Chapter 33

1 0 0
                                    

Chapter 33


"Love, punta ako kila mama ngayon. Sama ka?" tanong ni Yves.

Bigla akong kinabahan at the same time nalungkot. Naalala ko nanaman iyong nangyari dati. Gustong gusto kong humingi ng tawad sakanila sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko kaso hindi ko alam kung paano ko magagawa iyon. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Are they mad at me?"

"Bakit naman sila magagalit sayo?"

Did he just forget what happened in the past? Beacuse me? I will never forget what happened. I'm still guilty cause until know I'm still thinking that it's my fault. Well, maybe it is.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo kasalanan iyon, Heaven." ani niya sa akin. "Sige na bihis ka na. Nasa condo ko sila ngayon."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit na kami sa condo niya. What should I say to them? I wanna say sorry but how? I think what I did is unforgivable.

"Yves. Kinakabahan ako." seryosong sabi ko ng nasa elevator na kami.

"Bakit? Hindi naman nangangain sila mama ha?" ani niya saka tumawa.

Paano pa niya nagagawang mag joke habang ako eh kabang kaba na dito. Ni hindi na nga ako makangiti sa sobrang kaba ko eh.

"Grabe. Kailan ka pa naging si Elsa, love?" tanong niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Hindi ko siya magawang irapan o paluin man lang sa sobrang kaba ko. Ang lamig lamig na nga rin ng kamay ko kaya sinabihan niyang ako si Elsa.

Ng makita ko ang parents niya hindi ko na napigilang maiiyak. Agad akong lumapit sakanila saka lumuhod.

"I'm sorry po, I know it's all my fault. You don't need to forgive me po I just want to say sorry po." ani ko habang umiiyak. "I'm really sorry."

"Diyosmiyo! Tumayo ka diyan, Heaven." sabi ni Tita Yna.

"Matagal na iyon, Heaven. Hindi naman kami nagalit sayo kaya lang syempre masakit talaga iyong nangyari. Pero kalimutan na natin iyon, matagal na iyon." sabi naman ni Tito.

They're so good. They don't deserve what happened back then. They don't deserve to suffer.What they deserve is to be happy. I'm so glad that they're stable now.

"Hush now, love. It's alright." pagpapatahan sa akin ni Yves habang niyayakap ako.

Nakayuko ako habang nasa dining table na kami. Hindi ko alam kung paano ko titignan sa mata sila Tita at Tito.

"Nagkabalikan na kayo?" tanong ni Tita.

"Opo ma."

"Mabuti naman kung ganoon."

Hindi ba talaga sila galit sa akin? Dahil sa akin natanggal sila sa trabaho. Dahil sa akin nag hirap sila.

Napatingin ako sakanila ng biglang lagyan ako ng pagkain ni Tita sa plato ko. Sinigang... she used to cook this for me.

"Paborito mo iyan diba?" tanong ni Tita.

Tumango lang ako saka nagsimula ng kumain. Habang kumakain kami ang daming nakwento sa akin ni Tita. It feels like home...

"Alam mo ba graduate 'yang si Yves ng may latin honor." ani ni Tita.

Napatingin ako kay Yves. Grabe, they must be proud of him.

Pagtapos naming kumain natulog na sila Tita kasi galing pa silang probinsya kaya pagod sila. Kami naman ni Yves nasa sala nila.

"You did it, love. I'm beyond proud of you." ani ko sakanya saka niyakap siya.

"Grabe, iba parin pala talaga kapag ikaw nagsabi niyan." ani niya saka tinago ang mukha niya sa balikat ko. "Tangina. Naiiyak ako sa tuwa."

I hugged him tighter. Shit. I feel like crying.

"Sabi ko sarili ko noong iniwan mo ako... mag aaral akong mabuti kasi ipapakita ko sa daddy mo na karapat dapat ako sayo. Grabe talaga, worth it."

Hindi ko ma-imagine kung gaano sila nahirapan. Mahirap lang sila noon tapos tinaggalan pa sila ng trabaho ni daddy. But look at them now... they deserve it.

"Sa tuwing gusto ko ng sumuko, iniisip kita. Tapos ayun nai-inspire na ako magpatuloy."

My love...

"Tapos noong nakita ko kayo nung kaibigan mo, si Arkiel. Akala ko talaga wala na akong pag asa noon eh. Ang nasa isip ko nalang basta masaya ka, magiging masaya nalang rin ako para sayo."

Hindi ko na napigilang umiyak. Sobra sobra na yung sakit na naramdaman niya dahil sa akin. Sobra sobra na iyong mga ginawa niyang sacrifice.

"Huwag mo na akong iiwanan ulit, Heaven, ha? Lalaban tayo. Hindi ko na alam kung paano pa ako babangon kapag nawala ka ulit sa akin. Hindi ko kakayanin. Hindi ko na kakayanin."

Of course. I'll never leave you again, my love. This time, I'll fight. I'll fight for you.

"Let's face them, together." sagot ko sakanya saka niyakap siya.

"But seriously, I'm beyond proud of you... my engineer."

"I'm not Engr. Yves Riley Legaspi without you."

Lethal Boundaries Où les histoires vivent. Découvrez maintenant