Chapter 35

259 18 18
                                    

Note: Na-miss n'yo ba sila? Hahaha. SIge lang, malapit na rin itong matapos ang book na 'to, and soon, we'll be at book 4 na. Thank you for the support!

MATIYAGA LAMANG kaming naghintay kay Kendric pero hindi pa rin siya dumadarating o kahit nag-text man lang. Wala na rin kami sa mood lahat na makipag-usap. Si Tahiti naman ay lumabas na ng bahay para hanapin si Aurora. Kinain ng katahimikan ang buong paligid. Walang bibig o galaw ang naglikha man lang ng kahit kaunting ingay. Tahimik ang lahat. Nag-iisip. Nag-aalala.

Kahit si Ashton, nag-iisip.

Puta, hindi ako sanay na ganiyan siya. Ang seryoso ng mukha. Nakikita ko naman siya sa klase na ganito pero iba pa rin ngayon. Ano ba kasi'ng nangyari kay Aurora?

"Sa tingin n'yo, ano kaya ang namamagitan kay Kendric at Aurora?" tanong ni Ashton habang paupo na ng couch. "Baka 'yon ang dahilan kung nasaan man si Aurora ngayon."

"Should I call dad?" suhestyon ni Khel. "I can inform him—"

"Huwag na, Khel. Lalo lang lalala ang sitwasyon." Napatingin ako sa kaniya.

"That's exactly what I was talking about. What will happen if Tahiti would rush to go to Aurora's parents?"

Napatikom ako ng bibig. Totoo nga naman. Lalong lalala talaga kung malalaman ng parents ni Aurora. Baka magkagalit pa yung pamilya nila ni Kendric. Bakit ba kasi hindi na lang nila sinama si Aurora dito? Baka may ginagawa? Puta, ang sakit naman sa ulo isipin nito.

Naabutan na lang ng umaga't umuwi na rin silang lahat, hindi pa rin kami nakatatanggap ng balita mula kay Kendric. Nalasing na rin daw ako kagabi, sabi ni Khel.

Khel also said he might not be there during their company's anniversary. Hindi ako nag-aalala kay Kendric. Doon ako mas nag-alala kay Aurora. That girl is too frail to have something happened to her. If it wasn't bad, hindi magiging ganoon ang reaksyon ni Kendric na bigla na lang aalis nang hindi namamaalam. Ano pala 'yon? Kung wala ngang masamang nangyari kay Aurora, normal pa rin bang ibato niya yung dalawang wine na hawak niya nang dahil sa saya? Puta.

"Where are we headed now?" tanong ni Khel sa akin nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya.

Tiningnan ko lang siya habang abala sa kaniyang phone. Mini-message siguro nito ang kuya niya. Kahit naman pala masama ang trato nila sa isa't isa, mukhang mahal pa rin naman nitong si Khel ang kapatid niya.

I took a peek on his phone after I fastened my seatbelt. Kahit hindi ako makahinga sa putang seatbelt na 'to, go pa rin. "Ano 'yan? Kuya mo?"

"Bakit gusto mong malaman?" He shoved his phone away from my sight. Inilapit niya naman ang sariling mukha sa akin pagkatapos. Lalo pang pinapalala ng sikat ng araw ang kaba ko. E dahil diyan, nakikita ko yung shadows ng ilong niya saka pilikmata! Idagdag ko pa yung mga mata niyang kulay brown. 

What the hell is wrong with these guys? Bakit itong mga kaibigan ko, ang gaguwapo? Samantalang yung iba, mukhang sinapian ng masasamang elemento. Puta, nakalimutan ko nga pala si Ashton. Isa rin 'yon, proud na proud pero wala namang maibuga kahit sa klase. Well, minsan, mayroon din naman.

Iniwas ko kaagad ang tingin sa akin. "Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ko na lang sa kaniya. "Saka, ayos na ba yung kuya mo? Hindi ba dapat bisitahin natin siya sa bahay n'yo? Baka may nangyari—"

"Don't worry about him. I know he'll get through this," sabi niya habang nakangiti't nakatingin sa daanan. "I don't know what's exactly going on, but knowing kuya?" Saglit niya akong tiningnan habang nakangiti pa rin. He even winked and made a clicking sound with his mouth. "He's the best."

"O . . . okay," sabi ko na lang. "By the way, bakit nga pala tayo aalis ngayon?"

"I'll have to buy dress for you," sagot niya. "You know, malapit na yung anniversary ng company namin."

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now