CHAPTER 32

107 54 33
                                    

Lance's Point of View...

Nandito kami ngayon sa swimming pool area ng mga Smith. Umakyat na kanina pa sila tita Caryn dahil may meeting pa raw sila bukas ng maaga.

"Hoy! Panalo kami" saad ni Claudette mukhang may tama na.

San Mig lang iniinom namin dahil ito lang ang available sa ref nila Claire. Ito rin ang approval ng parents ni Claire na p'wede niyang inumin.

"Ito na excited" saad ni Alexa na bumoto sa lalaki.

Nag-lapag siya ng 1k at nag-lapag na din kaming lahat. Anim silang bumoto sa babae kaya tiglilimang libo sila.

"Parang kami 'yong luge dito, ah" palag ni Marco.

"Si Lance nagsabi, e" natatawang saad ni Pinky at tinuro pa ako.

"Hindi kasali si Claire, wala naman siyang binanggit na hula niyang gender ng pamangkin niya" saad ni Claudette kaya natawa kami dahil sinamaan siya ng tingin ni Claire.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" saad niya pero lahat umiling kahit ang kuya niya. "Pake ko kung hindi niyo narinig?" saad niya at umirap.

"Hayaan niyo na 'yang si Claire. Baliw lang talaga 'yan" saad ni Clark na lasing na.

"Ano? Angas mong pangit ka, ah" lasing na rin na banat ni Claire.

"Sapakan. Kay kuya Clark ako" saad ni Claudette habang umaayos ng upo.

"Clark din ako" saad ng lahat kaya tumayo si Claire para hampasin sila isa-isa sa ulo.

"Ang kakapal ng mukha niyo. Kumampi sa pangit na 'to, ah" turo niya sa kapatid na umiiling na tumatawa. "Kinampihan niyo kasi parehas kayong mga pangit? Tama 'yan" saad pa niya at bumalik ulit sa pagkakaupo.

"Tama na 'yan, love, baka malasing ka" maya-mayang saad ko kay Claire na nilagok 'yong isang bote.

"Kaya ko" saad niya at umayos ng upo. Mukha na siyang lasing dahil nakasandal na siya sa upuan.

Nag-usap-usap pa kami hanggang sa makaramdam na kami lahat ng tama ng San Mig.

"Kung hindi niyo kayang umuwi ngayon ay may kwarto pa sa taas na p'wedeng tulogan" saad ni Clark ng makatayo.

"Ako na bahala sa kanila. Kapag ayaw nila sa taas matulog, e'di rito kami lahat sa damo matulog" saad ni Claire at dahan-dahang humiga sa damo.

Dinamayan naman siya lahat ng mga babae. Lahat sila ngayon ay nakahiga na at nakapikit.

"Maraming salamat sa pagpunta sa gender reveal namin ni Dane" lasing na sabi niya. Sabay baling sa kapatid na nakahiga pa rin. "Umakyat ka na ro'n, Claire. Ang pangit mo" panga-asar niya pa sa kapatid kaya nagsitawanan ang mga kaibigan namin.

"Pangit ka pala, e" lasing na panga-asar ng mga kaibigan namin kay Claire na kakaupo lang habang galit na nakatingin sa kuya niya at sa mga kaibigan namin.

"Umalis ka na nga, ang pangit mo rin" saad niya at kinuha ang boteng hawak ko para inumin.

"Tama na" saad ko, pagkuha ko ng bote sa kaniya. "Lasing ka na kaya" saad ko pa ng nakanguso siyang nakatingin sa akin.

"Sige na, pasok na ako sa loob. Salamat ulit sa pagpunta" saad ni Clark at umalis na.

Bumaling ako sa mga kaibigan namin na nagu-usap at nagha-halikan sa gilid. Hindi na ako bumaling sa kanila at tinignan ko na lang si Claire.

"Bakit gano'n si kuya? Lagi na lang niya ako inaasar. Lagi niyang sinasabi at inaasar sa akin na ang pangit ko. Kahit ang totoo naman ay sobrang ganda ko" maya-mayang saad ni Claire.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now