Chapter 12 part 1

90.4K 1.7K 50
                                    

Chapter 12 part 1

Ilang minuto na ring nakaalis si Vincent pero si Jesica ay tahimik pa ring nakaupo sa dining roon.  Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon lalo ng marinig niya mula mismo sa bibig ng binata na gusto siya nito. Kung siguro noon nangyari ito ay baka lumulukso sa kaligayahan ang puso niya.

“Jessie, what happened?” hindi namalayan ni Jesica ang pagpasok ng tiyahin.

“Tita, please I don’t want to talk about him. I hope you’ll understand me” Nagpapaunawang pahayag ni Jesica.

“Nakakaawa naman yung tao, mukhang malungkot ng umalis. Why don’t give him another chance?” Simpatiya ni Lucila sa binata.

 

“Another chance?! Tita what are you talking about? Wala nga kaming relasyon ng lalaking yun. Saan nyo nakuha ang idea na yan, hindi po nakakatuwa.” Apektado si Jesica sa sinabi ng tiyahin.

 

“Akala ko siya ang father ni Venice. Alam mo ba ang tagal kong iniisip kung sino ang kamukha ni Vincent? But when I saw him in our living room a while ago bigla kong naalala si Venice  lalo na ng mapansin ko ang picture frame sa sala.” Matamang tinititigan ni Lucila si Jesica habang nagsasalita, gusto niyang makita ang magiging reaksiyon nito.

Biglang kinabahan si Jesica sa huling sinabi ng tiyahin, nawala sa isip niya ang litrato nila ni Venice na naka display sa isang bahagi ng living room. Ang pangambang nararamdaman ay sinarili na lamang niya, hindi pa siya handing ipagtapat sa tiyahin ang tugkol sa totoong ama ng anak.

“O natahimik ka na diyan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” Pangungulit ni Lucila.

“Tita, walang kaugnayan si Vincent sa aming mag-ina at wala rin po kaming relasyon. Nangungulit lang po yun dahil gusto niya akong gamitin para itaboy ang linta niyang girlfriend.” Tuwing naiisip ni Jesica ang maarteng si Mia ay nanggigigil siya.

“Really? Akala ko pa naman mabait ang lalaking yun. Let me handle him, hindi pwede sa akin ang kalokohan niya nagkamali siya ng babaeng nilapitan niya.” Palatak ng ginang.

Napanatag ang kalooban ni Jesica, mukhang napaniwala niya ang kanyang tita Lucila. Ngayon mas lalong mahihirapang makalapit si Vincent sa kanya.

Naputol ang pag-uusap nila ng tumunog ang telepono. Nagkatinginan silang magtiya dahil wala silang inaasahang tawag.

“I’ll get it.” Mabilis na nilapitan ni Lucila ang telepono na nakapatong  sa countertop. “Alejandro napatawag ka?” bungad ni Lucila ng marinig ang boses ng bayaw. Mula ng hiwalayan ni Alejandro ang kanyang ate ay hindi na niya tintawag itong kuya.

Marahas na napalingon si Jesica kay Lucila ng marinig niyang banggitin nito ang pangalan ng ama. Kahit kalian ay hindi na niya inaasahang tatawagan pa siya ng ama. Mula ng pinutol nito ang ugnayan sa kanyang mommy ay hindi na sila nakapag-usap kahit sa telepono. Ilang beses niyang pinadalhan ito ng e-mail pero kahit isang reply ay wala siyang natanggap mula dito.

 

“Pauwi ng Pilipinas si ate Lourdes. Mabuti naman at naisipan mong may anak ka pa.”

Dinig na dinig ni Jesica ang parunggit ng tiyahin sa kanyang daddy. Kahit hindi tahasang sabihin ni tita Lucila na galit siya ay mababakas sa bawat katagang binibitiwan nito sa kausap.

Nilingon ni Lucila si Jesica bago muling nagsalita. “Jessie your dad wants to talk to you. Are you gonna get it?” sadyang pinarinig ni Lucila sa bayaw na wala na silang interes na kausapin pa ito.

Napakunot ang noo ng dalaga, after almost 3 years niyang hinintay ang pagkakataong ito. Tinanguan niya ang tiyahin at inabot dito ang telepono.

“D-daddy, napatawag ka?” nangingilid ang luha ni Jesica, ngayon niya narealized ang pagksabik sa kanyang ama.

“Jesica, ano itong nalaman ko na nagkaanak ka ng walang ama?” galit na bungad ni Alejandro sa anak.

Nang marinig ni Jesica ang galit na boses ng kanyang daddy ay tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Akala niya ay mararamdaman na niya ang malasakit ng isang ama.

“Sorry daddy, hindi ko po sinasadya.” Mapagkumbabang tinig ni Jesica.

“Oh God! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa mga kaibigan ko!”  malakas na ang boses ni Alejandro sa kabilang linya.

“Mas mahalaga pa ba ang sasabihin ng mga kaibigan mo? Hindi mo na…” hindi na naituloy ni Jesica ang mga gusto pang sabihin sa ama dahil tuluyan na siyang napahagulgol. Gustong gusto sana niyang sabihin ang lahat ng hinanakit sa aman pero naunahan na siya ng pag-iyak.

Sa kabilang linya naman ay biglang nag-alala si Alejandro ng marinig ang pag-iyak ng anak. Gusto man niyang bawiin ang mga sinabi dito pero huli na ang lahat.

Hindi na nakapagpigil si Lucila habang pinapanood ang kaawa-awang hitsura ng pamangkin. Mabilis niyang inagaw dito ang telepono.  “Ang kapal din naman ng mukha mo! For almost 3 years of having an affair with other woman ikaw pa ang may ganang manumbat sa anak mo. Are you listening to yourself Alejandro?” nang-uuyam na tanong ni Lucila.

“Why don’t you ask yourself kung bakit nagkaganito ang pamilya mo. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ikaw! And don’t you ever waste your time to call your daughter.” Hindi na hinayaan ng ginang na makapagsalita si Alejandro, ibinagsak na niya ang hawak na telepono.

Nilapitan ni Jesica ang tiyahin at mahigpit na niyakap ito. Hindi pa siya natatapos sa problema sa pangungulit ni Vincent at ngayon naman ay biglang umeksena ang kanyang ama.

 

“Sshh, stop crying hija. Don’t worry when go back to Philippines sasama ako at haharapin natin ang walanghiya mong ama. Sabihin mo rin sa akin kung sino ang walang hiyang tatay ni Venice at ako na ang bahala sa kanya.” Pang-aalo ni Lucila.

“Thank you tita, pero hindi ko talaga nakilala ang father ni Venice.” Pilit pa ring itinatago ni Jesica ang katotohanan sa tiyahin.

Napailing na lamang si Lucila pero alam niyang may kaugnayan si Vincent sa problema ni Jesica ang kailangan na lamang niya ay pakilusin ang kanyang pera. Hindi niya hahayaang maging miserable ang buhay ng paboritong pamangkin.

_____________

A.N.

Maraming salamat pos a lahat na patuloy na sumusuporta sa mga stories ko, sana hwag kayong magsasawa ^__^

 

Please don’t forget to vote and leave your comments :D

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now