𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 21

161 24 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21
𝐂𝐎𝐍𝐕𝐈𝐍𝐂𝐄

Pagkatapos ng dalawang araw na paglalakbay nila ay narating na din nila ang palasyo nito. Agad din silang pumasok roon. Bigla nalang bumukas ang pinto at nang pumasok sila ay sumara nalang ito. Sabay ng pagbukas nang lahat ng ilaw, at pag sulpot ng Witch sa harap nila.

"May bisita pala ako, o kaya sabihin natin na mga mang gugulo" saad nito

"Andito kami para kausapin ka" saad ni Aimee

"Kausapin? Tungkol naman saan?" Saad nito

"Tungkol sa ginawa mo sa mga prinsesa" saad ni Aimee

"Ahhh ganun ba, tatanongin nyo ko kung paano mawawala ang sumpa, hayy naku, wala kayong makukuha sa akin, kaya mas magandang umalis nalang kayo" saad nito

"Hindi yun, bakit sila ang sinumpa mo at hindi ang magulang?" Tanong ni Aimee

"Hmm syempreee masyado namang madali yun, mas maganda na makita silang nahihirapan gamit ang kanilang mga anak" saad nito

"Sabagay, pero alam mo naman ata tungkol sa paghahanap sayo?" Tanong ni Aimee

"Oo naman syempreee, alam na alam ko yun, pero syempree bago pa sila maka punta rito patay na sila" saad nito

"Ehbakit kami buhay pa?" Sabat ni Kherlene

"Ayy naku akala nyoba di ko alam? Na yang dalawa nyong kasama ay hindi taga rito" saad nito

"Alam mo?" Tanong ni Kherlene

"Oo naman, pati tungkol sa mga sanggol, alam ko lahat nang nangyayari sa mga pumapasok dito sa lugar ko, pati pag uusap nyo, at napag isipan ko na" saad nito, agad kaming natahimik dahil sa sinabi nya.

"Hmm paano kaya kung pareho kong sasama ako sainyo para pumili nang pwedeng kung isama dito, lalo na sinabi nyo madaming katulad ko roon, tas dito kami titira at mangangako ako na wala na akong gagawin na sumpa sumpa, mananahimik na kami rito, atsaka maganda ang plano nyo, lalo na nang bagohin nyo ang planong pag patay sa akin, hindi ko akalain na may gagawa nun, at lalo na halos ibuwis nyo buhay nyo para lang kausapin ako, ay malaki nang bagay kaya papayag ako" saad nya kaya agad naman nag saya sina SR

"Kung ganun, sumama ka na sa amin papunta sa Evergarden pero syempreee kailangan muna natin pumunta kina Akira at kina Andrea para kunin sila" saad ni Aimee

"Hmm pagod na kayo, bakit hindi nalang kayo mag pahinga rito?" Tanong nito

"Pwede naman" saad ni Flin

"Gusto ko pala maka usap si Aimee, lalo na tungkol sa pagpunta ko roon" saad nito kaya naman agad na tumango si Aimee at sumunod sa kanya. Habang sumusunod sa kanya ay palihim ni Aimee na tinago ang kanyang kwentas, para kung sakali man, mararamdaman nya ang panganib kahit di nya magagamit ng kanyang kapangyarihan. Dinala nya sya nito sa isang kwarto.

"May gusto lang sana akong gawin, gusto ko makasigurado na hindi kayo nag sisunungaling, gusto makita ang inyong lugar gamit ang iyong isip" saad ng Witch

"May gagawin ka sa akin? Para malaman ang lugar namin?" Tanong ni Aimee at tumango ito. May kinuha itong isang libro sa isang sulong at biglang pinagalaw nito ang sofa na nasa gilid patabi kay Aimee, sinenyasan nya si Aimee na umupo kaya umupo ito.

"Hmmm matutulog ka lang naman, at dun sa panaginip mo, ipakita mo sa akin ang iyong kaharian gamit ang iyong isip at syempre ang iyong ala-ala" saad ng Witcg

"Payag ako" saad ni Aimee

"Inumin mo toh" saad ng Witch

"Para saan?" Tanong ni Aimee

"Pampatulog at syempre para na din makita ko ang iyong isipan" saad ng Witch, kaya naman inamoy ito ni Aimes, agad naman  nyang naamoy na maayos naman ito. Ininom nya ito ng kaunti at naramdaman nya na maayos naman kaya inunom nya na ito lahat. Agad itong nakaramdam ng tulog at unti unti humiga.

Agad naman sinambit ng Witch ang Spell. Nang matapos ay lumabas ang nakikita ni Aimee sa kanyang salamin. Nakita nya ang isang kaharian.

"Ito ang kaharian namin, ang Enchantsia" rinig nyang saad ni Aimee, pinakita nito ang lahat, pinakilala rin ang mga tao at kung ano ano pa. Sinunod nito ang Fire Kingdom, hanggang sa matapos sa Weather Kingdom. Huli nitong ipapakita ang kaharian ng mga Witch, pinakilala nya ang reyna nito, ang dalawang Reyna na agad naman naka kuha ng pansin sa Witch. Nang matapos si Aimee ay agad naman sya nagising. Sobrang saya ang naramdamaan ng Witch ng makita nya ang kanyang kauri na akala nyang patay na ang lahat. Kaya naman sinasabi nya na isa syang Fairy dahil ayaw nya na maging witch. Gumawa rin sya ng mga kwento para kahit papano ay maging masaya sya, ngunit ng makita nila na ang mga Witch sa kanila ay trinato ng maayos, may mga kaibigan, pamilya at kung ano ano pa, ay parang gusto nya na manirahan doon, ngunit mas gusto nya rito kaya naman mag pipiliin nya na mag dala ng tao na willing na sumama sa kanya, Hindi sya mampipilit ng mga witch para lang sumama sa kanya. Kung wala man ay nag papasalamat parin sya kay Aimee at Flin na dumating ito sa buhay nya, at gumawa nang ganitong bagay, akala nya ay wala ng kabutihan sa mundo, ngunit dito lang pala sa lugar na ito. Kaya naman buo na ang kanyang desisyon.

"Wala mana sigurong dahilan para humindi ka sa amin" saad ni Aimee

"Tama ka, wala na nga, kaya naman gusto na manirahan doon kahit saglit lang saka ako mag dadala ng tao rito" saad ng Witch

"Kung yan ang gusto mo" saad ni Aimee

"Pwede naman ako bumalik roon o kaya kami ng mga isasama kapag gusto namin?" Tanong nito

"Oo naman, panigurado naman na maraming sasama sayo rito" saad ni Aimee

"Paano mo naman nasabi yan? Panigurado ay walang sasama sa akin" saad ng Witch

"Ayy naku, yan ang iisipin mo ngunit kapag naka punta ka na roon tingnan lang natin kung gusto mo pa umalis" saad ni Aimee

"Talaga?" Di makapaniwalang saad nito

"May eskwelahan rin roon, pwede kang pumasok, para mas marami kang matutunan" saad ni Aimee

"Ahhh ehh matanda na ako" saad nito

"Wala yan sa tanda, atsaka mabit ang reyna" saad ni Aimee

"Oo na, sige na papayag na ako" saad nito

"Buti naman, pahinga na ako, para makapag lakbay na pabalik" saad ni Aimee

"Cge, kung may kailangan kayo, sabihin nyo Lang" saad nito

"Oo naman, pahinga ka na rin" saad ni Aimee

Tᴏ Bᴇ Cᴏɴᴛɪɴᴜᴇ


Sorry natagal sa pag update, busy eh tas medyo stress bawi nalang meee sa next update

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Where stories live. Discover now