Prologue

2.4K 58 46
                                    

“May kakantutin ka na naman ba bukas, Ashton?” tanong ko, habang nagtitipon-tipon na kami ngayon sa campsite.

We were having a campfire in the middle of the night, while tugging some beers. Nakaikot lang kami sa apoy sa gitna’t katabi ko naman si Ashton na ngayo’y medyo ngangarag-ngarag na yung pagkaupo. Marami-rami na rin kasi ang nainom niyang beer. Anytime, babagsak na siya.

Khel was also seated on the other side next to me. Umiinom din siya, pero bibihira lang siyang lumalagok ng beer. Alam ko rin namang hindi siya pupunta rito sa camp namin. Irarason na naman niyang kailangan niya munang magpraktis sa isang sayaw ng grupo nila o ‘di kaya’y mag-aral. Ganoon na lang talaga ang magiging buhay niya kung hindi niya lang naging kapatid si Kendric.

Kendric dragged him out from his comfort zone. Napakatahimik niya ring tao’t masyadong pikunin. Daig pa kaming mga babaeng nagkakaregla, e. Masakit kaya sa puson ‘yon, saka sa wengweng kapag tuwing nasa ganoong mga panahon kami.

Napabuntonghininga na lang ako’t inangat ang tingin sa kalangitan. Pinalilibutan kami ngayon ng mga puno, pero tanaw ko pa rin naman ang liwanag ng gabi.

Stars pooled the night, along with the moonlight. Hindi rin naman tag-ulan sa mga panahong ito, kaya madalas talaga’y ganito ang setting ng kalangitan tuwing gabi.

Hindi ko rin sinabing palagi, kasi alam ko namang may tinatawag na tayong climate change ngayon, e. Hindi natin alam, baka mamaya magiging bakla bigla si Khel.

Nakaupo naman sa tapat ko sina Kendric at Melly. They were seriously talking about something. I bet it was about Ethan, since he couldn’t be here for more important reasons. And I knew Kendric loved her.

Ang halata masyado ng mga lalaki kung gumalaw, e. Akalain mo ‘yon, best friend daw pero hindi naman na best friend yung lebel ng pagtrato nito sa kaniya. Si Ethan naman, halatang nagkukunwaring bakla lang kasi gusto nito si Melly.

Sus, itong mga chiwangwong na ‘to. Ang sarap ihambalos sa Great Wall of China.

Katabi rin ni Kendric si Aurora na tinatapik-tapik si Tahiti habang umiiyak. Hayan kasi, bakit nagjowa ng ganoon ka-high class? Iniwan tuloy.

Nagpakawala ako ng isang buntonghininga't napatingin sa hawak-hawak na isang bote ng beer. Gusto ko na talagang magjowa.

Napatungga na lang ulit ako ulit nito at naghimutok. The clicking sound of the wood getting burned and the sound of crickets were the only things that made me feel alive at the moment.

Wala akong makausap. Naghanap ako, pero nang tiningnan ko si Ashton, tulog na siya sa kaniyang upuan. Kulang na lang ay ilagay ko siya sa loob ng kabaong.

Kailan ba magiging interesting ang buhay ko?

Napalingon naman ako sa kabilang banda. Khel was busy fiddling with his phone, like he was reading and listening to something with his headphones on.

I heaved a sigh.

Oo na, single na ako. Mamaya, magiging kagaya ako ni Khel na ni-reject ni Tahiti. Ganoon pala ang epekto ng isang rejection, ano? Kung sasabihin ko kaya sa kaniyang gusto ko siya, ano kaya magiging reaksyon niya?

“Oy, Khel!” I called him, but he didn’t respond. Kaya naman napilitan akong kunin yung headphones niya’t patalim niya naman akong tingnan. Bahagya na lamang akong natawa sa kaniyang reaksyon. “Ang pogi mo pa rin kahit galit.”

“You’re drunk,” kunot-noo niyang sabi sa akin. “You should go to your tent.”

Napasimangot na lang ako. Hindi ako nagdala ng tent, dahil akala ko talaga dadalhan ako ni Ashton. Hindi man lang niya sinabi sa akin noong hindi pa kami bumiyahe parito. Kaloka talaga ng lalaking ‘yon.

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now