya nung nakita niya na kasama ko si Yves.

Tumahimik na ako ng dumating na ang teacher namin.

Next week na pala ang exam namin. Aish! Mukhang kailangan kong mag self study sa ibang topic ha, bakit ba kasi ako sumama sa Ms. Intramurals ang dami ko tuloy na-miss na topics.

Wait a minute... I have an idea!

Habang papunta kaming cafeteria ni Seah hinawakan ko agad ang braso niya.

"Seah." malambing na pagtawag ko sakanya. "Paturo naman calculus." ani ko.

Minsan napapaisip ako bakit ba ako nag stem eh ayoko namang maging doctor o engineer. Saka ang hirap ng strand na 'to! Feeling ko nga isa nalang ang natitirang braincell ko.

"Gaga ka ba?!" sigaw niya sa akin. "Alam mong hindi rin ako nakikinig eh." ani niya saka tumawa.

Napapikit ako saka hinilot ang ulo.

Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'to. Hindi pa naguumpisa ang exam pero pakiramdam ko ay babagsak na kaming dalawa. Bakit ba kasi kami nag stem?!

Habang kumakain ako biglang napatayo si Seah kaya naman napatayo rin ako. Dahan dahan kaming umupo ng makita namin na nakatingin na samin halos lahat ng tao sa cafeteria. Nakakahiya!! Ano ba naman kasing iniisip nito at bigla biglang tumatayo. At saka ano bang iniisip ko at ginaya ko siya!

"May naisip ako, Heaven!" sigaw niya sa akin. "What if magpaturo tayo kay Yves? For sure alam niya iyon!" ani niya.

Pwede naman iyon kaso hindi ba nakakahiya? Wait, Bakit ba ako mahihiya eh magkaibigan naman kami. Pero baka masyado ko na siyang naabuso dahil una lagi niya akong tinutulongan saka lagi ko pa siyang kunukulit na pasakayin ako sa motor niya. Aish. Hindi ko itatanggi na maganda nga ang ideyang iyon! Saka makakasama ko pa si Yves kaso.... kasama rin si Seah. Paniguradong aasarin ako nito.

Natapos na ang klase pero nakatambay ako ngayon kung saan naka-park ang motor ni Yves. Itatanong ko sakanya kung pwede ba kaming magpaturo sakanya ng calculus. Saka baka sasabay narin ako sakanya pauwi. Oh myy!! Kinikilig ako.

"Hey! Yves." tawag ko sakanya ng makitang papalapit na siya sa akin... I mean sa motor niya.

"Huwag mo sabihing sasabay ka nanaman sa akin?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Para siyang si Daddy.

Nakatitig lang ako sakanya habang tumatawa. Sabi niya ay wag kung sabihin, madali naman akong kausap.

"Oh siya sige, angkas na." ani niya.

Habang nasa daan kami naisipan kong pumunta ng dalampasigan.

"Let's go to the beach!" ani ko sakanya.

"Each. Let's go get a wave. They say what they gonna say. Have a drink, clink, found the Bud Light" kanta niya kaya naman ay agad ko siyang pinalo.

"Ayan ka nanaman sa mga lame jokes mo." sabi ko sakanya.

"Aba malay ko bang nag aaya ka pala. Akala ko kasi kumakanta ka kaya sinabayan kita." ani niya habang tumatawa.

Parang gusto ko lang tumambay doon. Magandang pumunta ngayon, maabotan pa namin ang sunset! Mabuti nalang at hindi kalayaun ito sa amin kaya naman nakarating kami agad.

Finally! I found a perfect spot to chill.

"Do you wanna eat?" tanong ko sakanya saka nagugutom rin ako.

Nag order lang ako ng fries, burger saka strawberry milkshake. Habang inaantay namin yung order namin naisipan ko ng sabihin sakanya yung tungkol sa pagpapaturo namin ni Seah ng calculus.

"Yves, pwede bang paturo kami ni Seah ng calculus? Hindi kasi namin maintindihan eh." tanong ko sakanya.

"Kaya mo ba ako dinala dito para mapapayag mo ako?" ani niya ng seryoso.

Hala! Is he angry?

"Joke lang! Ito naman hindi ka talaga mabiro, nakabusangot ka na agad diyan." ani niya sa ginulo ang buhok ko.

"Akala ko kasi nagagalit ka eh!" ani ko habang inaayos ang buhok.

"Tsk. Kailan ba ako nagalit sayo?" sabi naman niya.

Oo nga naman. Kailan ba siya nagalit sa akin? Kahit nga siguro bugbugin ko 'to eh hindi niya parin magagawang magalit sa akin. Hindi ba nauubos ang pasensya niya? Kasi kung hindi, napakabait niya naman talaga.

Dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Ang sarap kumain lalo na kung ganito ang view.

"Baka matunaw ako niyan ha?" pang aasar niya sa akin ng mapansin niyang nakatitig na ako sakanya.

Gosh! Nakakahiya talaga!

Lethal Boundaries Where stories live. Discover now