𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 18

151 19 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 18
𝐂𝐀𝐕𝐄𝐒

Pagkagising nina SR ay nasa loob na sila ng mga tent nila at maayos na. Nag silabasan sila at nag tagpuan sina Aimee at Flin na nag hahanda ng makakain.

"Halina kayo, paniguradong gutom na kayo" saad ni Aimee at agad naman silang nag si upo.

"Ilang araw kamng tulog?" Tanong ni SR

"Oo nga, atsaka kayo lang nag ayos ng mga ito" saad ni Akira

"Isang araw lang naman kayong tulog, sapat na para maayos namin ang lahat, pinahanginan din namin ako, natulog ako sa labas tas mga malapit na ang araw ay pinasokna namin kayk sa tent, para naman yun sa paglamig ng katawan nyo, nasobrahana kayo sa init eh" saad ni Aimee

"Eh bakit kayo? Parang walang lang" tanong ni John

"Prinsipe ako ng mga apoy, kahit nasa normal ako, wala lang yan lalo na't apoy ang bumubuhay sa akin" saad ni Flin

"Ano naman ay dahil sanay na ako, mainit sa kinalakihan kong lugar, mainit minsan ang mga lugar sa mga pinag ensayohan namin nung bata pa ako atsaka isa akong prinsesa na may kapangyarihan ng apoy kay wala lang talaga sa akin" saad ni Aimee

"Ayy sana lahat ganyan, pati kami para naman di kami pabigat" saad ni Kherlene

"Ayyy kayo talaga, kumain nalang kayo" saad ni Flin, nag sikain nga ang mga ito. Madami ang nakain ng mga ito dahil sa pinag daanan, oras oras ang kain nila,at pag katapos ay mag papahangin.

"Saan kaya ang sunod natin?" Wala sa sariling saad ni Kayleigh

"Sa lugar na puro kweba, ang mahirap lang doon dahil may tsansang di na tayo makalabas" saad ni Aimee

"Maliligaw tayo panigurado" saad ni Akira

"Kaya nga" sang ayon ni Glyn

"Uwi na kayo kung gusto nyo" saad ni Flin

"Hindi nohh, andito na kami eh" saad ni Akira

"Tskk kung ano ano sinasabi nyo tas ayaw ko naman umuwi" saad ni Flin

"Kung maliligaw tayo, paanotayo makakalabas?" Saad ni Zero

"Hmm siguro gagawa tayo ng paraan para maka labas?" Sarkastikong saad ni Aimee kay Zero

"Ayyy hehe" napakamot lang si Zero sa batok nya

"Hmm ganto ang naisip ko, mas maganda kung mag iiwan tayo ng mga palatandaan at kung sino ang kapartner nyo sa pag kuha ng mga pinakuha ko ay syang kapartner nyo, itatali namin ang mga kamay nyo, syempreee hindi ito ordinaryong tali na basta basta nyo matatangalpara ito sa kung sakaling mag away kayo at maghiwalay, tapos may iiwan kayong mga tela na ibigay namin, kung saan kayo dumaan dun nyo ilagay, para malaman nyo kung nadaanan nyo na ito, atsaka mas maganda na din ito para naman mas mapadali ang pag hanap natin sa palabas, panigurado naman may palabas ito sa bawat daan, lilitohin lang tayo, kaya naman mag handa nalang kayo, at siguraduhin nyo na di kayo mag aaway" mahabang pahayag ni Aimee

"Hindi na kami mag aaway eh, mag kakasundo na kami, para sa mission na toh" saad ni SR

"Kaya nga, atsaka mas maganda na rinna mag karoon kami ng tulungan at mag kaintindihan kami para mapadali ang misyon" saad ni Kherlene habang ang mga lalaki ay walang imik, akala mo hindi maiingay eh. Pag katapos ng kanilang pag uusap ay agad naman na itong namahinga.

Kinabukasan ay umalis na sila patungo sa Penglai, ang lugar ng kweba. Ilang araw lang ay nakapunta na sila. Bumungad sa kanila ang tatlong kweba.

"Mag hihiwalay tayo, sino ang papasok sa unang kweba" saad ni Aimee

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora