9 ( Crime Scene )

1 1 0
                                    

CRIME SCENE

Eksaktong alas nuebe ng umaga ng umalingaw-ngaw sa buong dorm ang pagkamatay ng kilalang Chemistry professor nasi Sir Justine Ricafort. He's my mentor kaya naman agad akong tumakbo papunta sa lugar na pinangyarihan ng pagkamatay niya and to my surprise madaming estudyante ang nakikiusyoso sa labas ng mismong lab ni Sir Ricafort.

Hinihinalang suicide ang nangyare dahil walang bakas ng kahit ano ang buong lab bukod sa mga basag na bote ng chemicals at mga nagkalat na papel na puro nakalamukos.

According to the police report bandang alas sais ng umaga ng makita ng Janitor nasi Kali Lacena ang bukas na pinto ng Chemistry lab na dahilan ng pagkakakita nito sa nakahandusay na bangkay ni Sir Ricafort. Kasabay nito ay ang pagdating ni Allen James, isang 4th year college student na assistant ni Sir Ricafort. Nag aatubiling tumawag sa dean si Allen para ireport ang pagkamatay ni Sir Ricafort.

Ayon naman sa pahayag ng security guard nasi Joseph Cuangco bandang alas tres ng madaling araw ay nakita niyang pumasok sa loob ng campus ang kotse ni Sir Ricafort ngunit hindi niya nakita kung sino ang laman ng mismong sasakyan.

Nakakapanlumo ang nangyari dahil isang mahusay at batikan na guro si Sir Ricafort, pero parang may mali sa loob ng crime scene.

Sa aking pagsulyap nakita kong pangisi-ngisi ang kaklase kong si Paolo Zabal, waring natutuwa ito sa nakikita. Nagkasalubong ang aming mga titig kung kaya't naghinala na agad ako.

Hindi suicide ang nangyari, may mali sa lahat ng to. Dala ng matinding paghihinila ay kinompronta ko si Paolo at agad na tinanong ngunit isang bagay lang ang sinabi niya "CHEMICALS".

May apat na tao akong pinaghihinalaan, si Mang Kali Lacena na Janitor ng school pero bakit madaling araw siya naglilinis? Masyadong maaga. Si Allen James na assistant ni Sir Ricafort na maagang dumating samantalang kakatapos lang ng sem. Si Joseph Cuangco ang security guard na nagsabing si Sir Ricafort ang laman ng sasakyan kahit pa hindi niya mismong nakita ang sakay nito at si Paolo Zabal na may lihim na galit kay Sir Ricafort dahil sa pagbibigay nito ng bagsak na grado sa huling sem namin.

Sa aking muling pagbalik ay mas naging maunti ang mga tao kaya naman malaya akong nakapag obserba sa paligid. Napansin kong sa mga papel na nakalamukos ay may mga nakasulat at agad ko yung sinabi sa pulis na nakabantay, agad naman nila itong pinulot at inobserbahan ngunit sinabi nilang puros mga chemical names daw ang mga nakasulat doon na hindi naman daw bago dahil isang chemist si Sir Ricafort. Sa di malamang dahilan hiningi ko ang ang mga pangalan ng bawat kemikal na nakuha nila sa loob ng mga papel.

Unang ibinigay ay ang kemikal na Potassium, kasunod ang Aluminum pagkatapos ang Iodine. Sa malayong parte ay nakuha nila ang isa pang papel na naglalaman ng kemikal na Lanthanum at sa baba nito ay ang salitang Cerium na alam kong uri din ng kemikal.

Sa patuloy na pagtitig ko nakita kong tila may mga nagkalat na maliliit na butil ng asin.

Halos wala din akong makuhang solusyon ng biglang lumabas sa likod ko si Paolo at muling bumulong ng salitang "Chemicals" sabay mabilis na paglalakad na animoy nababalisa.

Sa halos ilang oras kong pagtitig sa paligid ay sa wakas gumana din ang utak ko. Dali dali kong isinulat muli ang pangalan ng mga kemikal na ibinigay sakin ng mga pulis.

Potassium- Aluminum-Iodine-Lanthanum-Cerium pero parang may kulang parin hanggang sa maalala ko ang mga nagkalat na asin sa paligid, ang asin ay SODIUM.

Potassium-Aluminum-Iodine-Lanthanum-Cerium-Sodium, sa pamamagitan nito ay agad kong naituro ang salarin sa pagkamatay ni Sir Ricafort at walang atubiling inamin niya ang kasalanan. Gaya nga ng sinabi ni Paolo "CHEMICALS" ....

Sa tingin ninyo sino ang totoong pumatay sa CHEMISTRY professor nasi Sir Ricafort?

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now