3 ( Butterfly in Disguise )

1 1 0
                                    

BUTTERFLY IN DISGUISE
by: @kendrangdalita

Dedicated to Gabby ko

New Students!!

Alexis Falcon
Mayie Lobertos
Isabel Micardo
Kenn Gabrielle
Justine Belen

"Mukhang may bagong salta sa school uh", wika ni Finn sa kaibigang si Calix. "Oo nga pre mukhang may mapagttripan na naman tayo hahaha".

Kilalang bully si Finn at Calix at mukhang nakahanap na naman sila ng mga mapagttripan. " Basta akin yung Mayie, mukhang maganda eh", nakakatawang turan ni Finn habang kasabay na naglalakad si Calix papasok ng kanilang room.

"Ok class goodmorning, today is your second year as College Students so I really hope that you're respinsible enough now. But before we start may I will introduce first the newbies. Isa-isang pumasok ang mga bago naming kaklase at isa ang nakakuha ng atensyon ko. Maganda siya at mukhang matalino nakakatawa lang na para siyang lalaki. Sunod sunod na nagpakilala ang lahat at nahuli yung isa na nakakuha ng atensyon ko.

"Kenn Garbrielle nga pala uunahan ko na kayo, babae ako sadyang trip lang ng ermats ko ang pangalan na panlalaki kaya ayun binigay niya sakin, gets nyo?", maangas na sabi niya sa unahan. Napangiti na lang ako.

"Ano bayan kala ko lalaki yung kenn", wika ng isa kong kaklase
"Ang gwapo pa naman ng name babae pala", bulong naman ng isa

Umalingaw-ngaw sa room ang bulungan mukhang nadismaya sila na hindi lalaki si kenn.

"Kenn tomboy!", sigaw ni Finn
"Kenn amputs", sulsul naman ni Calix

Tinitigan lang sila ni Kenn at dire-diretsong umupo sa bakanteng upuan. At ayun ay ang tabi ko.

"Hello", bati ko sa kaniya. Isang maliit lang na ngiti ang iginanti niya.

Lumipas ang mga araw at tila walang nagbago sa room, panay parin ang asar ni Calix at Finn kay Kenn.
-----------------------------------------------------------------------

Isang araw biglang lumakas ang ulan at sinabayan pa yun ng kulog. Kitang-kita ng mata ko ang takot sa mata ni Kenn. Mukhang takot siya sa kulog. Napatingin siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Eksaktong uwian nadin namin kaya naman nagmamadali siya na lumabas ng room.
-----------------------------------------------------------------------

Pauwi na ako nun ng mga marinig akong mga sigaw, mukhang may riot na naman ang mga gang tsk tsk!. Sinilip ko kung anong nangyayare at kita kong lupaypay na yung dalawang lalaki, kawawa naman. Lumapit pa ako ng konti at nakita ko na malinaw ang mukha ng dalawang lalaki na bugbog sarado. Nagulat ako dahil kilala ko ang mga yun, walang iba kundi si Calix at Finn. Mukhang dehado nga dahil sampu ang kalaban samantalang dalawa lang sila. Tatawag na sana ako ng tulong ng may biglang lumabas mula sa isang eskinita. Nakatalikod siya sakin kata di ko siya makita.

Nakita ko namang tumawa yung isang lalaki na nambugbog kasabay ng pagbababa ng mga to ng nga hawak ng bat. Akala ko ok na pero mali pala ako dahil agad siyang sinugod ng iba pang lalaki.

Napapikit ako dahil ayaw kong makita yung mangyayare at pagmulat ko nakita kong tumba na ang iba samantalang ang iba ay kumakaripas na ng takbo.

Inilahad niya yung kamay niya kina Calix at Finn, inabot naman ito nung dalawa. Ang lakas niya. Kita kong nag-uusap silang tatlo, sabay nun ay tinanggal nung tao ang kaniyang hoodie at lumadlad ang buhok niya. Takte babae siya.

Humarap siya sa direksyon ko at laking gulat ko ng makita kung sino siya, walang iba kundi si...................... si Kenn Gabrielle yung bago naming kaklase.
-----------------------------------------------------------------------
Matapos ang insidente sa mga eskinita, napapansin kong hindi ma inaasar nina Finn at Calix si Kenn bagkus lagi na nila itong binabati. Mukhang thankful yung dalawa.

Nalaman din namin na member pala ng National Team si Kenn at pinili ang school namin para isponsor para mas maging sikat pa.

Nakatawang isipin na nagdamit ganun pala siya para makita kung may papansin sa kaniya at natuwa siya dahil kahit minsan naging normal din ang mala showbiz niyang buhay bilang isang atleta.

Sa bawat laban ni Kenn nandun si Finn at Calix na laging sumusuporta. Naging parang kapatid ang turing nila sa isa't isa.

Sinong magaakala na ang dating mukhang tomboy na si kenn ay isa palang marikit na paruparo na mahilig makihalubilo sa mga gamugamo.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now