6 ( Nasa Huli ang Pagsisisi )

1 1 0
                                    

NASA HULI ANG PAGSISISI
by: @kendrangdalita

"AND THE WINNER IS.........................", halos dumagundong na ang buong gymnasium dahil iaanounce na ang susunod na Champion sa prestihiyosong competition ang BATTLE OF THE BRAINS. Halos lahat kami ay naghihintay sa announcement. Natitiyak akong siya ang mananalo.

Flashback

"Calix paturo naman nito", nakangusong pakiusap ni Gabby sa kapatid.

"Ano na naman yun Gabby?", natatawang turan ni Calix.

"About Statistics uwaaaa di ko maintindihan", nakanguso paring wika ni Gabby." Ano ba yung nominal level?", dagdag pa nito.

"Sus yun lang pala", nakangiting sabi ni Calix. " Nominal Level is characterized by by the data that consist of names, labels, or categories only. It can't be arranged in an ordering scheme. Examples are area, codes and gender, gets? mahabang pagpapaliwanag ni Calix sa kakambal.

Kamot ulong ngumiti si Gabby sa kakambal " yun lang pala yun Calix akala ko naman....", naputol ang sasabihin ni Gabby sa pagsigaw ng kanilang Mommy.
-----------------------------------------------------------------------

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na dapat nagrereview ka!", pasigaw na turan ng kanilang Moommy. " Calix, nakikinig ka ba? Malapit ma ang competition mo kaya dapat mas magseryoso ka", dagdag pa nito. Halata naman sa bawat bigkas nito na galit takaga siya.

"Mommy nagpatulong po kasi ako", pabulong na sabi ni Gabby
"Kahit na nagpatulong ka pa, if responsable si Calix sa dutyies niya mapagsasabay niya yun", galit na pasaring ng kanilang ina.

Bakas sa mukha ni Calix ang lungkot. "Look Mom, sorry for being irresponsible...", bago pa niya matuloy ang pagpapaliwanag ay padabog na umalis ang kanilang ina.

"Calix sorry", naiiyak na sabi ni Gabby
"Nah ok lang ako, pano bayan mukhang kailangan ko na tumaas baka magalit lalo si Mom sakin kapag nakita niya ako dito sa baba", matamlay na sagot ni Calix.
"Pero di ka pa nakain.."
"I'm fine don't worry", sagot ni Calix sa kakambal ma hakata namang nagaalala lamang para sa kaniya.
-----------------------------------------------------------------------

Isang buwan na lamang at malapit na ang pinka inaasam na laban ni Calix, dito nakasalalay lahat. Ito ang tanging paraan na alam niyang makakapagpasaya sa kaniyang ina.

Halos gabi-gabing nag-aaral si Calix, walang palya. Hindi niya ininda ang antok at pagod dahil kailangan siya ang makapag uwi ng gintong tropeyo.

"Kaya mo to Calix! Kaya mo to", pilit niyang pangungumbinsi sa sarili na kakayanin niya lahat para lamang manalo sa patimpalak na iyon.
-----------------------------------------------------------------------

Isang araw bago ang patimpalak, naging maingay ang pagalan ni Calix sa buong campus. Kilala na kasi talaga siyang pambato sa iba't-ibang paligsahan. Nakakapagtaka lamang na wala siyang kaibigan.

Naglalakad si Calix sa hallway habang nakayuko hanggang sa may nakabunggo siya. Si Finn ang pangalawa sa pinakamagaling sa buong school. Napahinto si Finn pero agad din dumiretso sa paglalakad. Napailing na lamang si Calix. Nagdiretso siya sa paglalakad at nakasalubong niya si Zuki, ang campus muse. Nginitian siya nito kaya naman namula ang kaniyang mukha, pero bago pa siya umimik ay hinila na agad ni Finn ang pinsan nasi Zuki. Kagat labi namang nagpatianod ang dalaga sa kaniyang pinsan.

Sa pagtuloy na paglakad ni Calix may narinig siya.

"Nakakamiss sila no?", pasimula nito. "Ewan ko ba sayo Mr, Genius at mas pinili mo ang lintik na tropeyo na yan kesa sa kanila.", nakangising turan ng isang pamilyar na lalaki. "Di mo man lang inisip kung ano mararamdman niya, wala ka talagang kwenta", ani nito. Pikit matang dimiretso ng lakad si Calix. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sinasabi nito dahil alam niyang tama ang desisyon niya.
-----------------------------------------------------------------------

"Goodmorning ladies and gentleman today is the day, BATTLE OF THE BRAINS will start in a few minutes. Contestants be ready", anunsyo ng emcee.

Kabadong kabado si Calix dahil alam niya ito na ang araw na pinakahihintay niya. Tumagal ang patimpalak ng halos 3 oras. Pasok si Calix sa top 3 contestants kaya mag aadvance siya sa LAST LEVEL, ANG MASTER LEVEL kung saan susubukin ang galing nila sa iba't-ibang codes.

Kinakabahan ang buong Enigmatic University dahil talagang magagaling ang kalaban.

Engkkkkkkkkkk~ tunog ng timer senyales na tapos na ang oras ng pagsasagot. Agad na nagsitayuan ang lahat kasama nadun si Calix.
-----------------------------------------------------------------------

"In a few minutes we're going to announce the next BATTLE OF THE BRAINS CHAMPION", nagagalak na sabi ng emcee

"The......"
"Uyyyyyyyyy"

End of flashback

"Uyyyyyyy", mukhang napalalim ang pagalala ko sa nakaraan, nakakatawa. "Kends ano sa tingin mo sinong mananalo?, tanong ni Zuki.
"Syempre edi siya", sabi ko.

Isang mapait na ngiti ang sinukli ni Zuki sa akin. Alam ko naman na deep inside kinakabahan siya para sa kaniya, nasa tabi ni Zuki ang pinsan niyang si Finn at katabi naman nito ang girlfriend nasi Zina

"THE WINNER IS...........................", halos magulantang kami ng iannounce ang nanalo. Kita ko sa mata niya ang lahat ng emosyon.

"Kenito Dominic, St. Joseph University", natutuwang announce ng emceee

Kenito Dominic
Kenito Dominic
Kenito Dominic

Umalingawngaw sa buong gymnasium ang sigawan ng mga taga St. Joseph at kapabaligtaran naman yun ng sa school namin.

"Tara na," pagyayaya ni Finn
"Pero...", hindi na natapos ni Zuki ang sasabihin dahil umalis ma agad si Finn.
-----------------------------------------------------------------------

"Nakakahiya ka talaga", malakas na bulyaw ng ina ni Calix. "Nakakahiya ka Calix!", paguulit nito.

Nakayukong nakikinig lamang si Calix habang walang magawa si Gabby. Galit siya sa sarili niya dahil natalo siya.

"Ano? Talaga banag gan...", bago pa matuloy ng kaniyang ina ang sermon ay agad naring nagsalita si Calix.

"Oo na, oo na a-alam ko naman! Alam ko!", sigaw niya "wala akong kwenta! Walaaa..... mas pinili kong iwan ang ka-aibigan ko dahil sa laban na to Mommy", luhaang sabi ni Calix. " Mas pinili ko ang laban kesa sa kaniya, sinira ko siya, siniraan kon siya....

Flashback

"Pare a-ano to?", tanong ni Finn
"Sorry pare pero mas mahalaga to", wika ni Calix sa kaibigan habang nilolock ito sa gymnasium para hindi makadalo sa elimination ng BATTLE OF THE BRAINS

End of flashback

"Mas pinili ko tong pesteng laban na ito kesa sa kaniya, sa babaeng mahal na mahal ko", mas malakas na sigaw ni Calix.

Flashback

"Sorry but I think hindi ka makakatulong sakin", malamig na wika ni Calix
"What do you mean babe", tanong ni Zuki
"Look, di ka makakatulong sa studies ko kaya I'm breaking up with you!", wika niya sa kasintahan. Hindi na niya hinitay pa ang reaksyon ng nobya dahil agad na siyang tumalikod

End of flashback

"Pagod na ako Mom, pagod na", garalgal na iyak ni Calix.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay UTAK ang mahalaga dahil minsan sa kakasunod mo dito hindi mo alam unti-unti na nitong kinakain ang iyong pagkatao lalo na ang pinakaimportanteng parte ng iyong katawan ang iyong PUSO.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now