CHAPTER 35

174 58 36
                                    

Claire's Point of View.....

"Love, ang tagal na pala natin" saad ni Lance habang nakahiga kami rito sa terrace ng bahay niya.

"Bakit gusto mo na ba makipaghiwalay? P'wede naman" pabirong tanong ko habang nakatingin sa langit na may iilang star.

"Of course not" sagot niya agad at hinawakan ang kamay ko kaya nilingon ko siya habang nakangiti. "Never akong makikipaghihiwalay sayo, tandaan mo 'yan" seryosong seryoso siya habang nakatingin sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at nilagay ko ang ulo ko sa braso niya.

"S'yempre kapag nakipaghiwalay ka sa akin, ayan"

Tumayo ako at tinuro ko ang daan papunta sa baba ng bahay niya. Tumingin naman siya. Nakakunot na tumango naman siya sa akin.

"Masisira lahat ng gamit mo d'yan sa baba. Importante pa naman 'yan lahat sayo" nakangiting pananakot ko.

Nakakunot pa rin siya sa akin. Humiga na lang ako ulit.

"I don't understand" page-english niya. Inirapan ko na lang siya. Tumingala na lang ako ulit sa langit.

"Itong bahay mo?" maya-mayang saad ko pa. Hindi siya nag-salita kaya tumawa ako.

"Love, tatawag na ba ako?" hinampas ko siya sa dibdib.

"Sira ulo ka ba? Ano akala mo sa akin, nababaliw na?" tanong ko pero umiling siya sa akin. Pinatong ko sa dibdib niya ang ulo ko.

"Baliw sa akin" saad niya pero iniba ko agad ang topic.

Ito na naman siya. Nagiging mahangin na naman.

"Tanga 'pag iniwan mo'ko, sunog itong buong bahay mo" saad ko at tumawa nang tumawa. Tinignan ko ang itsura niya dahil hindi 'yon nagbago. "Joke lang parang tanga" pagbawi ko at niyakap siya. Naramdaman ko ring niyakap niya ako.

"Sobrang saya ko sayo, love" saad niya habang yakap ako.

"Ako rin naman" sumandal ako sa dibdib niya at tumingala sa kaniya habang nakangiti. "Hindi ko nga kayang hindi ka makita sa isang araw lang, e. Paano pa kaya kapag ilang araw?" saas ko habang ginagalaw ang tenga niya. Trip ko kasi ang tenga niya.

"Ako rin naman kaso kailangan, e. May mga trabaho na tayo ngayon, Claire. Hindi na tayo naga-aral pa" seryosong saad niya.

"Alam ko, sinabi ko bang naga-aral pa tayo?" inirapan ko siya.

Teacher na ako ngayon at engineer na ang boyfriend kong si Lance. Ang trabaho ng mga kaibigan namin ay teacher, model, civil engineer, actor, director, doctor, model at manager.

Teacher si Claudette tinuturuan niya ay grade 3 at ako ay grade 2. Civil engineer sina Lloyd at Marco, magkakasama sila ni Lance.

Manager si Pinky ng isang shop. Doctor si Alexa ng mga bata.

Pinasok na trabaho ni Kurt ay pagiging aktor. Sa Drama siya natapat. Director si Sky at Modeling naman ang pinasok ni Jane.

Minsan lang kami magsama-sama dahil na rin sa mga schedule namin na sobrang hirap.

Kami ni Lance ay magkasama lang tuwing sabado't linggo dahil din sa schedule niya.

Si Claudette, same school lang kami ng pinasukan kaya nakakapag-usap pa kami. Kaso tuwing free time lang namin. Magkaiba kasi kami ng subject at grade level na tinuturuan.

Kasama ko lagi 'yong dalawa kong pamangkin. Si Micah at Aziel. 6 years na ngayon si Micah at 2 years naman si baby Aziel.

Nasa bahay pa rin sila kuya dahil ayaw pa sila payagan nila mommy umalis at iwan ako mag-isa. Kahit kaya ko naman na ang buhay ko.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now