13 ( Titig )

1 1 0
                                    

T I T I G
-kendrangdalita

Lagaslas ng malakas na ulan ang sumabay sa alimpuyo sa dibdib ni Stella kasabay nito ay ang kulog at kidlat. Tila sinabayan ng panahon ang kaniyang pagkasira, ang araw na pinaka-kinatatakutan ng dalaga. Mga matang dating nakangiti ay wala ng buhay. Ngiti sa labi niya ay tila nabura at napalitan ng blankong pigura.

"Ayoko na", bulong ni Stella.
"Kung yan ang gusto mo, wala na akong magagawa" malumanay na turan ng kasintahan nito.
"Sige" sabay talikod nito at pahid ng luha na kanina pa nitong pinipigilan.

---------------

"Congrats Stella! job well done" malakas na pagbati ni Mr. Tyler sa dalaga sabay akbay dito na agad namang iniwasan ng dalaga.

"Thank you Sir, i'll go ahead" sabay lakad nito palayo, nasasakal siya sa titig ng ilang lalaki sa daraanan niya kaya mas pinili niyang dumaan sa likod na parte ng building nila.

"Ate san po kayo?" isang estrangherong lalaki ang lumapit, bakas sa itsura nito ang pagod, punit na pantalon at kupas na puting damit. "Sakay na ate, libre ko na" sabay ngiti nito ng matamis.

"No thanks, I'm not interested" sabay lakad palayo sa lalaki.

---------------

"Ms. Stella, nandyan na po ang bagong kliyente, papasukin ko na po ba siya?" mabilisang balita ng Secretary ni Stella.

Mabilis niyang inayos ang mesa sabay tugon sa sekretarya na papasukin na ang bagong kliyente niya.

Tunog ng pagbukas ng pinto ang nakapagpahinto sa pag aayos ni Stella sa kaniyang medyo nagusot ng uniporme, isang matamis na ngiti ang kaniyang ipinakita pero agad ding ng nabura ng makita kung sino ang susunod niyang kliyente.

"What a coincidence?" pagak nitong tawa sabay sabay upo nito katapat sa lamesa ng dalaga.

"Yeah, coincidence as it is, I'm suprised Mr..?

"Mr. Buenevista" proud nitong tugon sabay matamang titig sa kaniyang mata. "Anong nangyari sayo?" bulong nito habang nakatitig parin sa kaniyang mga mata.

Kahit gusto ni Stella na umiwas ay tila may kapangyarihan ang mata ng binatang kaniyang kaharap kaya naman hindi niya maalis ang titig dito. Napakalalim ng luntian nitong mga mata, para siyang nasa gitna ng kagubatan.

"Napakalungkot ng kwento ng mata mo" muling usal ng binata. "Walang buhay, walang kulay" ito na mismo ang pumutol sa titigan nila sabay kapit sa relong suot-suot.

Nakakhipnotismo ang titig nito, nakakaenganyo kaya hindi agad nakasagot si Stella.

"Sa eksaaktong petsa at oras ng pagkadurog mo tayo ay babalik, aayusin ang lahay ng mawala ang pighati at sakit", usal ng binatang nasa kaniyang harapan, kasabay nito ay ang pagkahilo ni Stella at pagdilim ng paligid.

---------------

Isang malakas na sirena ang nagpagising kay Stella, nakaupo siya sa maliit na lamesa sa loob ng opisina, nagkalat ang tambak na papeles, agad nangunot ang kaniyang noo dahil sa kaniyang pagkakatanda ay nasa loob siya ng sariling opisina, laking pagtataka niya kung bakit nakaupo siya sa isa sa mga cubicle ng office nila. Sa eksaktong dating lugar kung saan siya nakaupo nung nag-uumpisa pa lamang siya.

"Uyy Stella! Nandyan ka papala, naku ikaw talaga grabe ang OT mo" isang tapik sa likod ang kaniyang natanggap mula sa boss na si Mr. Tyler, pamilyar sa kaniya ang pangyayari nayon, hinding-hindi niya makakalimutan ang araw nayun. Mukhang may ideya na siya sa nangyayari pero hinayaan na parin.

Agad siyang nagligpit at kinuha ang bag na eksaktong suot niya ng araw nayun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi mawari kung paano niya papahinto ang kaba. Alam na alam niya ang mangyayari. Pamilyar.

"Stella! Sandali!", hindi na siya nagulat ng marinig ang boses nayun, alam na niya lahat.

Kasabay ng tawag ay ang pagharap niya sa lalaki, "Bakit?" tugon niya, bakas sa mukha ng binata ang puyat.

"Let's talk, outside. Pag-usapan.."
"na ntin lahat" pagsabay ng dalaga sa sasabihin ng binata, kahit pa nagulat ay pinagsawalang bahala ito ng lalaki at agad siyang hinigit palabas ng building.

"Look, pagod ako ok, yung mga ginagawa mo Stella hindi sakto sa edad mo, malalaki na tayo para sa pagiging.."

"May kilala ka bang Andrea?" biglang putol ni Stella sa sasabihin ng binata, nanlaki ang mga mata nito.

"W-wala ak-ong kilala, ang sinasabi ko.."

"Bakit?" matapang na tanong ni Stella

"Anong bakit?" naguguluhang turan ng binata.

"Alam mo, akala ko ako ang may mali, na ako ang dahilan bat hindi nagwork ang satin kasi sabi ko pagod na ako sayo, ang sinabi ko lang ay pagod na ako, kaya pala nagmamadali kang sabihin ko yun kasi may plano kana. Planado niyong dalawa yun," titig na titig si Stella sa mata ng binata, isang pagak na tawa ang kaniyang ibunulalas. "Ang kapal ng mukha mong ipamukha sakin noon na ako ang may kasalanan at ako ang nagkulang samantalang ikaw", sabay duro nito sa binata " nagpapakasasa sa pagsisid kay Andrea.

Naguguluhan ang binata dahil sa mga narinig, tila alam ni Stella ang lahat ng plano at ginawa niya. Bago pa siya makaimik pa ay isang malakas na sampla na ang iginawad ng dalaga.

"Para yan sa panloloko mo sakin", isang sampal pa ang ibinigay nito " at yan naman ay para sa pagbabalak na palabasing ako ang nagkulang sa tarantadong katulad mo" tugon ng dalaga sabay talikod.

"At oo nga pala, lolokohin karin ng babaeng kasama mong nagplano ng lahat, magmamakaawa ka sakin pero ang nakakatawa hindi kita tatanggapin" bulalas ni Stella sabay lakad palayo ng walang lingunan. Malaki ang binago niya sa naganap pero wala siyang pakialam, gumaan ang pakiramdam niya dahil kahit papaano hindi na siya nagulat sa mga nangyari, hindi na siya si Stella na mabait at inosente.

Nagulat siya dahil may basang parte sa pisngi niya, hindi niya napansin na napaluha na pala siya, masakit pero hindi katulad noon na halos ikadurog niya. Sa pagkawala sa wisyo ay may nakabunguan si Stella.

"Mukhang nagtagumpay ako sa misyon ko" bulong ng pigurang nasa harapan ni Stella, agad siyang tumingin at nakita ang lalaking nagyaya sa kaniya ng libreng sakay at ang lalaking kliyente niya. Ang taong nakakaalam sa totoong nangyari.

"Stella, tandaan mo, may mga panahong magugulat ka dahil masyado kang nabulag sa magagandang nangyayari, matuto kang makiramdam, hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya." bulong nito.

Sa isang iglap ay bumalik si Stella sa kaniyang opisina nakaupo habang kausap ang sekretarya.

"Ms. Stella, nandyan na po ang bagong kliyente, papasukin ko na po ba siya?"

"Oo please pakisabi na pumasok na siya" pero laking gulat ni Stella na isang babae ang pumasok, hindi na ito ang lalaking kausap niya kanina lamang, nawala ito.

Isang malakas na hangin ang biglang dumaan at kinig na kinig ni Stella ang mga katagang.

"Muli kitang makikita Stella, hindi sa mundong to". Mga katagang nagpatayo sa balahibo ng dalaga.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Nov 27, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora