Kapag nandito kami sa school ay lagi kaming nagkikita rito sa labas ng gate. At, hinahatid niya pa ako sa room. Sinusundo niya rin ako kapag oras na ng break time namin.

Lagi kaming sabay pumasok, kumain at hanggang sa uwian ay sabay kami.

Nililigawan din ng mga kaibigan ni Lance sina Pinky. Lima silang magkaibigan kami naman ay apat lang. Pero 'yong isa kasi sa mga kaibigan ni Lance ay may girlfriend, nakita na rin namin siya nakaraang araw lang.

Si Jane, sobrang ganda. Mabait. Magaling makipagusap kahit hindi niya close ay maayos siyang nakikipagusap. Matalino dahil balita ko ay with high honors siya sa section niya. Sexy. Parang lahat ng magandang katangian ay nasalo niya.

How about me naman?

Si Pinky ang manliligaw ay si Lloyd.

Si Claudette ang manliligaw ay si Kurt.

Si Alexa ang manliligaw ay si Marco.

Ako ang manliligaw ay si Lance.

Si Jane ang boyfriend ay si Sky.

Friendship goals na ba kami matatawag?

"Hi mga bebs" nakangiting bati sa amin ni Jane. Naka-holding hands pa siya kay Sky, pangalan ng boyfriend niya.

"Hello" masayang bati naming apat sa kaniya.

Nagkakaroon na ng dugo ang labi ni Alexa pero pinapalagyan muna namin siya ng liptint para hindi masyadong halata.

At least nakarecover na siya. At masama na namin siya ngayon.

"Let's go. May event daw ngayon sa loob. Watch tayo" pagyaya ni Alexa sa amin. Katabi niya ang manliligaw niyang si Marco Vargaz.

Pinaka epal sa kanilang magkakaibigan. Siya kasi lagi ang nakakaasaran ko, at ang lalaki ay maraming baon na pangaasar. E, pikonin ako kaya nasasapak ko siya.

Nangaasar ako pero kapag ako inaasar ay nagagalit ako. Subokan lang ako asarin baka masampal ko kayo isa isa.

Katabi ni Claudette si Kurt Austria.

Katabi ni Pinky si Lloyd Mendoza.

Katabi ni Jane si Sky Carr.

Syempre ako katabi ko si Lance ka-holding hands ko pa nga.

Nag-lakad na kami papasok lahat. Dinig hanggang dito ang mga pinagsasabi ng emcee. Pati ang mga hiyawan ng mga estudyante.

May ilan pa ngang tumatakbo ngayon para lang makanood sa event ng school.

"Claire, kumain ka na ba?" tanong maya-maya ni Lance ng medyo makalayo ang mga kaibigan namin.

"Oo pero nagugutom pa nga ako, e" sagot ko at kumamot sa ulo.

"Guys canteen muna kami ni Claire. Sunod kami sa inyo" sigaw niya sa mga kaibigan namin. Nilingon nila kami at tinanguan at naglakad na ulit.

Pumunta kaming canteen dahil literal na nagugutom talaga ako. Lagi na lang ako nagugutom. Siguro lumalaki na ang mga bulate ko sa tiyan.

At least bulate, at hindi bata ang laman.

"Sila na ba?" tanong ng isang babae sa kasama niyang babae sa gilid.

"Bagay naman sila ni Lance, e" sagot ng kaibigan niya.

Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong sa amin sila nakatingin ngayon at kami ang pinagu-usapan nila.

"Pero mas bagay kapag naging kami ni Lance" maharot na saad ng babae.

Pagkalingon ko ay nag-flip hair ang babae sa kasama niya. Binaling ko na lang ulit kay Lance ang tingin ko kaysa ro'n sa dalawang nagu-usap.

LOVER | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя