Chapter 8 part 2

94.8K 1.7K 29
                                    

Chapter 8 part 2

Natuwa si Vincent ng marinig ang pagpayag ni Jesica na ang kotse nito ang gagamitin. May isang bagay ang nagpapagulo sa kanyang isipan, ang sabi ng mommy nito kanina ay nasa Australia ang dalaga. Ang gusto niyang malaman ngayon kung bakit kailangang magsinungaling ni Mrs. Tenorio tungkol kay Jesica. 

"Hindi ako sasakay sa kotse ng babaeng yan." nakaismid na sabi ni Mia. Malaki ang tiwala niya na hindi siya matitiis ni Vincent. 

Pinukol ng masamang tingin ni Jesica ang babae. "Then get a cab, ako rin hindi ko gustong dumihan mo ang kotse ko." mataray nitong sabi kay Mia.

"Honey, did you hear that? ang sama ng ugali ng babaeng yan." pagmamakaawa ni Mia kay Vincent.

Napailing si Vincent, ngayon niya napatunayan na totoo ang mga sinasabi sa kanya ng mga kaibigan tungkol kay Mia.

"Jesica is right, much better if you'll just take a cab dahil may pupuntahan pa kami." hinila na ni Vincent si Jesica papunta sa parking space.  

Nanlalaki ang mga mata ni Jesica habang nakatitig sa mga kamay nila. Kung noon sanang nababaliw pa siya kay Vincent nangyari ito ay siguradong kikiligin siya. Ngayon ay lalong pinaparami lang ng binata ang mga kasalanan sa kanya. Hindi niya malilimutan ang mga nakakainsultong salitang binitiwan nito sa kanya. 

"Where's your car?" naputol ang paglalakbay ng isip ni Jesica ng marinig ang boses ni Vincent. Hawak pa rin nito ang mga kamay niya.

Mabilis na binawi ni Jesica ang kamay na hawak ng binata at nagpauna na siyang naglakad papunta sa kanyang kotse. At ng pupuwesto na siya sa may driver's seat ay mabilis na inagaw ni Vincent ang susi sa kanya. 

"I'll drive just give me your address." utos nito kay Jesica habang pinagbubukas niya ng pintuan sa passenger's seat. 

Wala ng nagawa si Jesica kundi magpatianod muna sa sitwasyon. Hindi pa sila nakakalayo ng magring ang kanyang cellphone, agad niyang sinagot ito ng makita na ang kanyang mommy ang tumatawag.

"Jessie, where are you now?" nag-aalala ang boses ni Lourdes.

"Mommy,  I'm on my way home. May isang nakakainis na tao lang akong nakita kaya natagalan ako." nakasimangot si Jesica habang nagsasalita.

"Are you okay anak?"

"Yeah, don't worry about me. How about tita Lucila, where is she now?" muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa tiyahin. 

"Kadarating lang, hayun at kinukulit na ng anak mo. Drive safely Jesie, we'll wait for you sabat sabay tayong magdidinner." masigla na ang boses ng ginang.

Biglang nakaramdam ng kaba si Jesica ng maalala ang tungkol kay Venice. Hindi pwedeng malaman ni Vincent ang tungkol dito, natatakot siyang maramdaman ang rejection mula dito lalo na ngayong may isang batang involve. 

Iginalang na lang ni Vincent ang pananahimik ni Jesica, sa ngayon ang importante sa kanya ay malalaman na nito kung saan nakatira ang dalaga. Kapag nalaman ni Renzo ang kalokohan niyang ito ay sigurado siyang makakatanggap ng kung anu-anong salita dito. 

Bago sila makarating sa kanilang bahay ay dalawang text messages ang ipinadala sa ina. Sinabi niya dito na hwag palalabasin si Venice at itago muna sa loob ng kwarto dahil kasama niya ang walang kwenta nitong ama. Hindi mapakali si Jesica ng walang sagot mula sa ina ang ikinatatakot niya ay baka hindi nito agad mabasa ang mga messages. 

"Malapit na tayo." imporma ni Vincent sa kanya. 

Pagtingin nga ni Jesica sa labas ng bintana ay sa susunod na block na ang bahay nila. Habang papalapit sila sa bahay ay lalong tumitindi ang nararamdaman niyang kaba. Idinadalangin niya na sana hwag lumabas si Venice para salubungin siya. Nakasanayan na pa naman ng bata na sumasalubong sa kanya. 

Nang iparada ni Vincent ang sasakyan sa tapat ng gate nila ay mabilis siyang umibis hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto ng binata. "I won't say thank you because I didn't tell you to drive me home. Ikaw ang dapat magpasalamat sa akin dahil ginamit mo ako para maitaboy ang isa sa mga babae mo." nakaismid na sabi ni Jesica ng makalapit sa kanya si Vincent. 

"Can I invite myself to have dinner with your family?" lakas loob ng tanong ni Vincent. Alam niyang may galit sa kanya ang dalaga kaya gusto niyang mapalapit dito para mapag-usapan nila ang tungkol sa nangyari 3 years ago. 

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Jesica, malapit na siyang maubusan ng pasensiya sa lalaking ito. "Vincent, pakiusap lang na tigilan mo ako, nanahimik ang buhay ko." 

"Jesica, I just want to talk to you about that night." umaasa si Vincent na pagbibigyan siyang muli ng dalaga. 

"That was 3 years ago, just forget it. In a few months I'll be engaged with my boyfriend." nginitian pa ni Jesica ng ubod ng tamis ang binata. Hinding hindi na niya muling uulitin ang pagkakamaling ginawa niya. Matagal na rin niyang kinalimutan ang pagkahibang sa lalaking ito. 

Vincent doesn't know how to react when he heard those words from Jesica. He couldn't even find any single word to utter. He just turned his back and walk away. 

Jesica was left surprised. She doesn't even understand why he got upset. 

"Jesie, kanina ka pa?" hindi namalayan ni Jesica na nakalabas na pala ng gate ang ina.

"We just arrived mom." sabay buntong hininga na naman niya. 

'Where is he?" inilibot pa ni Lourdes ang paningin.

"Pinaalis ko na. He wants to have dinner with us, napaka imposible talaga ng lalaking yun." parang batang pagsusumbong nito sa ina. 

"We'll talk later but for now prepare yourself. Maraming tanong ang tita Lucila mo." babala nito sa anak.

__________________

A.N.

Maraming salamat.... 

Please don't forget to vote and leave your comments :D

If I Could Turn Back The Time (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora