𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 13

194 23 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑
𝐀𝐋𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐂𝐀𝐔𝐆𝐇𝐓

Flin's POV

Andito ako agad sa kaharian ng Yaicrous, ginamit ko ang kapangyarihan ko kahit na sinabi ni Aimee na hindi. Ayaw ko magpagod eh bakit ba? Si Aimee naman kase masyadong takot na mahuli, eh kung tutuusin kaya nyang maging invisible eh, para kunwari kaluluwa sya. Ang problema kase napaka bait nya at masunurin kaya ayan, sinabihan lang na bawal gumamit ng kapangyarihan, sinunod naman. Buti nalang mahal na mahal ko yung babaeng yun.

Madali akong nakapasok sa kaharian at agad na hinanap ang belt na yun. Naglalakad lakad lang ako at binubuksan bawat kwarto at tinitingnan kung may tagong kwarto ko daanan. Ilang oras na pag iikot ko at taas baba sa bawat floor ay wala akong nahanap hanggang sa naisipan kong puntahan ang nag iisang tore. Pinasok ko ang loob nito at nagulat nang madami pala ang tao roon, agad naman silang tumingin sa akin at nilabas ang sandata nila. Tinanggal ko ang ang kwentas at agad na tinago. Agad kong hinati ang pagitan namin gamit ang apoy, at pinunu ko ito ng lava, hindi sila naka tawid at agad naman akong naging apoy. Pumunta ako sa pinaka taas nito at maynakita naman ako. Isa itong napaka laking halimaw, natutulog ito. Paanonag karoon ng isang kaharian ang ganitong halimaw, ang alam ko ay sa amin lang ang may ganitong klaseng halimaw. Agad akong lumapit rito at hinawakan, agad naman nakita ko ang totoo nitong anyo. Isa syang prinsesa, napaka gandang prinsesa. Isa ata ito sa sinabi ni Aimee, na naging halimaw. Agad akong umalis roon ngunit bago ako bumaba ay may naka kuha ng atensyon ko, isangmaliit na pinto. Agad naman akong nag transform at pinasok ang loob nito. Mabilis akong pumunta sa dulo nito at nakita ko naman ang hinahanap ko. Agad ko itong kinuha.

Mabilis ang aking galaw at agad nakalabas sa kaharian ngunit nagulat ako sa aking nakita sa labas, halos lahat ng sandata ay naka tutok sa akin.

"Sumuko ka na kung ayaw mo mamatay!!" Sigaw ng Hari, ako?? Mamatay?? Nakakatakot naman yun.

"Oh sige, kung mapatay nyo ko" saad ko at ngumiti sa kanila. Agad nila akong pina ulanan ng pana kaya agad ko naman ginamit kapangyarihan ko para mag transform bilang apoy at umalis sa kaharianna yun.

Aimee's POV

Andito na ako sa kaharian ng Uralinous, alam kong mahihirapan ako kapag ginamit ko ang kwentas, kaya naman para mapadali ang misyon ay hindi ko ito ginamit, total kontrolado ko naman ang aking kapangyarihan.

Madali akong naka pasok sa kaharian, walang kahirap hirap lalo na dahil sa aking kapangyarihan nang pagiging invisible at dahil na din sa kakayahan kong mabilis na pag kilos ay agad kong nahanap ang aking hinahanap. Tama nga si Flin, minsan maganda din sumuway. Mahirap din kapag sumusunod lang ng sumusunod, minsan kase yung sinusunod natin ayaw naman natin.

Nang mahanap ko ay agad ko itong kinuha at nag teleport papunta sa aking kabayo. Sobrang dali hayzzzz wala man lang trill di bale na, makaka laban naman namin ang witch.

Agad akong nakarating sa Dark Alley, mga ilang minutong pag hihintay ay dumating naman si Flin.

"Akin na" saad ko at nilahad kamay ko pag dating nya ngunit hinila nya naman ako payakap.

"Hayzzz namiss kita" saad nga ngunit tinulak ko sya

"Tigilan mo nga ako, akin na" saad ko

"Ayy di mo na ako lab?" Saad nyang naka busangot, hayzzzz may topak nanaman. Niyakap ko sya at hinalikan sa labi.

"Mahal kita, kaya akin na" saad ko at binigay nya namn

"Bitin, isa pa, yung malalim" saad nya ng naka ngisi at agad ko syang binatukan

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon