CHAPTER 63 - SELFISH

13.4K 215 55
                                    

CHAPTER 63 – SELFISH

 

 

“Kiyoshi?” Siya ba talaga ito? Si Kiyoshi Ito na... na... gusto ko? Mahal ko?

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nagbow naman siya sa lahat.

“Good Afternoon po.” Bati niya. Nagnod naman sila Mudra. Nagsialisan na din ang ibang mga tito at tita ko. Sila Mudra naman umalis. Bibili lang daw sila ng food.

Bali kaming tatlo lang nila Pure, Prince at ako ang nandito. Kinda awkward.

Andito ang fiancé ko tapos andito din ang taong mahal ko. Aiy nyets.

“Kamusta ka na?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Okay lang.. ikaw? Kamusta ka na? Antagal mong hindi nagpakita?” Magagalit ba ako o matutuwa? Sa tuwing naaalala ko ung hindi niya pagtawag or kung ano-ano pa sa akin naiinis ako... nagagalit.. pero sino nga naman ba ako para magalit? Wala na kami.

“I’m sorry. Nagkaproblema kasi sa pamilya namin kaya hindi kita macontact.”

 

 

“I... understand.” Really Kumiko? Hmp. Sabagay, no time para magalit ako ngayon.

Biglang namang nag ‘ahem’ si Prince. Doon ko pa lang naalala na hindi ko pa pala sila pinapakilala sa isa’t-isa.

“Ahh! Siya nga pala Pure, si Takehiko. Prince, si Kiyoshi.” Turo ko sa kanila. Nagtitigan lang silang dalawa. Para bang may kuryente na pumapagitna sa dalawang mata nila.

“Hoy!” I snapped.

“Kilala ko na yang gagong yan.” Sambit naman ni Prince. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Magkakilala sila? In what way? Basag ulo? Or what?

“Paano kayo nagkakilala?”

 

 

“He’s my half-brother.” Sabi sa akin ni Pure. WHAT?!! HALF-BROTHER?!! Oh fudge! Lagi kong nababanggit si Pure kay Prince. Nakakahiya!! Baka.. sabihin niya... ugh!! Bahala na.

“Teka, bat di niyo sinabi sa akin? Ikaw Takehiko bakit hindi mo sinabi sa akin ha?!!” tinaasan ko ng kilay si Prince. Siya naman nakastop lang yung kamay. Yung para bang pinipigilan ako at hindi magalit.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now