CHAPTER 16

143 83 25
                                    

One month na simula nang makalabas na nang hospital si Alexa. Laging pinapadala at pinapaala ni Tita ang gamot niya sa kaniya kaya minomonitor talaga namin siya dahil sinabihan din kami ni tita. At iupdate siya kung iniinom ba niya o hindi

Halos dalawang linggo rin ang hindi pagpasok ni Alexa sa bawat subject namin. Kaya may mga hinabol talaga siyang subject para hindi siya bumagsak. At, nagawa niya nga 'yon ng tatlong araw lang. Kompleto na niya.

Maraming nangyari sa loob ng isang buwan. Nakilala, naging kaibigan hanggang sa naging manliligaw namin 'yong limang lalaki na nakilala lang namin sa canteen ng may aksidenteng nangyari at tinulongan kami.

Nandito kami ngayon sa labas ng gate nang school kasi may hinihintay kaming mga tao dahil ang tagal nila.

Naging hintayin na namin itong gate nang school. Hindi kasi pwedeng tumambay sa loob dahil laging galit 'yong guard na kalbo.

Linyahan niya lagi ay "oras na nang pasok, magsipasok na kayo. ang aga-aga lumalandi na kayo".

Mabait naman siya minsan kapag nililibre ng kape. Pero, isa rin siya sa mga guard na mahilig magkape sa tanghaling tapat.

Kaya kapag nagugulat ng mga kapwa kong estudyante ay nanghahampas ng batuta niya. Buti na nga lang ay hindi baril ang nahawakan niya. Baka matagal ng wala ito school kapag nagkataon.

"Ang tagal naman ng mga 'yon" naiinip na saad ni Pinky.

"Wait, I call him na lang" saad ni Claudette. Nag-dial na siya at may sandaling kinausap. "Malapit na raw sila" saad niya pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Sumandal na lang ako sa pader.

"Hi, Claire" bati ng dumaang lalaki sa harap namin.

"Hello" bati ko rin at kinawayan sila ng kasama niya. Parehas silang ngumiti sa harap ko at tinignan ang mga kaibigan ko saglit bago lumingon ulit sa akin.

"I'm Red and this Blue" pagpapakilala niya.

Inabot niya pa ang kamay niya kaya aabutin ko na sana nang may biglang ibang kamay ang nakipag-shake hands kay Red. Nilingon ko kung sino 'yon at si Lance, manliligaw ko.

Iyong lalaking nag-abot sa akin nakaraan ng panyo no'ng dinala namin sa hospital si Alexa. Sila ng mga tropa niya ang tumulong sa amin.

Ganon kabilis ang nangyari.

"Nice to meet you" nakangiting saad ni Lance kay Red. Nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Sige na, umalis na kayo ng kasama mo" saad niya pa kaya tumakbo paalis 'yong dalawang lalaki.

Natakot o kinabahan siguro kay Lance.

"Sira ulo ka" saad ko at hinampas siya sa braso. Kahit wala pang kami ay hinahawakan niya na talaga ang mga kamay ko.

Feeling ko ay may isang lalaki na ang magtatanggol sa akin kahit kaya ko naman ang sarili ko. Isang lalaking mamahalin ako ng buong buo at hindi ako kayang lokohin. Lalaking tanggap ako kung sino at kung anong ugali meron ako.

At, alam kong si Lance 'yon. Sa dalawang linggo ay naramdaman kong gusto niya talaga ako at handa siyang gawin ang lahat.

Yes, sa isang buwan na 'yon ay nakilala ko siya ng mabilis. Kahit may natanggap kaming magkakaibigan na masakit na salita. Kesyo, ang bilis daw ang naging pangyayari at naging manliligaw namin 'yong mga lalaking gusto nila.

Well, anong magagawa nila? Sadyang kami ang gusto nilang magkakaibigan at hindi sila. Maganda kasi kami kaya nagustohan nila agad kami.

Nakilala ko siya agad sa loob ng isang buwan dahil lagi namin siyang kasama tuwing may lakad kaming magkakaibigan o noong pumupunta pa kami sa hospital para dalawin si Alexa.

LOVER | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora