𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4

221 20 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 4
7 𝐅𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐑𝐒

Aimee's POV

Paggising ko ay agad akong napabangon, hindi ko alam kung panaginip ba yun o talagang nangyari, tumingin ako sa paligid at wala na si Flin sa katabi ko, maaraw na din kaya agad akong nag ayos at lumabas. Hinanap ko si Flin pero wala ito, baka May kinuha lang ito, kaya agad akong pumunta sa kabayo ko at kinuha ang damit na pamalit ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman naisipan ko na mag hanap na din ng magpag liliguan atsaka na ako kakain. Pero kung iiwan ko toh baka ano pa ang mangyari kaya naman inayos ko lang ang gamit ko para handa nalang mamaya, inayos ko din ang tent at binalik sa dati. Pagkatapos ko ayusin ang lahat ay saka naman dumating si Flin, May dala itong mga pagkain at prutas, saan kaya toh nakahanap nito.

"Inayos muna lahat ah" saad nya

"Alangan naman tumunganga ako" saad ko

"Oh ito pagkain, Naka hingi ako sa mga manlalakbay" saad nya

"Talaga? Namigay sila?" Di makapaniwalang tanong ko

"Oo, basta daw May kapalit" saad nya

"Eh ano naman ang kapalit?" Tanong ko

"Ahhmm pera lang naman tsaka....." Saad nya pero di matapos ang sinasabi

"Tsaka ano?" Tanong ko

"Pag nanalo ako sa labanan, mag bibigay sila" saad nya

"Ilan ang nilabanan mo?" Tanong ko

"20" saad nya sabay kamot sa ulo

"Isa isa?" Tanong ko

"Sabay?" Di siguradong sagot nya at napa iling nalang ako

"Nasaktan ka ba?" Tanong ko at bigla naman syang ngumisi

"Akala ko galit ka, nag aalala ka lang pala, don't worry, wala akong galos" saad nya at akmang lalapit sa akin ng hinila ko ang kamy nya at nilagay sa likod nya sabay siniko sya sa likod"

"Hindi ako nag aalala, hindi din ako galit pero yung ginawa mo ay hindi tama, paano kung sundan nila tayo? Magaling ka lumaban, natalo mo sila, at pwedeng pwede ka nilang isumbong sa kaharian nila" saad ko

"Hayssss hindi yun tsaka May pagkain na tayo, magpasalamat ka nalang sa akin kesa ganyan, dinalhan na nga lang kita eh" saad nya at bigla akong niyakap

"Sorry na" saad nya at hinalikan ako sa buhok, napangiti ako ng palihim at agad syang siniko

"Ewan ko sayo, kain na tayo" saad ko at kumuha ng pagkain sa dala nyang basket.

Pagkatapos namin kumain at mag ayus ng gamit ay agad naman kami gumamit ng kapangyarihan para agad na makapunta sa Moniyan City.

Nag teleport Lang kami sa dulo ng gubat at agad na sumakay sa kabayo at sinout ang kwentas ko. Agad naman namin pinaandar ito at diretsong pumasok sa Moniyan City. Kinuha ko ang mapa at tinuro naman nito kung nasa ang 7 Fighters. Mukang nag kasiyahan sila ngayong umaga dahil nasa isang inoman sila. Agad naman kaming nakarating roon at bumaba sa aming kabayo. Tinali namin ito sa isang lugar at  agad na pumasok kami. Pagkapasok palang ay agad naman nahanap ni Flin sila, tinuro nya ito at agad kaming lumapit at sinout ang aming maskara na tanging mata lang ang kita. Na kapa pa rin kami para hindi kami makilala.

Nang makalapit kami ay agad naman nilang napansin.

"Anong kailangan nyo?" Tanong ng isang lalaking nasa gitna

"Kailangan namin kayo para matapos ang misyon namin" saad ni Flin

"Anong klaseng misyon?" Tanong ng isa na nasa kanan

"Tanong kayo ng tanong pwede ba pa upuin nyo naman kami" iritang na saad ko at bigla naman akong siniko ni Flin.

"Paumanhin, sige upo kayo" saad ng isang lalaki at nagbigay sila ng bakanteng upuan para sa amin

"Tungkol sa misyon namin, alam naman namin na alam nyo tungkol sa Wicked Witch at napag atasan kami na puksain sya ngunit kailangan muna namin na hanapin ang mga bagay na magagamit namin para mapuksa sya" paliwanag ni Flin

"At bakit naman kami tutulong?" Tanong ng isa

"Dahil isa kayo sa alam naming makakatulong sa amin sa misyon na ito at kayo ang May alam sa lugar na ito, bago lamang kami rito at kung tutuusin hindi dapat namin ito ginagawa ngunit dahil sa kabutihan namin ay ginawa pa rin namin dahil ayaw namin na May mapahamak, kung ayaw nyo naman ay okay lang sa amin, May isa pa kaming pupuntahan para alukin kung gusto nila kaming tulungan" saad ni Flin

"At sino naman ang isang yan?" Tanong ng isa

"Kung tutuusin kami na ang pinaka mahusay na mandirigma" saad ng isa

"Ang 7 assasin na taga Eroditio" saad ko

"Di ba mga babae yun?" Tanong ng isa

"Oo, sila nalang kapag umayaw kayo, pero kung papayag kayo maganda na rin na tayong labing apat ang kasama namin sa misyon" saad ni Flin

"Sigurado akong papayag ang mga yun, lalo na at bawat kaharian ay May pabuya sa makakapatay at makakahanap sa Wicked Witch at sa kanilang anak" saad ko

"Kaya nga, sayang naman yun, kami kase hindi namin kailangan pero kayo at sila sigurado akong kailangan" saad ni Flin

Agad naman silang nagtinginan at biglang nag salita ang isa.

"Ano pa ang hinihintay natin? Papayag na kami, Ako pala si Dylon" saad ng isa

"Ako si Zero"

"Miguel"

"Lance"

"Laurenz"

"Kaven"

"At ako si John"

"Ako si Flin at sya naman ang kasintahan kong si Aimee" saad ni Flin

"Magkasintahan kayo? Akala ko magkaibigan" saad ni Laurenz

"Tsk, bakit anong gagawin nyo kapag magkaibigan lang kami?" Iritang saad ni Flin at napangiti lang ako, hindi nya naman makikita dahil baka mask ako

"Wala naman" saad ni Laurenz

"Selos agad? HAAHHAAH" Saad ni John

"Tsk, halika ka na at pupunta pa tayo sa Eroditio" saad ni Flin at agad naman kaming tumayo.

"Agad agad?" Tanong ni Dylon

"Eh bakit? Balak nyo mag pa bukas?" Tanong ni Flin

"Oo" saad nila

"Di pwede, mag lalakbay pa tayo dapat umaga at andun na tayo" saad ko

"Oh sige, dito lang kayo at kukunin namin ang mga gamit namin, o kaya mag hintay nalang kayo sa labas" saad ni Kaven

"Sige ba" saad ni Flin at lumabas na kami, pag katapos ay naghintay lang kami sa labas.

Tᴏ Bᴇ Cᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Where stories live. Discover now