1 ( Hiling ng Pag-ibig )

8 1 0
                                    

HILING NG PAG-IBIG
by: @kendrangdalita

Alas kuwatro na ng umaga yan ang kinasanayan kong oras ng aking pagising, mahirap intindihin pero siguro nga ganto kapag matanda na. Kulubot na ang aking balat ngunit kapansin-pansin parin ang taglay kong kapautian. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon.

"Lola Nay....." malakas na sigaw ang aking narinig habang nagmumuni-muni. Natitiyak akong si Bonog iyon ang apo ng aking kapitbahay.

"Sandali lamang ..." tugon ko, dagli akong tumayo at dahan-dahang umaba sa hagdan. "Anong kailangan mo Bonog?" takang tanong ko pero parang alam ko na ang mga sasabihan niya.

"Eh kasi po Lola Nay sinabihan po ako ni Lolo Nath na puntahan ko daw po kayo" kakamot kamot na turuan sakin ng batang si Bonog.

"Ay ganun ba? Ay sabi mo sa lolo mo na wag siyang mag-alala at ayos lamang ako" mahinahon kong sagot kay Bonog. "Eh siya ba kamusta?" balik kong tanong pero mukhang hindi agad siya nakapag isip ng isasagot kaya naman ngumiti na lamang ako.

"Ah eh Lola Nay sige po alis na ako" biglang kumaripas ng takbo ang batang si Bonog.

Napaupo na lamag ako sa maliit king lamesita at dun muling nagsariwa ng mga ala-ala.

Flashback

Taong 1962 ng makilala ko si Nath, matipuno at makisig na binata at talagang kinahuhumalingan ng lahat. Bukod tangi siya sa lahat kaya naman hindi naging mahirap na magustuhan ko siya. Ngunit dala ng kaniyang angking kagwapuhan ay madaming babae ang nagnanais na makasal sa kaniya at isa na dun si Leonor ang aking matalik na kaibigan. Lingid sa kaniyang kaalaman ay palihim na kaming nagkikita ni Nath at dun nagsimula ang aming munting lihim. Tuwing may magaganap na salu-salo sa aming tahanan ay imbitado ang kanilang pamilya. Lihim na pagsulyap lamang at minsanang pagngiti ang tangi kong nagagawa dahil tiyak na mapapansin ni Leonor iyon at ayoko naman na magalit siya sa akin.

Hanggang isang araw bandang alas syete ng gabi ay nakatakda ang amung muling pagkikita ni Nath, pinaghandaan ko iyong mabuti ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang aking makikita pagtapak ng aking mga paa sa tagpuan namin ni Nath.

Magarbong ayos halos maluha na ako dahil napakaganda hanggang sa nakita ko si Nath kasama ang kaniyang pamilya at nandun din ang mga taong malalapit sa amin. Nakaupo naman sa gilid ang aking pamilya at dagli ay tinawag nila ako. Habang naglalakad ay di ko mapigilan hindi mangiti. Sa patuloy kong paglakad tila ba nakasunod ang mata ng lahat sakin. Hindi ko sila pinansin at umupo na lamang ako sa tabi ng aking ama. Diretso siyang nakatingin sa unahan.

Maya-maya pa ay dumating nadin sina Leonor kasama ang kaniyang pamilya. Napakatamis ng kaniyang ngiti sa akin kaya kinutubuan ako. Hindi kaya... pero bago ko pa natapos ang aking pag-iisip ay nagsalita na ang ama ni Nath.

"Maligayang pagdating sa pinakaespesyal na araw para sa aming anak na si Nathaniel Santiago, ang kaisa isangbtagapagmana ng Hacienda Santiago, sabay sabay na tumayo ang mga tao at nagsipalakpakan. Nakita kong nakatingin sa akin si Nath kaya naman ngumiti ako sa kaniya ngunit umiwas siya bigla. Nakakapagtaka naman.

Lumipas ang oras at tila ba sobrang bagal nito. Hanggang sa biglang tumayo si Nath sa unahan at dahan-dahang lumapit sa gawi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, habang palapit siya na palapit ay di ko maiwasang maiyak, dala na siguro ng aking tuwa. Nasa tapat ko na siya nagtama ang aming mga mata at buong akala ko ay hihinto na siya pero hindi sapagkat humakba pa siyang muli at huminto sa tapat ng.....

Dali-dali akong tumakbo, bahala ng magmukhang bastos pero masakit. Masakit sa akin na makitang lumuhod sa harap ni Leonor si Nath at nag-aya ng pagpapakasal.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now