Chapter 42 part 2

72.6K 1.6K 38
                                    

A.N.

Malapit na malapit ng matapos.. Revelation na ang mga susunod na chapters :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Maraming maraming salamat sa suporta ninyo sa story nina Vincent at Jesica :) I love you guys....

_________________________

Chapter 42 part 2

Pagdating na pagdating sa harap ng hospital ay agad ng umibis ng sasakyan si Jesica hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ni Vincent. Panay ang usal niya ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang anak ilang beses na rin siyang pinagsabihan ni Vincent na hindi makakatulong sa kanila sa ngayon kung puro negatibo ang iisipin niya.

"Calm down, okay?" Mahigpit na pinisil ni Vincent ang kaliwang kamay ni Jesica at inakbayan niya ito.

 

 

"I'm scared, parang hindi ko kayang makitang naghihirap si Venice." Muli na namang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.

 

 

"I promise, I'll do everything para sa anak natin. Hindi ko na hahayaan na mawala kayong muli sa akin." Hinalikan ni Vincent ang ulo ni Jesica.  Tapat si Vincent sa pangako, ngayon ang pagkakataon niya na patunayan ang pagmamahal para sa mag-ina niya.

Nang malapit na sila sa ICU ay halos patakbo na nilapitan sila ni Lourdes. Kitang kita sa mga mata nito na katatapos ding umiyak.

 

 

"Jessie, mabuti dumating na kayo. Hindi ko alam ang gagawin ko, paparating na rin ang daddy mo." Mahahalata na natataranta ang ginang.

 

 

"Mommy, how's Venice? May sinabi na ba ang doctor?"  Hindi mapakali si Jesica hangga't hindi nalalaman ang tiyak na kalagayan ng anak.

 

"She's under observation. The good thing is agad siyang naisugod sa hospital when she had trouble in breathing. Oh God! awang-awa ako sa apo ko kanina when I saw her swollen eyes and the red spots all over her body." Pagbabalita ng ginang.

Napapikit ng mariin si Jesica, parang ramdam niya ang paghihirap ng anak. Alam na niyang nakakain ng bawal si Venice base sa padedescribe ng kanyang ina.

"What happened to her? Bakit namamaga siya?" basag ni Vincent sa katahimikan na namagitan sa kanila. Bigla siyang natakot dahil baka may malubhang sakit ang anak na hindi sinasabi sa kanya ni Jesica at kung sakaling totoo ang kanyang iniisip ay hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawang pagtataboy noon kay Jesica.

Hindi makapag salita si Jesica parang may bikig siya lalamunan. Alam niya na sa sandaling ibuka niya ang bibig ay hindi na niya mapipigilan na muling maiyak.

"Venice has an allergic reaction with any kind of nuts. Nasa America pa lang kami sinabihan na kami ng doctor na kapag nakakain siya ng nuts ay pwedeng magkaroon ng severe reaction sa katawan niya. Kaya mahigpit namin na pinagbabawal ang nuts sa loob ng bahay para walang dahilan na makain ng bawal si Venice." Si Lourdes na ang nagpaliwanag kay Vincent ng mapansin ang pananahimik ng anak.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora