Prologue

11 0 0
                                    

Prologue



Nagmamadali kong sinuot ang sapatos ko bago sumakay ng kotse. Argh! I shouldn't stayed up late last night, nagmamadali tuloy ako ngayon.

May ipapakilala kasi si Arah sa akin na Engineer. Nakita ko kasi ang pinanggawa niya sa bahay ni Arah at gusto ko ring ipagawa sakanya ang coffee shop ko.

My own coffee shop...

"Saan ka na, Heaven? Baka ma-late ako ha. Traffic eh" sabi sa akin ni Arah.

How nice! Nagmadali ako pero stuck pa pala siya sa traffic.

"Paalis na ako, after 10 minutes andoon na ako." Sagot ko sakanya.

"Malapit na daw si Engr. Saka si Aki sunod nalang daw siya." Ani niya saka binaba ang tawag.

Pagbaba ko sa kotse pumasok na agad ako sa starbucks. Soon, makakapag patayo na rin ako ng sarili kong coffee shop. I'm so excited! Umorder muna ako saka naghanap na ng mauupuan.

Tinext ko si Arah na nandito na ako. Sabi niya naman na malapit na siya kaya nag cellphone nalang muna ako. Hindi ko naman kasi makikilala yung Engr. na kikitain namin dahil hindi ko pa siya nakikita.

Ang tagal naman kasi ng dalawang yun!

Engineer... he also wants to be a engineer.

"One caramel macchiato" sabi ng barista.

I take a sip at my coffee. Napasabi nalang ako sa isip ko ng "mas masarap pa gawa ko dito"

"Uhm excuse me miss. I think that's my drink." Pagkalabit sa akin ng nasa likuran ko.

I don't know why I heard his voice. Masyado ko nanaman ata siyang iniisip at na iimagine ko na ang boses niya.

I turn around to see the face of the person who called me.

Am I hallucinating? Wait, am I dreaming? I pinch myself.

Oh my gosh. It's really him....

This is not a dream.

Hindi ko inaasahan na dito pa kami magkikita uli... Gustong gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede, hindi na pwede.

Pagkatapos ng nangyari, pagkatapos kong sirain ang buhay niya... ang buhay nila.

"Miss, ito po yung inomin niyo. Nauna po kasi si Sir eh" sabi ng barista.

"It's okay. Pareho naman kami ng in-order, I can have that one" ani niya saka kinuha ang dapat na inumin ko.

He looks so nice in that polo... He's still handsome.

"Heaven! " sigaw ni Arah dahilan para mapatingin ako sakanya. "Ay Goodmorning Engr. ikaw pala iyan!" masiglang bati niya.

Engineer? His dream came true despite of everything that happened. I'm so proud of him.

I wish I was there for him.

"Engr. ito pala yung kaibigan ko na tinutukoy ko sa iyo!" ani ni Arah saka siniko ako para magpakilala.

"H-heaven" nauutal na sabi ko. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako nauutal. Nakakahiya.

"Heaven Valencia" ani niya habang tumatango tango. "Do you still remember me?" tanong niya sa akin.

What was that question? I will always remember him!

Yves Legaspi.... My first love.

Lethal Boundaries Where stories live. Discover now