Chapter 16

438 22 31
                                    

HINDI KO na binilang ang mga araw na hindi ako pinapansin ni Khel. Kinausap ko na rin si mama noong isang araw tungkol doon sa article. She said it was already taken down, so I didn't have to worry that much for her. She clarified it to me as well that it wasn't true and that it was only there to pin down our clan's reputation. 

Pinilit ko naman si Melly na hindi muna sila mag-de-date ni Ethan sa weekend, kaya kasalukuyan kaming nandito sa isang coffee shop, malapit lamang sa kaniyang apartment.

Pasado alas-singko na ng hapon, pero hindi pa rin humuhupa ang liwanag ng araw. I just waited then for Melly to order another set of coffee. Bale, itong ino-order niya, pampangatlo na namin.

"Are you really sure na hindi muna kayo mag-de-date ngayon?" tanong ko sa kaniya nang ibigay sa akin ang kape ko. "Nagbibiro lang naman ako n'ong pinipilit kita. Baka inakala mong—"

"Evie, kaibigan kita, 'di ba? Hindi naman palaging iikot ang buhay ko sa iisang tao lang, saka parang hindi mo naman ako tinulungan noon kay Ethan. Ang laki kaya ng utang na loob ko sa'yo. Huwag ka ngang ganiyan," sambit niya't nginitian ako.

Ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. "Salamat."

Umupo na siya sa mesa namin na para lamang sa dalawang tao. "So you confessed to Khel? Kanina pa tayo rito, pero hindi pa rin natin napag-uusapan 'yon. Iyon naman talaga ang pakay mo, 'di ba? Don't worry kung gagabihin tayo. Magpapasundo tayo kay Ethan."

Nagbuntonghininga na lang ako. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. "Oo, nag-confess ako sa kaniya. Nag-confess akong gusto ko siya, pero rejected kaagad ako."

"Bakit ba kasi nag-confess ka kaagad? Dapat gumamit ka muna ng moves mo—ay, wait! Kaya pala nag-walk out ka roon sa theatre hall n'on?" Nanlaki ang mga mata niya. "Was it the same day na nag-confess ka sa kaniya."

Tumango ako't tumikhim ng kape. "Wala pa akong kain n'on, tapos ang gulo-gulo na ng utak ko. Hindi ko mabasa ang sarili ko. Basta, ang alam ko lang, hindi ako magsisisi dahil nag-confess ako sa kaniya. Mas mabuti na yung sinabi ko kaysa sa ikimkim ko. Natatakot kasi akong mas lalalim pa yung feelings ko sa kaniya."

"Maganda rin 'yan, para maka-move on ka kaagad," arogante niyang sabi sa akin. "Support ako sa'yo! Kahit ano man ang magiging desisyon mo, hinding-hindi kita iiwan. Magkaibigan tayo, 'di ba?" Bahagya pa siyang natawa na parang naiiyak.

"Ang drama naman, Melly," komento ko na lang. "Pero tama ka naman. Kailangan ko ring mag-move on kaagad. Mas mabuti na 'tong lumalayo siya sa akin."

She sipped from her coffee before she spoke again. "Pero paano na yung engagement n'yo? Hindi ba—"

"Nandoon lang naman 'yon, dahil sa parents naming dalawa. Kasalanan ko rin naman kasi umamin ako sa harap ng dad ni Khel na crush ko siya. Hindi ko lang talaga alam na ang feelings kong 'yon, lalala nang ganito." Napako ang tingin ko sa aking kape.

"Minsan, yung pagmamahal mo sa isang tao, bigla na lang susulpot, ano?" sambit niya't tumingin sa labas ng glass wall. "Parang sa amin lang ni Ethan. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta, nalaman ko na lang na mahal ko na siya. Parang kailan lang, bakla pa yung tingin sa kaniya."

Natawa kaming dalawa. Naalala ko na naman yung pumunta ako roon sa apartment niya. Kutob ko na talaga noon pang nagbabakla-baklaan lang si Ethan, dahil kitang-kita ko sa mga mata nito yung klase ng spark na hindi mo makita maliban na lang kung nakatingin siya kay Melly. Yung chiwangwong na 'yon. Mapagpanggap din e. Sana lahat ganoon, 'di ba?

"Melly," I called and heaved a sigh. "Kailan kaya titila ang ulan para sa akin?"

"Hindi ko alam," sambit niya. "Pero alam kong sinusukat mo na ngayon ang sarili mo."

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now