𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 14

179 19 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14
𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇𝐐𝐔𝐀𝐊𝐄

Bago pa sumikat ang araw ay agad nag simula ang paglalakad nila, nangunguna si Aimee kasama si Sk, sa hulihan ay si Flin at Kaven. Pinasok nila ang madilim na kagubatan at andito halos lahat ng mga delikadong hayop o halimaw. Kahit na isang normal na kaharian at dimension ito ay di maiiwasan ang mga ganitong lugar, kung nag karoon nga ng mga witches rito paniguradong meron din mga halimaw, lalo na noon ay nasira ang mga portal, sampong taon ang nakakaraan, nasira ito ng mga Dark Elementian na nakahanap ng paraan para maka punta sa Evergarden. Nagawan man ito ng paraan ni Diana ngunit nasira ito ng Drak Elementian at pinasok bawat dimension. Yun ang mga araw na sinagip ni Aimee at Alexander bawat dimension. Naayos na nila ngayon ang dimension at gumawa nang mas matibay na harang at nilagyan ng mga bantay para kung sakaling may mag pumilit na lumabas at pumasok sa portal. Ang Evergarden Ang centro ng lahat kaya sila ang pinaka naiipit sa bawat dimension, nasa kanila lahat ng portal papunta sa kung saan saan na lugar. Kaya sila ay halo halo rin, may mga may kapangyarihan, may wala, may mga halimaw ngunit mabubuti, at kung ano ano pa. Kaya malaki ang responsibility at obligation ni Diana.

Ilang araw at gabi ang lumipas bago ni napuntahan ang Lhiali, ang lugar kung saan di na uubusan ng pag lindol. Halos walang nakaka survive sa lugar na ito dahil sa paguho, at pagalaw ng mga lupa na parang mga tao, palipat lipat ang mga posisyon nito, bigla nalang nabibiyak at may iba naman na nabubuo, kaya parang buhay ang lupa.

Nang dumating sila ay halos lahat sila ay namangha sa kung anong klase ang Lhiali.

"Mag handa kayo, lakasan nyo ang mga pakiramdam nyo" saad ni Aimee at nanguna na. Kahit na mabigat ang dala ni Aimee ay agad syang nakatalon para maka taas. Agad naman na namangha sina SK sa ginawa ni Aimee at lumingon kay Flin.

"Bakit?" Agad na pag tataka ni Flin

"Hindi mo man lang inalalayan?" Tanong ni John

"Bakit ko aalalayan di naman sya sanggol" saad ni Flin

"Girlfriend mo sya" saad ni Kayleigh

"Oo nga, tapos? Hibdi naman porket babae sya ay mahina na sya, eh mas malakas pa yan sa akin" saad ni Flin

"Mag uusap lang ba kayo dyan?" Saad ni Aimee

"Sila Yun!!" Saad ni Flin

"Hayzzzz halika, baka matagalan pa tayo rito, mas malaki ang tsansa na madisgrasya tayo" saad  ni Aimee

Agad naman silangnag si kilos, Ang mga lalaki ay agad na tinulungan ang mga babae, kung sino ang kapareha nila ay yun ang nag tutulungan. Agad na pag taas nila ay naramdaman agad nila ang lindol kaya agad silang napaupo.

"Balansehin nyo sarili nyo kung di nyo kaya, mag lakad kayong ganyan" saad ni Aimee, kaya dahil hindi nila kaya ay agad naman nilang ginawa sinabi ni Aimee, syempre hindi kasama si Flin, patuloy lamang ang kanyang pag masid at nasa hulihan sya para siguraduhin na lahat ay ligtas, sa unahan si Aimee para sa sya ang mag turo ng daan,  kapag mabibiyak ang lupa ay agad ang alerto ni Flin at Aimee minsan ay sabay pa ang kanilang pag sigaw at sagip sa pwedeng madisgrasya. Lalo na nang biglang nawala ang lupa na inaapakan ni Aimee, Sk, Kherlene, mabilas ang pakiramdam ni Aimee at agad na natulak si SK at Kherlene na dahilan na mag tumba nilang dalawa ng sabay sa lupa at agad na napadaing lalo na ay mabigatang dala nilang bag.

"Pasensya na, ayus langba kayo?" Tanong ni Aimee

"Ayus lang, kasalanan rin namin, di kami ganun kalakas ang pakiramdam lalo na sa ganitong bagay" saad ni Kherlene habang tinulungan ni Dylon

"Kaya nga, para nga kaming pabigat sa inyo" saad ni SK

"Pabigat?" Agad na nag tinginan sina Aimee at Flin

"Kaya nga, nahihiya nga kami sa inyo, para kaming mga bata" saad ni Zero habang naka hwak sabatok nya na animong nahihiya.

"Ano ba kayo? Mas may experience lang kami sa inyo kaya ganito kami, pero di kayo pabigat, ito ang una nyong sabak sa ganitong klaseng lugar, buti kami sanay na kaya ang giangawa namin ay alalayan kayo katulad ng ginawa sa amin ng aming mga taga turo" saad ni Aimee agad naman ngumiti ang mga ito na parabang ito ang una nilang nakaramdam sila ng kabutihan.

"Halika na wag na kayo mag  drama, kailangan natin mag madali" saad ni Aimee agad naman sila nag ayus at nag patuloy sa pag lalakad.

Inabot sila ng gabi at inumaga sila ng maka alis sa Lhiali.

"Hayzzzz grabe nakaka pagod naman yun" saad ni Kherlene na agad tianggal ang bag nya at umupo sa damo.

"Kaya nga eh, nakaka pagod na masyado" saad ni Glyn

"Ambigat pa ng mga gamit natin" saad ni Kaven

"Mag pahinga muna tayo rito, saka tayo pupunta sa sunod para na din magkaroon kayo ng bagong lakas" saad ni Aimee

"Aimee, may tanong lang ako" saad ni Kayleigh

"Ano Yun?" Saad ni Aimee

"Ahmm ano kase napansin ko lang naman, buntis ka ba?" Tanong ni Kayleigh, agad naman nag silingonan ang lahat na abala sa mga gamit nila.

"Buntis? Eh di ba gf mo palang sya?" Saad ni Jane

"Ahh ehhh, hindi, asawa ko na talaga sya, medyo matagal na rin,  normal lang na mabuntis yan hehe" saad ni Flin na agad na binatokan ni Aimee

"Anong normal? Para ikaw ang iiri eh" saad ni Aimee

"Paano naman yan? Nasa mission tayo" saad ni Andrea

"Kaya yan ni Aimee, atsaka andyan naman kayo atsaka ako eh, maalagaan natin sya" saad ni Flin

"Paano ang bata?" Tanongni Zero

"Syempreee yung iba ang mag aalaga" saad ni Flin

"Wow ginawa kaming taga alaga ng bata" saad ni Dylon

"Ayus lang sa amin hehe, ang ganda naman mag alaga ng bata eh" saad ni Glyn

"Ako din, ayus lang" saad ni Kherlene

"Sana lalaki" saad ni Sk

"Hindi sana babae" saad ni Flin

"Ehbakit babae?" Saad ni Jane

"Wala lang, gusto ko lang na may makikita akong mini Aimee" naka ngiting saad ni Flin

"Wow ah, sa akin mo takaga gusto mag mana" saad ni Aimee

"Syempreee mas maganda kung sayo, ayaw kong sa akin" saad ni Flin

"Eh paano yan gusto ko sya katulad mo?" Saad ni Aimee

"Ewan ko, bahala nalang kung ano lumabas dyan" saad ni Flin

"Mag ayus na nga lang tayo, mag pahinga tayo ng mga ilang araw bago tumoloy" saad ni Flin

"Ilang araw?" Tanong ni Lance

"Syempreee kailangan nyo mag pahinga para naman handa kayo sa sunod na lugar" saad ni Flin at agad naman silang nag si ayus ng kanilang mga gamit at nagtayo ng mga tent.

Tᴏ Bᴇ Cᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Where stories live. Discover now