CHAPTER 50 - HAJIMEMASHITE, FIANSE!

14.7K 192 36
                                    

CHAPTER 50 – HAJIMEMASHITE, FIANSE!

 

 

JESTHER POV

 

Ehh? Nasan si Kumiko? Parang kanina lang nakita ko siya kasama si Ace ngayon pati siya hinahanap sa akin.

“Nakita niyo ba si Kumiko?”

 

 

“Hindi eh. Bakit anong nangyare?” Tanong ko. Kasama ko ngayon si Elisa nasa table.

“Bigla na lang kasi siyang tumakbo after kong makwento sa kanya yung pagalis ni Pure.” Pagalis ni Pure anong ibig sabihin niya? Kwinento niya sa amin ang lahat at parang nacacalculate ko na kung ano ang meron.

“Baka pinuntahan niya sa airport.” Medyo kalmado kong sabi.

“Tatawagan ko na lang.” Tumabi siya sa amin at kinuha ang phone niya tapos tinawagan si Kumiko.

Bigla namang may nagring malapit sa amin.

Pagtingin ko sa gilid andon si KC, nakaupo sa sahig. Malayo sa dance floor, medyo madilim sa part niya pero mapapansin mo siyang andoon dahil sa suot niya. Ang down ng itsura niya. Agad naman namin siyang pinuntahan.

Paglapit namin yung make-up niya medyo pangit na tapos magulo na din ang buhok niya, medyo gusot din ang damit niya. I touched her chin.

“KC?! Anong nangyare?”

 

 

“Iniwan na niya ako..” Yan lang ang paulit ulit na sinabi niya. “Sabi nga ni Orochimaru, you’ll never know how important a person is to you until you lose him.” Nagsimula ng pumatak ang mga luha niya.

“Hi.. hindi mo siya naabutan?” Tanong ko ulit. Umiling iling siya.

“Nakakainis. Hindi ko siya pinuntahan kanina sa pagkikita namin! Ang tanga ko. Masyadong napakataas ang pride ko. Tama nga, walang mangyayari pag hindi ibababa ang pride.”

 

 

 

“KC, tama na.. Siguro tatawagan ka naman niya pagdating niya doon. Or, pwede mo siyang tawagan.. diba?” Tumingin siya sa akin at medyo naglighten ang mukha niya.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now