Chapter 36 part 2

79.6K 1.6K 50
                                    

Chapter 36 part 2

Pakiramdam ni Jesica ay nanghihina siya pagkatapos ng mahabang pagtatalo nila ni Vincent. Pagkahatid sa kanya sa restaurant ay agad niya ring tinawagan ang kanilang driver, mas kailangan niyang mag-isip ngayon para makabuo ng tamang desisyon.

 

“Jessie, I thought you have meeting with your suppliers? Nagtatakang tanong ni Lourdes sa anak ng masalubong ito sa may hagdanan.

“I asked my manager to represent me, wala ako sa mood magtrabaho ngayon. Nilampasan lang niya ang ina at pumasok na sa kanyang kwarto.

Hinabol na lamang ng tingin ni Lourdes ang anak parang alam na niya kung ano ang pinoproblema nito.  Kung pwede nga lang na pangunahan na niya ang pagdedesisyon ay noon niya pa ginawa pero ang gusto niya ay may matutunan ang mga ito sa mga ginawa nilang desisyon.

“Parang narinig ko si Jesica? tanong ni Alejandro mula sa likuran ni Lourdes.

 

“Kadarating lang mukhang namomoroblema na naman ang anak mo. Pagsusumbong ni Lourdes sa asawa.

Kahit na paano ay natutuwa si Alejandro sa ganitong pagkakataon dahil nagkakaroon siya ng pagkakataon na makausap ang asawa ng hindi siya sinisinghalan. “Akala ko ba lumabas sila ni Vincent? Sabay na silang bumaba at habang naglalakad ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa anak.

Dinala ni Alejandro si Lourdes sa terrace. Gusto niyang alamin kung ano na ang nangyayari kay Jesica dahil nitong mga nakaraang araw ay naging abala siya sa pag-aasikaso ng negosyo nila.

“Nagbreakfast sila and maybe something came out kaya problemado na naman si Jesica. Pahayag ni Lourdes.

“I will talk to Vincent to end this, masyado ng nasasaktan ang anak natin. Ayoko ng lumala pa at madamay si Venice.”   

“Alejandro, hayaan mo ang mga bata. They will not learn their lessons kung pakikialaman natin sila, we’re here to guide them not to meddle with their personal lives. Salungat ni Lourdes sa gustong mangyari ng asawa.

“Bahala ka, pero kapag nakita kong nahihirapan na si Jesica hindi mo na ako mapipigilan sa mga gagawin ko.Sabay tay nito bago muling nagsalita.“Sige hahayaan ko muna kayo ni Franco. Napamulagat si Lourdes ng marinig ang huling sinabi ng asawa, hindi niya akalain na alam pala ni Alejandro ang mga plano niya.

Nang makatalikod ang asawa ay nagmamadaling tinungo ni Lourdes ang study room. Kailangan niyang makausap si Vincent para alamin kung ano ang napag-usapan nila ng anak.

If I Could Turn Back The Time (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن