8 ( Alas Tres )

1 1 0
                                    

ALAS TRES
by: @kendrangdalita

"Ate maghugas ka..

"Ako nagsaing kayo na ang maghugas aba naman", reklamo ko sa kapatid ko.

"Drea! Maghugas ka", sabi ni Mama

"Ma naman!", reklamo ko

"Bahala ka gusto mo yan", nakangiting sabi ni Mama sakin.
-----------------------

Katulad ko ay nahihiwagaan karin ba sa oras na alas tres? Misteryosong oras na hindi mawari kung ano ba talaga ang tunany na nagaganap? Pinupuno ng mga kakilakikabot na kwento! Samahin ninyong ang aming team ....

"Ate Drea!", malakas na tawag sakin ni Bonog ang nakakabata kong kapatid.

"Storbo naman eh! Ano yun?", sigaw ko

"Maghugas kana raw ng pinggan sabi ni Mama", sabi nito

"Teka lang..."

"Hoy! Drea puro ka T.V KMJS na di ka parin naghuhugas ng pinggan. Sinasabi ko sayo makikita mo! Bumangon kana dyan dalian mo! Kendra kapag ako nakapaghugas nito sa dahon kayo ng saging kakain", mahabang ratrat ni Mama.

"Ito na nga ho!", padabog akong tumayo sabay dampot sa isang planggana ng hugasin. "Andami naman nito, di naman ako kumain eh", bulong ko

"Aba natural ilan tayo? Arte arte mo, padiet diet ka pa kase tas mamaya uungot ka sakin namasakit ulo mo", singit ni Mama sakin.

"Ma naman eh! Nakakatakot na sa kusina!!", maktol ko

"Makikita mo dyan si lolo bahala ka tamad ka", pananakot pa nito

"Mama naman!", kinakabahan na ako shet nakaktakot pa naman kasi topic dun sa KMJS jusko.

"Lilipat ko muna ng channel bilisan mo na!", sabi ni Mama.

Dali dali akong kumilos syempre, nakaktakot kaya, feel ko may nakatitig sakin eh bwisit!

Psssst!

Napalingon ako pero wala naman baka si Papa

Psst!

"Papa! Wag ako!", natatawang sabi ko.

Lumabas si Papa sa loob ng C.R nakakapagtaka mula sa likod yung nasitsit eh.

"Pa!", tawag ko dito pero dire-diretso lang ito ng lakad.

"Snobber? Famous ka papa?!", natatawang sabi ko sabay kembot habang naghuhugas ng plato.

Sa di mawari parang may nakatingin sakin shit! Paglingon ko si Kiko lang pala, ang alaga naming pusa. Nakakatawa kasi tirik na tirik ang balahibo niya para siyang nakuryente na ewan sabay tingin sakin. Peste nakakatakot hahahaha. Nahpatuloy lang ako sa paghuhugas hanggang sa nagpatay sindi yung ilaw at nakita ko si Papa na pinapatay buhay ang switch.

"Pa! Naghuhugas ako ng plato wag mo patayin", reklamo ko

"Drea! Bilisan mo!", putangina kilala ko yung boses nayun. Si Papa yung sumigaw. Kung ganun sino yung???....

Pagharap ko wala na yung kamukha ni Papa, nangangatog ang kamay ko pero mas kinilabutan ako ng may nakita akong pares ng paa na sa harapan ko mismo, kapantay ng mata ko. Pagtingin ko isang lalaking nakangisi ang nandun tuluan ang dugo at may letra sa noo na TRES.

Hindi ako makagalaw! May kamay na humawak sa balikat ko at paglingon ko nakita ko si Mama may hawak ng pako sabay sabing....

"TAKBO KWATRO!" Sabay hampas sa ulo ko ng martilyo kasabay nun ay ang pagdilim ng paningin ko.

---------------

"Ate Drea!", malakas na sigaw ng kapatid kong si Bonog ang nakapagpamulat ng mata ko.

"Anong nangyari? Si Mama", tanong ko ramdam ko parin ang kabog ng puso ko.

"Maghugas kana...

"Ayaw ko maghugas!!", malakas kong sigaw, pumasok si Mama sa kuwarto halos manginig ako lumapit siya sakin at bumulong.

"Maghuhugas ka o ibabaon ko to sayo," hawak niya ang pako sabay ngisi.

"Hulong at maghugas ka na!", natatawa tawa pa nitong sabi.

-----------------

"Ate Drea!," sigaw ng kapatid kong si Bonog...

Anak ng sa panaginip sa loob ng isang panaginip? Peste naman talaga! Ayaw ko na! Jusko baka mamatay ako sa nerbyos,

"Oo na ito na maghuhugas na ako ng pinggan".

Simula nun kahit malinis ang pinggan hinuhugasan ko na ayaw ko na maulit yung panaginip nayun.

"Sipag ah!", pagtingin ko si Mama pala na napakalaki ng ngiti
"Ma ako na maghuhugas pakagi", sabi ko
"Himala anong nakain mo?", tanong nito hindi mawala sa labi niya ang ngiti
"Anong napanaginapan kamo", mahina kong bulang
"Verygood ate hahaha dahil dyan titigil na ako", sabi nito
"Saan po ma?", sabi ko
"Alam mo ang sinasabi ko" matamlay na ang boses nito
"Aalis na kami", nasa likod niya sina Papa at ang iba ko pang kapatid.
"Ma naman!", sabi ko
"Huwag ka ng pasaway huh", kasabay ng pagpatak ng luha ko ang paglalaho nilang lahat sa paligid ko.

Oo kaluluwa na lang sila na nakikita ko sa tuwing sasapit ang alas tres pero mukhang huli nayun dahil sumama ma sila sa liwanag.

Ayaw ni Mama na may matulad sa sinapit nila, namatay dahil sa lason na meron sa pinggan kaya araw araw sa panaginip nandun sila at pinapaalala na hugasan ko ang pinggan para di ako magaya sa kanila.

YAPAK NI DALITA (One Shots Stories)Where stories live. Discover now