CHAPTER 32 - WEIRD DREAM

16K 229 16
                                    

CHAPTER 32 – WEIRD DREAM

“Hello KC!” May tumatawag sa akin from afar. Hindi ko mawari kung sino.

“KC DITO!” Tumingin ako sa likod ko. Andon sila Mudra at Dudray. Pati na din ang ibang mga kabarkada nila. Lalapitna sana ako ng biglangmay humarang sa akin.

“KC huwag.” Pamilyar siya... sino ba siya?!!

“Huwag kang lalapit!” Sigaw niya sa akin. Tinignan ko ang mga naghihintay sa akin.

Nakangiti silang lahat at kumakaway. Andoon na din sila April, Calvin, Ace, Jesther, Pure at kung sino sino pang kakilala ko. Oo, andoon din ang mga Black Pearl.

 

“Pero... kailangan ko silang puntahan!” Saad ko sa taong humaharang sa akin.

“Huwag KC! Mapanganib!” Tinabig ko ang mga braso niya na humaharang sa akin at tumakbo papunta sa kanila. Pero habang tumatakbo ako....... parang....

Parang hindi ako lumilipat...

Di ako umuusad.

“KC... Huwag.” Sabi ulit ng taong humaharang sa akin.

“Gusto ko silang makasama!”

 

 

“Hindi maaari. Mapanganib!” Habang nagaalala ang itsura niya sa akin tinignan ko ulit ang mga naghihintay, nawala na mga adults. Ang natira na lang ang mga Black Pearl, taong kilala ko na halos kasing edad ko lang at sila April.

“Wala na sila Mama!! Asan na sila!!”

 

 

“Hindi ko alam KC.” Akmang tatakbo na ulit ako sa pwesto nila ng higitin ako ng taong pumipigil sa akin.

“Sino ka ba!” Sigaw ko sa kanya.

“KC huwag!” Yun langang tanging sagot niya sa akin habang nagiiba iba na ang kanyang anyo. Nagiging duguan na ang katawan niya pati na rin ang mukha niya.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now