CHAPTER 11

200 115 22
                                    

Claire's Point of View..

After 2 weeks

Maaga ako nagising dahil may lakad ulit kaming magka-kaibigan ngayon. Wala namang pasok dahil weekend. Hindi na si kuya nag-reply sa text ko kagabi kaya hindi ko na siya kinulit baka nagsa-saya siya ro'n sa pinuntahan niya.

Sana ro'n niya na makita ang girlfriend niya, kung saan man siya pumunta. Kawawa naman 20 years old na pero wala pa ring girlfriend.

10 o'clock ang meet up namin kaya 8 pa lang ay gising na ako. Nag-hilamos at nag-tooth brush muna ako bago bumaba. 9 o'clock na ako maga-ayos para fresh ako hanggang mamaya.

Hindi ako p'wedeng matalo sa tatlo. Alam ko namang maga-ayos talaga sila. Pupunta kami sa Mall para mag-shopping ng kailangan namin para sa project at balak din namin bumili ng damit o kahit anong makita namin.

"Claire, anak" saad ni mommy habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nag-lakad ako papuntang pinto at binuksan. Palabas na rin naman ako, e.

"Nacontact mo ba ang kuya mo? He's not answering my calls. Lagi ng umaalis ang kuya mo. Hindi naman siya gan'yan dati" naga-alalang saad ni mommy sa akin.

"Hapon na kami last nag-usap ni kuya pero nag-text pa ako kagabi kaniya pero hindi na siya nag-reply kaya hindi ko na rin siya kinulit. Bakit pala?" saad ko.

Nag-dial nang nag-dial si mommy at umiling nang umiling sa harap ko.

"He's not answering my calls!"

"Mommy, chill matanda na si kuya. Bente na siya, alam na rin naman niya kung paano umuwi. Dala niya rin naman ang kotse" pampalubag loob ko. Pinapakalma si mommy. Tinanguan niya lang ako at bumaba. Sumunod na rin ako sa kaniya.

Oo nga 'noh. Ngayon ko lang napansin na lagi na si kuyang umaalis at uuwi man, isa o dalawang araw. Ta's aalis na ulit.

"Sumagot na ba?" tanong ni daddy pagkababa namin. Umiling si mommy. Bumaling ng tingin sa akin si daddy, umiling din ako.

"Hindi ko na alam, ang nangyayari sa anak nating si Clark, hon. Hindi naman siya gan'yan dati. Mas pinipili niya tayong makasama kaysa sa ibang tao" malungkot na saad ni mommy at umupo sa tabi ni daddy na nasa sala.

"Saan ba nagsu-suot ang bata na 'yon?" sigaw ni daddy. Sinapo pa ang sariling noo.

Lagi na silang umuuwi rito sa bahay, hindi na tulad dati na matagal bago umuwi. Lilipas pa ang ilang buwan bago umuwi.

"If not, he's answering his phone in my 5 calls. He's grounded in one week" saad ni daddy at dinial ang number ni kuya. Naka-apat na tawag na si daddy bago sagutin ni kuya.

Buti na lang at sinagot niya dahil kung niya hindi nasagot ay grounded siya ng one week. Siya rin kawawa, hindi niya na mapupuntahan ang lugar o taong pinupuntahan niya lagi.

"Hon, loudspeaker mo please" utos ni mommy kay daddy. Tinanguan lang siya ni daddy.

"Dad" sagot ni kuya sa cell phone.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text namin sayo ng mommy mo?" galit na tanong ni daddy kay kuya.

"Dad" tawag pa rin ni kuya kay daddy pero hindi siya sinasagot nito. Hindi niya rin naman sinasagot tanong ni daddy. So, tie lang sila.

"Where are you?" galit na sigaw na tanong ni daddy sa kaniya.

"Hon, ang puso mo" naga-alalang saad ni mommy kay daddy. Napagod ako sa kakatayo, kaya umupo ako sa malapit na upuan sa akin.

"In my friends house" sagot ni kuya. Hindi sumagot si daddy. Nang may biglang nag-salita na babae sa cell phone.

Who's that girl?

LOVER | ✓Where stories live. Discover now