Chapter 19

468 22 79
                                    

NASA LOOB na naman kami ng classroom namin. Hindi naman impyerno 'to kung hindi lang si Prof Gary yung pumapasok. Akala ko kasi mag-ko-quiz na siya, pero hindi naman pala. Napakalaking scammerist talaga nitong si prof. Kung kaibigan ko lang 'to, baka tinawag ko na 'to ng kung ano-anong nakakainsulto. Napakainitin naman kasi ng ulo, akala mo nakalunok ng lava.

"Guys, ayos lang 'yan!" Buhakhak lang nang buhakhak si Ashton habang naglalakad kami sa hallway. "Huwag kayong mag-alala. Mas maganda na ring hindi natuloy yung quiz, dahil mas mag-aalala kayo sa akin."

"Loko ka talagang chiwangwong ka!" Muntik ko na siyang masapak nang pumagitna si aming dalawa si Melly.

"Ano na ganap, Ashton? May nag-ch-chat na ba sa'yo?"

Natawa itong chiwangwong na 'to.

Napakunot na lang ako ng noo dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Melly doon sa tinanong niya. "Wait, anong chat-chat 'yan, ha? Bakit hindi ko alam?"

"Busy ka kasi kay Khel," pabiro pang sabi ni Melly. "Joke!" Tumawa siya.

"Ay, iba!" giit ni Ashton. "Pero anyway, anong chat, Melly? Marami kasing nag-ch-chat sa akin e. Sino ba tinutukoy mo?"

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad, habang diretso lang akong nakatingin sa hallway. Patuloy lamang silang dalawa ni Ashton sa pag-uusap, samantalang abala naman ako . . . sa wala. Wala akong maisip e kundi si Khel. Iniisip ko pa rin kung baka may sakit siya. Ubo kasi nang ubo, pero tumigil din naman kalaunan n'ong hindi na kami nag-uusap. Mabuti na rin talaga't tinulungan ko siya n'on, kasi mukhang gumaan-gaan na yung atmosphere sa bahay.

"Luh, sino nga yung tinutukoy mo?"

"Secret muna!"

"May pa-secret-secret ka pa! Dali na, chix ba 'yan?"

"Ikaw talagang lalaki ka. Wala kang ibang alam kung 'di chix? Babaero 'to. Try mo kaya maging loyal sa isa?"

"Loyal naman ako sa isa." Biglang nag-iba yung tono ni Ashton habang kinakausap pa rin si Melly.

"Aba, sino?" Nakisali na rin ako.

"Sa kapatid ko," sabi niya't hilaw na natawa. "Tara na nga. Gusto ko nang kumain ng lunch. Tawagan ko lang si Khel."

"Simula talaga n'ong nawala na si Asriel, si Khel na naman yung napagtitripan mo. Gago ka talaga!" Natawa pa si Melly. Habang tinitingnan ko siya. Natutuwa talaga akong masaya na siya ngayon. Naalala ko na naman yung ginawa ko kay Khel kahapon. Mas mabuti sana 'yon kung nanghingi lang ako ng consent.

"Hey, kakain na kayo?" Napalingon kami sa harap nang sinalubong kami ng isang lalaking may dalang itim na sling bag.

Si Khel.

Ang hilig talaga niya sa sling bag. Bagay din naman sa kaniya. Hindi ako makareklamo kahit ano pa ang suotin niya e. "Sama na ako."

"Oy, bro! Pers taym yatang ikaw yung sumalubong sa amin!" natatawa pang daing ni Ashton sabay tapik sa balikat ni Khel.

Tiningnan ako ni Khel sa mga mata, pero yung mga mata niya, tila nangungusap. Parang nakangiti kahit hindi naman nakakurba yung labi niya. "Evie, uhm . . . uhm . . ."

"Ano?"

Nakatingin lang sina Melly at Ashton sa amin. Si Ashton naman, salubong na yung dalawang kilay. Siguro, nagtataka.

Ibinulsa ni Khel ang dalawa niyang kamay sa pants na suot. Nag-iwas siya ng tingin sa akin, lumilinga-linga sa paligid. Minsan din ay kinakalmot ang ulo niya. "Wala . . . wala lang." Nginitian niya lang ako.

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now