4 ( Butterfly in Disguise 2 )

2 1 0
                                    

BUTTERFLY IN DISGUISE 2
by: kendrang

@kendrangdalita

dedicated to Gabby ko

"It's been ten years but still i'm into you. Kelan kaba mawawala sa isip ko Kino??! Aarghhhh!!!", malakas na sigaw ni Kenn habang sinisipa niya ang punching bag. "Pesteng yawa kang lalaki! Kapal ng mukha mo! Kapag nakita kita dudurugin ko yang mukha mong burikat ka", pagpapatuloy pa nito.

"Hey! Gabby kumalma ka nga", kalmadaong suhestyon ni Mia sa kaibigan.
"Kalmado naman ako Mia, teka nga anong tawag mo sakin?", namamanghang tanong ni Kenn sa kaibigan.
"Ow shet wait", natatarantang sabi ni Mia "I'll go ahead na HAHAHAHA Ash is waiting for me bye", sabay takbo nito para maiwasan ang mga himutok ni Kenn, alam kasi nito ang dahilan kung bakit ayaw ni Kenn na tawaging Gabby.

Flashback

"Wow ang galing niya talaga maglaro no?", namamamanghang sigaw ko sa babaeng player ng arnis. "Grabe napakagaling niya", halos mawala na ang boses ng mga katabi kong baliw dahil sa kakasigaw.

GO GABBY! WOHOOOOO
LABAN LANG GABBYY
SHET GANYAN NGA SIGE HAMPASIN MO SA ULOOOO
GOOOO GABYYYYY
G A B B Y FOR THE WIN WOHOOOOOO
LUPET MO GABBY

Anlakas ng hiyaw ng mga tao pano finals na at nakakalamang ma talaga ang pambato ng school namin at ayun ay si Kenn Gabrielle a.k.a Gabby. Sa sobrang daming nasigaw ang isang ang pinakadinig ma dinig.

GO GABBY KO SHET GALING MO!
GABBY KO SIGE PO!
SIGE GANYAN NGA!
SA ULO SA ULO!
WOHOOOOOOO GIRLFRIEND KO YAN!!!!!

malakas na palahaw ng isa sa lalaking katabi. Mukhang di magpapatalo sa iba pang sumusuporta kay Gabby hahahaha. He' Kino Victor, Gabby's boyfriend. Mas bata siya kay Gabby, I think 3 years ang gap nila pero di naman yun mapapansin dahil malaking bulas si Kino. Matangkad ito kaya naman kitang kita mo agad hahaha. Mukhang inlove na inlove to kay Gabby. Lumibot pa ang tingin ko sa paligid at nakita ko sila hahaha. Talagang nasa tabi sila ng bench hahaha.

KAPATID KO YAN!
GO TOMBOY!
WOHOOOO KAPATED NAMIN YAN!

malakas na sigaw ng dalawang lalake sa unahan hahaha si Finn at Calix wala paring pinagbago after ng insidente na pagliligtas ni Gabby di na sila naghiwalay pa at mas nabuo ang pagsasamahan nila.

Lumipas ang ilan pang sandali at syempre naiuwi na naman namin ang trophy dahil kay Gabby. Pano naging malakas at mas sikat ang sports nayun simula ng naging player namin siya. Sobrang layo na ng narating niya.

--------------------------
Alas siete na ng gabi nun at kakain na kami ng hapunan ng may marinig akong balita.

FLASH REPORT!!!!

"ISANG SIKAT NA ATLETA SA LARANGAN NG ARNIS ANG KASALUKUYANG NASA LOOB NG NABANGGANG SASAKYAN. NILAHAD NG ISANG SAKSI NA MABILIS ANG ANDAR NG TRUCK AT TINUMBOK NITO ANG KOTSE NA SINASAKYAN NG BIKTIMANG KINILALANG SI KENN GABRIELLE NG EU ANG SIKAT NA PLAYER NG ARNIS back to you dyan sa studio", wika ng isang reporter.

"Kawawa naman nako po", wika ni Lola
"Hindi bat kaklse mo siya Kendra?", tanong sakin ni Daddy
"Ah yes po, daddy pede ba akong pumunta?", hindi ko na hinantay pa ang sadabihin ni Daddy at mabilis na umalis at pumunta sa lugar ayon sa balita.
-------------------------
Sobrang daming tao, singit at konting pakiusap ay nakarating ako malapit sa naaksidenteng kotse. Shit yuping yupi. Inikot ko ang mata ko at nakita ko sina Kino kasama yung dalawa.

"Ka-asalaaaanan ko", nakaluhod na iyak ni Kino habang tulala lamang si Calix at Finn.

Lunapit na ako kay Finn at Calix na nakatulala parin sa kotse ng Gabby. Mabilis na tumutulo ang mga luha sa mata nila, damang dama ko na nagaalala sila para sa itinuturing na kapatid.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now