Epilogue: Uno

370 17 2
                                    

NOTHING WAS more peaceful than waking up in the silent scream of the morning sun. Tambay lang ako palagi rito sa garden ng bahay namin. My mom's plants were all still here. I told dad to keep these for me, at least.

While I was sipping my coffee, I heard my brother singing from behind me. Mahilig talaga 'to si kuya sa pagkanta, samantalang ako nama'y nakahiligan ang pagsayaw.

"Bawat araw sinusundan, 'di ka naman tumitingin. Ano'ng aking dapat gawinnnnn . . ."

That song again.

"Kuya, huwag mong sirain ang umaga ko, pakiusap," I said to him. "Ano na naman kailangan mo't nandito ka na naman?"

"Ang sungit mo talaga, baby bro!" Inakbayan niya ako. "Wala naman akong kailangan! Gusto ko lang kumustahin yung kapatid kong nag-mo-move on kasi nabasted."

"Gago, umalis ka na nga lang," daing ko't hinawi yung braso niya paalis sa tigkabila kong balikat. "Ang hilig mo talagang manira ng araw."

"Gusto mo bang maka-move on? May kilala akong puwede mong ligawan." Hinarap niya ako't kinindatan.

Wala talagang ibang magawa 'to kung 'di manira ng araw. If it weren't for him, my life would have been dead silent. I never wanted him to meddle with my businesses.

"Ano? Papayag ka o hindi?"

"No thanks. I'm better off myself," sagot ko na lang at hinayaan ang mga labing kagatin ang cup na hawak-hawak ko. "You should better get going, kuya. Wala ka bang class?"

"Wala," he said, showing his irritating grin. "Gusto mo bang sumama?"

"Nakita ko nga pala si Melly noon sa bookstore. She was with someone," pag-iiba ko ng usapan. "Babae 'yon. Mukhang kaibigan niya."

"Si Evie ba 'yan?" Bigla niya akong tinusok sa giliran gamit yung forefinger niya. Gago. "Ayiieee! Ikaw, ha! Dapat gumaya ka sa kuya mong ang gwapo kaya maraming—"

"Maraming nagkakagusto pero hindi pa rin maka-get over kay Melly."

Saglit siyang tumahimik. Napangiti rin ako dahil tumahimik na rin siya sa wakas.

"Pero si Evie nga 'yon, di ba?" Ibinalik niya pa talaga roon sa pinag-usapan namin. Badtrip.

"Oo, parang siya 'yon," tipid ko na lang sagot.

"Ows? Maganda, 'di ba?"

"She is," sang-ayon ko na lang kasi ayaw ko nang makipagbadargulan pa.

"Crush mo?"

"Not even in my dreams," mabilis kong tugon.

"Ah, kasi love mo?"

"Kuya, puwede bang tigilan mo na 'yan?" I creased my forehead at him. Hindi ko na talaga nakakayanan yung pagiging nagging niya sa akin. Nakakainis. "Palagi ka na lang ganiyan. You're always telling me—"

"Who brought up this topic?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Kasalanan ko bang sinabi mo? Ayos ka rin, a. You're obviously hypnotized by her beauty."

"Ang oa," sabi ko na lang. "Bumalik ka na lang doon kung sasayangin mo lang ang oras ko sa mga nonsense mong sinasabi."

"You know I don't say things without purpose. We all talk with purpose, even if it's something unsayable. Kagaya na lang ng pagpapasaya ko sa ibang tao, I want you to have a life for once, Khel. Kapatid mo 'ko. You have to experience things before they crowd you out in the end." Sumeryoso yung tono ng pagsasalita niya. I didn't know if he was being serious but I knew what he was saying.

"And then?"

"Ang sungit nito talaga, isusumbong talaga kita kay dad na nililigawan mo si Evie," natatawa niya pang daing na ikinadagdag lang ng pagkairita ko sa kaniya.

Measuring HeightsWhere stories live. Discover now