Chapter 33

287 24 26
                                    

MALAPIT-LAPIT NA pala yung anniversary ng kompanya nila Khel and he asked me to be there. Hindi ko lang alam ang susuotin ko. Puta, umabot talaga ako ng gabi kaiisip. Mula kaninang umaga hanggang nag-alas-syete na lang ng gabi't natapos na ako't lahat ng kailangan kong gawin. Buti na lang talaga may holiday break kami ngayon kasi malapit nang mag-Christmas. Actually, the day after tomorrow, 'yon na yung event sa kompanya nila.

Hindi ko lang talaga alam ang susuotin ko. Puwede kayang magsusuot na lang ako ng jeans? Yung tattered sana para mas maganda.

Wow, naisip mo pa talaga 'yan, Evie? It's a special occasion. Puta, mga katangahan mo.

Kinuha ko yung phone ko mula sa study table habang nilulukot ko na yung towel ko sa ulo para patuyuin yung sariling buhok. Hindi uso sa akin ang blow-dryer, e. Hindi ko rin type kasi ang ingay sa tainga. At isa pa . . . basta ayaw ko lang! Puta.

Sino ba kaaway ko? Gago.

Kinakalkal-kalkal ko yung apps ng phone ko. Wala naman akong natatanggap na notifications. Kailan lang din, nag-po-post na ako ulit ng pictures ko sa Instagram. Tapos ang unang commenter ko palagi roon, si Khel. Siyempre, kahit dinudumog siya ng ibang fans niya roon.

Tumunog naman bigla yung phone ko.

Ashton Da Grit added you to the group.

AshtonLangGwapo:

Welcome to the Club, @Evorie!

What the hell was this group chat for? Buang talaga 'tong utak ni Ashton. Kahit ano-ano na lang naiisip ng chiwangwong.

Ako:

Ano na naman 'to?
Why did you add me?

AshtonLangGwapo:

Gagalet ka na naman.
Don't 'ya wori. Your honey is also here.

Ako:

Ge.

AshtonLangGwapo set the nickname for Khel Lopez nickname to KhelLangDaks. Edit.

KhelLangDaks:

What the fuck is wrong with you?
Change that.

AshtonLangGwapo:

Poor. Hindi naka-Messenger.
Charing!
Ayoko nga. 😛

KhelLangDaks set the nickname for Ashton Da Grit to AshtonLangBoang. Edit.

KhelLangDaks removed his own nickname.

AshtonLangBoang:

Kaya naman pala mag-change i!  Charing!
Kala mo, ha.

Khel:

Isang change pa, baka isasako na kita kung magkikita man tayo ulit.

AshtonLangBoang set the nickname for Khel Lopez to MasungitNaDaddyNiEvie. Edit.

MasungitNaDaddyNiEvie:

Kung hindi mo babaguhin 'yan, baka 'yang mukha mo babaguhin mo.

Ako:

Ayaw mong maging daddy kita, hon?

MasungitNaDaddyNiEvie:

Magiging asawa rin naman kita.
So how the hell can I become your daddy?

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now