𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10

199 21 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10
𝐀𝐍𝐆𝐄𝐑

Laurenz's POV
Hindi ko alam kung bakit sa lahat lahat ng isasama sa kin ay babaeng pa toh, sabagay hindi alam ni Aimee kubg anong klaseng tao ang babaeng toh. Pero di ko hahayaan na gawin nya ang ginawa nang pamilya nya mga magulang ko. Bata palamang ako nun, mga taong sampo palang ako. Nasa aking tiya ako noon, dahil may kikitain daw ang aking magulang kaya naman iniwan nila ako sa tiya ko.  Pagkatapos nun ay nalaman nalang namin na patay na sila at ang pumatay ay ang pamilya nya, nang babaeng kasama ko. Pinatay ang aking magulang dahil lang sa nalaman ng magulang ko ang kasamaan nila na ginagawa at pag nanakaw sa palasyo. Alam yun ng tiya ko kaya agad kaming nagtago ngunit nahanap parin nila kami, swerte ako dahil ng araw na yun ay nasa paligsahan ako, at pagkabalik ko ay wala na ang pamilya ng tiya ko, kami nalang pinsan ko, ang pinsan ko ay si John. Kaya naman sobrang galit ang nararamdaman ko kaya sabi ko ay maghihiganti ako, pero hindi ngayon, may madami pang pagkakataon, pero hindi ngayon. Hahayaan ko muna sya mukang wala syang ka alam alam sa ginagawa ng pamilya nya o kaya naman ay talaga alam nya at nag papangap na walang alam sa mga ito.

Lumipas ang araw hanggang sa makarating kami sa kaharian ng Trivaen. Wala kaming imikan ng babaeng yan. Ayaw ko rin naman syang kausap. Nang marating namin ang palasyo ay sakto naman na mag gagabi na rin.

"Laurenz" tawag nya

"Hmm??" Sabay lingon

"Nagkita na ba tayo??" Tanong nya

"Bakit?" Tanong ko

"Para kaseng nakita na kita, di ko lang maalala" saad nya

"Pwes alalahanin mo" saad ko

"Ibig sabihin nag kita na tayo, saan?? Baka maalala ko" saad nya

"Bata ka pa nun" saad ko

"Ibig sabihin matagal na, hmm saan kaya?? Parang pamilyar ka kase talaga eh, pati pangalan mo" saad nya

"Tsk, bahala ka mag isip ka lang" saad ko

Andrea's POV
Nung una palang talaga iniisip ko na kung sino sya I mean kung kailan ko sya nakita, para kasing kilala ko sya, di ko lang maalala. Sabi nya bata pa, ibig sabihin matagal na pero ewan ko ba para kaseng, konektado kami na talaga kahit anong gawin ko gusto ko talagang malaman kung kailan at saan kami nag kita. Parang nung buhay pa ang aking magulang. Oo patay na aking magulang, ng bata pa ako. Sabi sa akin ng katiwala ng Ama ko ay may pumatay daw sa kanila, isang pamilya kaya naman napunta ako sa isang ampunan. Lahat ng yaman namin ay nawala, kinuha daw ito ng pumatay sa akin magulang. Pero parang alam ko na kung saan.

Halaaaaaaa....sya yung anak ng kaibigan ng Ama ko, naka sama sa pinuntahan ni Ama. Kung saan namatay si Ama, teka lang katanong nga sya tungkol sa magulang nya.

"Laurenz, nasaan ang mga magulang mo??" Tanong ko

"Sa langit" simpleng saad nya, ibig sabihin patay na rin at namatay ito kasabay ng magulang ko.

"Patay na rin sila?? Ibig sabihin sabay na namatay magulang natin" saad ko

"Ano bang pinag sasabi??" Saad nya

"Ganito kase yun, naalala ko na, ikaw ang anak ng kaibigan ni Papa at nung bata pa ako ay namatay si Papa, May pinunta sila noon at kasama ang Mga Magulang, pagkabalik ng katiwala namin ay sinabi na patay na ang magulang ko, pinatay daw, tapos patay na rin ang magulang mo ibig sabihin, sabay silang pinatay, tapos sabi pa sa akin ay nang araw na yun ay kinuha ang lahat ng ari arian namin. Ibig sabihin pati sa inyo nawala na rin. Ako napunta sa Amponan, eh ikaw?? Saan ka lumaki, pagkatapos mamatay ng magulang mo??" Mahabang saad ko

Laurenz's POV
Nagulat ako sa sinabi nya, patay na ang magulang nya. Sa amponan sya lumaki. Ibig sabihin hindi sila ang pumatay sa magulang ko pero paano naman nangyari yun.

"Sa Tiya ko, teka paano mo nasabi na pinatay ang magulang mo kasabay ng magulang ko... Alam mo ba na ang magulang mo ang pumatay sa magulang ko" galit na saad ko

"Hindi mamatay ang mga magulang, Pinatay sila mismo nanag arawna umalis sila para makipag kita sa isang pamilya at ang pamilya na yun ay magulang mo" saad nya

"Imposible sabi ng Tiya ko, nakipag kita daw ang magulang mo sa magulang ko dahil nalaman nila tungkol sa pag nanakaw nyo sa palasyo" saad ko

"Hoyyy Lalaki, Ang kapal mo, pinag kakatiwalaan ng Palasyo ang aking magulang at kahit minsan ay hindi sila gumawa ng mga sinasabi mo, kung ginawa man nila yun eh bakit mabait sa akin ang palasyo ng Trivaen, Ha?? Pinupuntahan nila ako sa Amponan at minsan ay pinapasyal kasama ng anak nila, kaibigan ko pa nga ang prinsesa ngunit bigla itong nawala ng mag edad ito ng labing walo, kaya paano mo nasabi na nagtaksil ang aking magulang" saad nya

"Kung ganun, nagsinungaling ang tiya ko" saad ko

"Aba malay ko sa pamilya mo!! Baka sa sobrang inggit yan" saad nya

"Hoyy kasama ko ang anak nila, namatay din sila" saad ko

"Aba malay ko, pumunta pa tayo mismo sa loob ng palasyo para malaman mo" saad nya at agad na pumunta sa mga gwardiya.

Andrea's POV

"Hoyy Naalala nyo pa naman ko diba??" Tanong ko

"Opo, Señorita Andrea" saad nila

"Gusto ko maka usap ang hari't reyna" saad ko at iginaya nila ako.

"Hindi ka pwede pumasok" rinig ko

"Kasama ko yan" saad ko at nauna

Naka punta kami sa Hari't Reyna, at agad akong nagbigay galang.

"Andrea, anong kailangan mo at naparito ka??" Tanong ng Reyna

"May itatanong lang po ako" saad ko

"Ano yun??" Tanong ng Hari

"Alam nyo po ba kung ano talagang nangyari sa magulang ko at magulang ni Laurenz, tung kasyosyo po ni Ama sa negosyo" saad ko

"Ahhh Oo naman, base sa impormasyon na nakalap noon ay pinatay silang lahat roon, pero bago yun, pinapirma ang mga magulang mo at sina Renz at Lannie sa isang kasunduan na sa kanila lahat ng yama, mukang dahil sa takot ay napirmahan ito ngunit alam nyo naman ang mundo natin, kaya pinatay sila" saad ng Hari

"Alam nyo po ba kung sino??" Tanong ni Laurenz

"Hmm, ang alam ko ay ang pinsan nitong si Rosita ang kumuha ng kayaman at nag utos na patayin ang mga magulang nyo" saad ng Hari, nilingon ko si Laurenz

Laurenz POV
Hindi maari, si Tiya. Kaya ba umalis kami?? At pinatay sya.

"Sya ang Tiya ko na kumupkup sa akin, pero patay na sya" saad ko

"Ahh kaya pala nawawala ka, hinahanap ka rin namin dahil sa baka pinatay ka na rin mukang maayos ka naman, tsaka kaya sya pinatay dahik sa ginawa nya, parusa ito dahil sa pag nananakaw nya sa palasyo" saad ng Hari

"Ngunit sabi ng aking tiya ay ang magulang ni Andrea ang nagnakaw" saad ko

"Nagnakaw?? Ay naku sabagay bata ka pa, kahit kailan hindi ako ginawan ng kasamaan ng Ama ni Andrea, matagal ko na syang katiwala, sa kanya akong natutung tumiwala, at nagbago, ngunit kahit ba nagbago na ako, mukang hindi pa rin mawawala ang sumpa sa aking anak" malungkot na saad ng Hari

"Matutulungan ka po namin dyan, ibigay nyo po sa amin ang sapatos na nasa larawan, at may chance po na matulungan ka po namin" saad ni Andrea

"Ganun ba?? Mga kawal ibigay ang sapatos na iyon" saad ng Hari, mga ilang minuto lang ay ibinigay na ito

"Hindi po kami nangangako pero gagwin po namin ang lahat para malaman kung paano mawala ang sumpa sa inyong anak, may isang tao kaming kilala na alam kung nasaan ang mangkukulam na ito ngunit, kami na ang gagawa, baka kung ano pang mangyari sa inyong anak kapag nangi alam pa kayo, mabuti na nakami nalang" saad ko

"Hahayaan ka namin, maibalik lang ang aming anak" saad ng hari

"Makaka asa po kayo, aalis na rin po kami dahil malayo pa ang lalakbayin namin" saad nya

Agad naman kaming sumakay sa kabayo at umalis.

Tᴏ Bᴇ Cᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Where stories live. Discover now