CHAPTER 26

117 71 23
                                    

TRIGGERED WARNING!

Lance's Point of View.....

Nauna ako nagising sa mga kasama ko dahil nag-puyat talaga sila kagabi, nag-puyat din naman ako pero hindi ako nanood. Napuyat ako dahil mag-damag ko kausap si Claire.

Nag-unat muna ako bago kumilos. Kinuha ko na ang bag ko na may dalang damit at dumeretsyo sa banyo ng kwarto kung saan kami pinatulog ni  Claire.

Naligo na ako. Hindi ako nagmadali dahil alam kong tulog pa rin hanggang ngayon si Claire.

Nang matapos magbihis at mag-ayos ay dumeretsyo ako sa kwarto ni Claire.

Ang sabi niya niya sa akin at ng kuya Clark niya ay p'wede akong pumasok sa kwarto ni Claire dahil may pahintulot naman na raw ako at legal na kaming dalawa.

At kay Clark pa lang talaga kami legal dahil sa tuwing pupunta ako dati sa bahay nila Claire ay laging wala ang parents niya.

Alam ko na ang pangalan at mukha nina tito at tita pero hindi ko pa sila nakakausap personally. Hindi ko pa naririnig ang boses nila.

Sana dumating 'yong araw na makita ko na sila at sana okay at kami pa ni Claire no'n.

Ayaw ko na rin naman pakawalan si Claire simula ngayon at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kayang mawalan pa ng isang babae sa buhay ko.

"Ang ganda mo kahit tulog, Claire" saad ko, nang makapasok ako sa kwarto niya.

Pumasok ako ng walang tunog dahil ayaw ko siyang magising. Sinara ko rin 'yong pinto at dumeretsyo ako sa tabi niya.

Pinagmasdan ko siya habang hinahawi ang magulo niyang buhok dahil nasa mukha niya na ang mga ito.

"Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang babae, Claire. Kung nag-loko ako sayo ay humihingi talaga ako ng tawad sayo, mahal ko" saad ko habang nakatingin sa inosente niyang mukha.

Ang ganda niya talaga. Walang halong biro.

Alam namin ng mga kaibigan niya kung gaano siya ka-proud sa sarili niya. At ayon ang kinatuwa ko sa katangian niya.

Hindi niya kayang i-down ang sarili niya o kahit sinong tao sa paligid niya. Lagi siyang nand'yan para laitin ka pero ramdam mo 'yong feelings sa lait na 'yon.

Mararamdam mo 'yong gusto niyang iparating sa sinabi niya na dapat maging proud ka sa sarili mo. Kung ano pa maging itsura mo.

Sa tuwing sasabihan ko siya ng maganda, ang tanging sinasagot niya lang sa akin ay 'alam ko na 'yan. nasa lahi kasi talaga namin ang pagiging maganda.

"Paano ako, Claire, kung sinukuan mo ako? Paano kung hindi talaga tayo naging okay, maghahanap ka ba ng iba? Natatakot ako na baka isang araw ay makita kitang may kasamang ibang lalaki at makikita ko ang mga ngiti mo na hindi ko nakikita 'pag magkasama tayo" saad ko.

Namasa ang mga mata ko kaya tumingala ako. Para hindi siya matuloan ng luha ko.

"Mahal kita, Claire.  Mahal na mahal" sadd ko pa at hinalikan siya sa noo. "Stay with me until the end, mahal ko" saad ko at tatayo na sana ng hilain niya ang kamay ko.

"Lance" nakapikit na tawag niya sa akin.

"Sorry kung nadistorbo kita, love" saad ko habang nakapatong sa taas niya dahil sa hila niya.

"No. It's okay, kailan ka ba naging distorbo sa akin?" tanong niya habang nakayakap sa akin.

"Tuwing nanonood ka ng k-pop at k-drama" biro ko sa kaniya kaya hinampas niya ako sa likod.

"Sira ulo mga kabit ko lang sila, ikaw ang original" saad niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo ng maayos sa gilid niya.

"Alangan naman ako 'yong kabit 'di ba?" nakangusong tanong ko sa kaniya.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now