Chapter 12

430 25 34
                                    

I THOUGHT I have to hide from Khel. He would most probably bring himself to our department like what he usually does. Yung chiwangwong naman kasing iyon, parang timang. Hindi ko na tuloy alam kung ano 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Kasanalan talaga 'to ni Dora e. Nanlalandi kasi kay Diego, e pareho silang bobo. Mas bobo nga lang si Dora. Tsar.

"Melly, nandiyan na ba siya?" Nasa loob pa rin ako ng classroom namin habang nagsisilabasan na yung ibang estudyante. Melly told me she'd help in return of what I did to her with Ethan.

"Wala pa," sabi niya pa't um-echo pa sa hallway yung boses niya. Puta.

"Hoy, hinaan mo nga boses mo," pabulong kong sita sa kaniya't lumabas na ng classroom namin. Pasado alas singko na't kailangan na naming makalabas dito hangga't wala pa siya.

Nang makalabas naman kami ng building, medyo nakahinga-hinga na ako nang maluwag. Parang ang suffocating sa loob. Na-su-suffocate ako sa ideyang makikita ko siya bigla o makasalubong namin bigla. Palagi ba naman kasi niyang ginagawa yung paghahatid-sundo niya sa akin.

Tinulungan lang din ako ni Melly nang hindi niya nalalaman kung bakit para akong napapraning. Tanong pa siya nang tanong nitong mga araw kung nakatira ba kaming dalawa sa iisang bubong lang. Kasi nabanggit naman ng chiwangwong na 'yon na iniwan ko siya sa bahay habang nagdidilig ng halaman! Bakit kasi hindi na lang ako ang nadiligan! My God! Ang lala ko na.

Pero siyempre, hindi ko na sinagot si Melly n'on.

"Melly, hindi naman siya magpapakita ngayon, 'di ba?"

"Ano ba talaga nangyayari, Evie? Bakit ka ba nagtatago? Na-i-imagine ko tuloy yung sarili ko n'ong nanghingi ako ng tulong sa'yo tungkol doon sa feelings ko kay Ethan," sabi niya pa, habang umupo muna kami sa bench pansamantala. Pero hindi pa rin talaga ako mapanatag sa paligid, libot lang ako nang libot ng paningin ko.

"There's nothing wrong. I just find it weird, kasi hindi pa ako nagka-boyfriend kahit kailan, 'di ba?" Nilingon ko siya. Ginapang naman ng malawak na ngisi ang kaniyang mga labi. "Ano ba? May sinabi ba akong mali o amusing?"

"Nanliligaw ba siya sa'yo?"

"Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Then tell me what's the reason with his frequent visits to our department para lang mahatid ka pauwi, huh?"

Pakiramdam ko tuloy, napalibutan na ako ng rehas. Palibahasa naman kasi itong si Melly, may boyfriend na't maayos na yung relasyon nilang dalawa ngayon. Puta naman. E kami ni Khel? Puta ulit, bakit ko ba naisip ang pakikipagrelasyon? Ayoko na sa Ert!

"So tell me," dagdag niya pa, "is he courting you, Evie?"

Nakatitig lang ako sa mga mata niyang nanghihinala. Napalunok na lang ako ng laway. Namumuo na rin yung pawis ko sa noo. Putaaaaa!

"Oy, tititigan mo na lang ba sa ako? Sumagot ka nga, so manliligaw mo ba siya?"

"She's my fiancée."

Napalingon na lang ako roon sa biglang nagsalitang lalaki.

Bakit pa kasi natagalan kami ni Melly rito? Kanina pa sana kami nakaalis para makapag-usap sa lugar kung saan mas komportable ako! Puta, naabutan pa kami ni Khel!

Tinabihan niya ako ng upo sa bench, habang humihigop sa smoothie niyang hawak-hawak. He crossed his legs and placed his other arm above the backrest behind me.

"I've been looking for you," sabi niya pa sa akin. "I have to guard you well, you know?"

Hindi ako makapagsalita. Tila nabilaukan ako nang mapaubo na lang nang wala sa oras. Wala na siyang dalang bag. Tanging ang suot niya na lang ay kaniyang uniform at sobrang fit pa sa katawan niya, kaya naman medyo naiilang ako. Ano ba, Evie! Parang walang ganiyan sa porn, ha!

Measuring HeightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon