CHAPTER 20 - TALKING ABOUT MY RELATIONSHIP

18.4K 248 42
                                    

CHAPTER 20 – TALKING ABOUT MY RELATIONSHIP

Pauwi na ako sa bahay nagiisip pa din. Bat kaya di nila sinabi sa akin yung nangyari kina Dudray? Sabagay hindi naman kakwento kwento... I guess?

 

 

“Hoy.” May tumawag sa akin bigla mula sa likod. Pagharap ko tatlong lalaking matatangkad at malalaki ang katawan.

 

 

“Ano iyon?” Tanong ko sa kanila.

 

 

“Sumama ka sa amin.” Sumama? Sabi ng lalaking magulo ang hair

 

“Bat naman ako sasama sa inyo eh hindi ko kayo kilala?” Tumalikod ako sa kanila at naglakad muli.

“Aba’t---“

 

 

“Marlon, tama na iyan. Hindi naman siya sasama sa atin kung hindi natin siya yayayain ng matino.” Tumakbo sa harap ko ang isang lalakng nakajacket.

 

“Ah miss. Pwede ka bang sumama sa amin? Ako nga pala si Alex.” Then nagpeace sign siya. Di ko na lang siya pinansin at nilagpasan na lang. “Miss wala namang bastusan.”

 

 

“MGA UGOK! DISKARTE NIYO KASI BULOK.” Sigaw ng isang lalaki. Tapos siya naman ang lumapit sa akin.

 

“Miss Kumiko Claudette Mizushima, ako nga pala si Jansen Ventura. Kaibigan ako ni Elisa I mean kaibigan kami ni Elisa Marasigan.” Tinignan ko naman siya.

 

“Anong gusto niyo? Bubugan nanaman?”

 

 

“Ah.. no. Hehe! Gusto ka lang naming makausap. Kung okay lang sayo. Importante.” Sabi niya sa akin. Tinignan ko silang tatlo isa-isa.

“Okay.” Sabi ko. Then pinapasok nila ako sa dala nilang kotse.

Pumasok naman ako. Subukan nilang lumaban may pepper spray akong dala. Dinala ako sa Starbucks at doon kami nagusap. Buti naman.

 

“Para sayo miss.” Sabi nung Marlon at binigay sa akin ang isang Mocha Frappe.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now