CHAPTER 28 - LET'S STOP THIS NONSENSE THING

17.3K 251 35
                                    

CHAPTER 28 – LET’S STOP THIS NONSENSE THING

First week of October, malapit na ang birthday ko. At simula nung araw na.... na... alam niyo nay un! Basta yun :)))))

Naging mas malapit na kami ni Pure sa isa’t isa.

“Bhi, dito na ako.”

 

 

“Osige.” Bago siya pumasok sa room nila kiniss niya muna ako sa forehead, ako naman pumasok na sa room namin.

“Uiyy~ Sister, iba na yang namamagitan sa inyo ni Kiyoshi ahh.”

 

 

 

“Ha?” Napatingin naman ako kay April.

“Tignan mo ha, hindi naman na nangugulo si Jesther sa inyo. Hindi ka na din niya nilalapitan or kinakausap. Kung kakausapin ka man niya yung friendly way lang. Tapos bumabalik na kayo sa dati ni Jes.... medyo? Pero basta!”

 

 

“April, syempre baka kung malaman niyang joke time lang yung ginagawa namin ni Pure edi baka manggulo nanaman.”

 

 

“Hindi yun ehh.” Tapos humarap siya sa akin. “Isang tanong isang sagot.” Tumango na lang ako.

Tumingin siya sa akin ng seryosong seryoso.

 

“Kumiko Claudette Sobela Mizushima... mahal mo na ba si Kiyoshi Ito?”Muntikan na akong malaglag sa upuan ko dahil sa tanong na iyon, oo na ako na oa pero kasi...

“HAHAHAHAHA!! Nagpapatawa ka ba? HINDI NOH! Bakit naman ako maiinlove sa lalaking iyon. First of all, HINDI KO SIYA TYPE. Oo, may itsura siya. Gwapo siya, hot siya. Pero hindi ko type! Sa ugali pa lang noh. Duh!”

 

 

“AT bakit?”

 

 

“LAGI NIYA AKONG INUUTUSAN! MMP.”

 

 

 

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now