11 ( Bulong )

1 1 0
                                    

BULONG
-kendrangdalita

Ika-20 ng Enero taong 2019 ng magsimula akong makarinig ng mga mumunting tinig sa aking tenga, halos araw-araw ay hindi ako nito tinitigilan. Animo'y siya ang aking konsyensya na nagtuturo sakin sa mga dapat kong gawin.

"Layuan mo siya, traydor na nilalang nasa iyong harapan", pang-uusig ng munting tinig sakin habang kinakausap ko ang aking Ina. Madalas kong naririnig na sinasabihang hindi mapagkakatiwalaan si Ina hindi ko magawang makinig sa munting tinig na'to dahil alam kong mali naman siya, magmumukha akong baliw at katawa-tawa.

"Layuan mo siya!! Hindi siya totoo", muling bulong ng munting tinig sa isipan ko habang kausap ko ang aking kuya. Hindi na ako natutuwa sa mga mumunting boses na'to animo ay siya ang utak ko na nagkaroon ng bibig kaya isinasatinig ang lahat ng nais, walang preno at konsiderasyon ang kaniyang mga pahayag. Hindi kapani-paniwala, hindi makatao. Nakakalito sa buong sistemang meron ako. Guni-guni ko nga lang ba ang madalas kong nadidinig na halatang ako ay pilit na inuusig na siya ay pakinggan.
---------------

"Takbo!" mabilis akong napabalikwas ng tayo ng muli kong madinig ang mumunting tinig sa aking isipan, malalim at malamig na boses na nakapangingilabot paminsan-minsan.

Tunog sa seradura ng pinto ng nakapagpalingon sa aking gawi, tumambad ang mapungay na pagtingin ng nakatatanda kong kapatid, mababakas sa mata niya ang pagkalasing.

"Takbo!" muling nadinig ng aking tenga, halos umugong at magpanting ito sa lakas, dumadagundong ang hugpungan ng aking pandinig. Sinabayan ng isang malakas na pagsara ng pinto.

"Takbo!" halos maiyak na ako at saking pagmulat ay nakaharap ko ang tunay na demonyo. Isang malakas na pagtulak, panaghoy ng pagmamakaawa ang isinaawit ng aking mga bibig. Lirikong aking ginamit ay hindi pamilyar.

Kalmot, sipa at sigaw, idagdag pa ang minsanang panlalaban ngunit ang kaharap kong demonyo ay tila hindi ko matatalo, wala na akong takas, mukhang totoo ang turan ng boses sa pandinig ko.

Ang kuyang hinahanahangaan ko ay hindi totoo, isa siyang demonyong nagbabalat kayo.
---------------

Malikot ang mga mata at tila tuliro ang dinatnan kong kalagayan ni Ina, balisang-balisa habang ang kanang kamay ay pinaglalagayan ng isang sisidlan, pamilyar na lagayan ng mga inipon kong pera, tila ba hindi niya ako kilala sa kaniyang inaasta.

"Tago!" halos kilabutan ako sa nadinig na malalin na tinig, tila ba galing sa ilalim ng lupa. Makikinig ba ako? Susundin ko ba'to? Mali, si Ina ang kaharap ko sapat ng rason to.

"Ina ano pong ginagawa nyo sa ipunan..." mabilis niyang tinakpan ang aking bibig habang hibang na tumuturan.

"Pahiram muna si Nanay, may bibilhan lang" malikot niyang mata ay kakabakasan ng pagkapula, malikot na mata niya ay pumira ng mahawakan ang papel na pera, isang katok ang aking nadinig at mabilisang tumalima ng takbo si Ina.

Isang payat lalaki ang nasa harapan niya, may hawak na maliit na pakete ng platic na agad na hinablot at sinigot-singhot ni Ina. Kung hindi pa hinablot ng lalaki ang pera ay hindi magigising ang diwa ni Ina.

"Tago!" muling turan ng tinig sa aking isipan, ngunit kasabay ng aking pagtayo ay ang malakas na pagsipa sa pinto, nagiba ang seradura, mata kong basa ay hinahanap ang yakap ni Ina, ngunit mas lalo akong nagulantang ng narinig ang malakas na sigaw.

"Dapa!" armadong kalalakahin ang sa katawan ko ay dumagaan pilit na kinapkapan ang maselan kong katawan, waring may hinahanap ma bagay. Mata ko ay nanlaki ng makitang nakatayo si Ina sa tapat ng pintuan na animo'y kaninang hindi naging hibang, namumutla at pawis na pawis habang tinuran ang salitang..

"KUN-NIN NYO NA YAN, ADIK! OO KUNIN NYO NA PAKIUSAP" ni hindi ako tinapunan ng tingin habang katabi at akbay-akbay siya ng demonyong tampalasan, ngiting tila nagwagi siya sa aming labanan.

Tulalang hinila ako patayo, salibuybuyan ng tao ay hindi ko na dama, pagtingin sa daraanan ay hindi ko na inisip pa, hanggang sa muling nagsalita ang tinig.

"Iputok mo!" kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko at mabilisang pag agaw sa baril ng kasama ko, itinutok ang bunganga nito sa aking ulo sabay kalabit sa gatilyo.

Kung nakinig lang sana ako, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
---------------

Aral: Darating ang panahon na nanaisin nating makalaya sa sa puder ng ating mga magulang ngunit nawa ay pakatandaan na ang pakikinig sa kanilang mga payo at turan ay lubhang mahalaga dahil malay mo huli na ang lahat bago mo matuklasan ang tunany nitong halaga.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now