Chapter 39

2 0 0
                                    

Chapter 39


Isa, dalawa, tatlo... nawalan na ako ng bilang sa araw. Hindi parin nagigising si Heaven. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nakahilata lang sa kama. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga makina na nakakabit sakanya.

Kailangan kong maging malakas para sakanya. Hindi pwedeng maging mahina ako ngayon.

Kumuha ako ng palanggana at bimpo para punasan siya.

"Bakit hindi ka parin nagigising? Masyado mo namang kina-career yang pagiging sleeping beauty mo." pag jo-joke ko sakanya.

Napatingin ako kay mama at papa ko na kakapasok lang dito. Napangiti ako ng dala nila ang gitara ko, balak ko kasing tugtugan si Heaven eh.

"Nak, maligo ka na muna. Kami na muna bahala dito kay Heaven."

"Salamat po, ma."

Pumunta na ako sa cr para makaligo. Agad tumulo ang luha ko pagka-pasok ko ng cr. Sa totoo lang, hindi madali ang mga nagdaang araw. Kailangan kong ipakita sa kanila na malakas ako pero sa loob loob ko ay halos mabasag na ako.

Tangina, basag na basag na ako. Kay Heaven nalang ako kumukuha ng lakas. Sa tuwing nakikita ko siya doon nalang ako nabubuhayan.

Napatingin ako sa salamin sabay sabing. "Kaya mo yan, Yves. Para kay Heaven." saka lumabas na akong nakangiti.

Nandito na din pala ang mga kaibigan ni Heaven. Nagka-usap na rin pala kami ni Aki, inamin niya sa aking may gusto siya kay Heaven pero wala na raw ngayon. Wala namang kaso iyon sa akin eh. Sino ba namang hindi magkakagusto sakanya diba? Mabait, mapagmahal at maaalahanin. Nasa kanya na lahat ng pwede mong hanapin.

"Bro, kain ka na muna. May dala kaming pagkain diyan." sabi ni Aki.

Tinanguan ko lang siya at kumuha na ng pagkain. Simula ng ma-confine sa hospital si Heaven ay hindi na ako umalis sa tabi niya. Gusto ko kasing antayin siyang magising.

Mabuti nalang at maasahan si Ken kaya kahit hindi ako pumuntang site. Ang café naman ni Heaven ay inaasikaso ko at ng mga kaibigan niya.

"Heaven, gising ka na. Miss na miss na kita." umiiyak na sabi ni Seah.

Miss na miss ko na rin siya...

Sabi nila ay naririnig daw ni Heaven ang mga sinasabi namin kaya naman ay palagi namin siyang kwene-kwentohan sa mga nangyayari sa araw araw namin.

Pumunta muna ako sa sofa para matabihan naman nila si Heaven. Habang nandito ang mga kaibigan niya, ginawa ko muna ang mga trabaho ko.

Hindi ko mapigilang mag isip habang ginagawa ko ang trabaho ko. Paano kung hindi na siya magising? Paano kung magising nga siya... pero nakalimutan na niya ako?

Pero kung iyon ang kapalit para magising siya. Ayos lang. Kahit makalimutan na niya ako basta ba'y magising lang siya. Kahit anong kapalit tatanggapin ko, basta magising lang siya.

Nang dumating si Tito Gelo, ang tatay ni Heaven, nagmano ako. Masaya ako dahil nag kaayos na kami, sayang nga lang at ngayon lang ito nangyari.

Lahat kami ay may mali sa nangyari. Umabot sa ganito dahil hindi kami nagkakaintindihan.

"Hindi ka ba uuwi? Paano pala ang trabaho mo?" tanong ni Tito.

"Hindi na po. Pinapadala ko nalang po sa kaibigan ko iyong mga trabaho ko dito." magalang na sagot ko.

"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa ano?"

"Opo naman po."

Nang umalis na sila lahat ay umupo na ulit ako sa tabi ni Heaven saka kinuha ang gitara ko. Sana marinig mo ako, prinsesa ko.

Sa pag kumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pag luluksa
Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita
Nahanap din kita

Maligaw man
At mawala
At umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan
Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko ay patungo pabalik sayo

Napatigil ako sa pagkanta ng biglang nawala ang heartbeat ni Heaven. Tangina ano 'to? Agad akong tumawag ng doctor.

Huwag mo ako iiwan, prinsesa ko. Hindi ko kakayanin. Parang awa mo na... lumaban ka.

Lethal Boundaries Where stories live. Discover now