CHAPTER 66 – PROTECT
TAKEHIKO POV
Inalis na niya ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang palad. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
“Ano ba Takehiko. Huwag mo na akong pagalalahanin ng ganun ha? Huwag ka na ding magisip na hindi ka espesyal sa akin. Kasi espesyal ka sa akin dahil kaibigan kita. Parang bestfriend na din.” Ngumiti siya sa akin.
Kaibigan? Ha.. ha.. tangina. Akala ko... higit pa roon.
Unti unting nawala ang ngiti ko.
At least special pa din diba Takehiko? Yun nga lang special friend. Pwe!
“Doushita?” (what’s wrong) Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko.
“Papahinga na ako.” Iniwan ko na lang siya sa sala at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Hindi ako makatulog hanggang sa mag2:00 AM na. Bumaba ako at kumuha ng maiinom. Hindi talaga ako makatulog.
Bakit?
Kahit anong tanggi ko na isipin si Claudette, bigla bigla na lang siyang lilitaw. Tapos kumocombo pa itong sakit ng puso ko.
“Gising ka pa?” Nasa sala pala si Claudette nanunuod.
“Di ako makatulog.” Tumabi ako sa kanya pero malayo.
“Hindi ba sumakit ang ulo mo?”
“Hindi.” Eh ang puso ko, hindi mo ba tatanungin?
“Ahh..” Nawala ang katahimikan ng magring ang phone ko. Sino naman kaya tong tumatawag, madaling araw na.
“hello?” sagot ko.
“Ah! Gising ka pa pala.” I know this voice. Bat pa siya tumawag.
“Problema mo?” Pagnaririnig ko ang boses ng taong ito, nabwbwisit lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/1644052-288-k361224.jpg)
YOU ARE READING
Little Miss Gangster [BOOK 2]
Action[Stereo Hearts Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2012 by iammejlyn Kumiko (KC) the 6th Generation Yakuza Boss of Kamenashi Family is the daughter of the Leader of Phase 10/the 5th Yakuza Boss and the Second leader of the well-known Ichisan went to a delinquen...