CHAPTER 13

154 98 20
                                    

TRIGGERED WARNING!!

Clark's Point of View.....

"Claire, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Kung naiintindihan mo talaga ako" saad ko. Lalapit sana ako sa kan'ya pero umiling siya. Sign na 'wag kong ituloy ang balak kong paglapit sa kaniya.

"Ano... ano... ano!" sigaw niya.

"Humihingi na ng tawad sayo 'yong tao. Mahirap bang tanggapin 'yon?'

"Oo, mahirap lalo na sa kaniya, at sayo. Ngayon ko lang nalaman na, okay lang sayo na sabihan ako nang masakit na salita ng babae na 'yan" saad niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi. "Okay lang, sino ba naman ako 'di ba? Stepsister mo lang naman ako, 'yan girlfriend mo" nagkibit balikat siya at sumandal ulit. Malayo ang tingin.

"Oh, anong nangyayari dito?" biglang may nag-salita sa likod namin kaya nilingon namin 'yon, si daddy habang nakapasok ang kamay sa bulsa ng pants niya.

Lumingon siya sa tabi ko ng ilang saglit at biglang tumingin sa akin.

"Sino 'yang babae na 'yan, Clark? Kaibigan mo?" tanong ni daddy. Nilingon ko naman si Dane nagpu-punas siya ng pisngi at ngumiting humarap kay Daddy.

"Hi po, ako po si Dane Villa" pagpapakilala ni Dane. Hindi sumagot si daddy. "Nice to meet you po" saad pa ulit ni Dane at nilahad ang kamay kay daddy. Tinanggap naman 'yon ni daddy.

"Nasaan pala si mommy?" tanong ko ng hindi ko makita si mommy na hindi kasama ni daddy.

"Nagla-lakad pa lang sila. Nauna na ako, masyadong mainit ang panahon ngayon" sagot niya. Hindi na ako hinintay mag-salita at pumasok nasa loob. "Claire, anak" pagtatawag ni daddy kay Claire pagkaupo.

Nilingon ko naman silang dalawa sa loob. Nasa likod na nakaupo si Claire.

"Bakit nand'yan ka? Kanina lang ay nasa harap ka katabi ang kuya mo" tanong ni daddy at lumapit kay Claire. "Oh bakit? Umiyak ka ba?" tanong ni daddy pero umiling si Claire. Tumingin siya sa gawi namin at umirap sa amin.

Namumuo ang mga luha sa mga mata niya ng makita at niyakap si daddy.

"Aalis na lang ako, Love. Baka mas lalong magalit pa ang kapatid mo sayo" saad ni Dane maya-maya.

"Hindi. Ako ang bahala. Aalis ka na ba talaga?"

"Oo, para hindi na lumaki ang gulo. Kasalanan ko naman" saad niya at dumungaw sa pinto ng van. "Tito, alis na po ako" paalam niya kay daddy.

"Sumabay ka na lang sa amin, pumunta ka sa bahay" saad ni daddy.

"Hindi p'wede!" sigaw ni Claire kaya nilingon namin siya lahat.

"Bakit anak? Kaibigan 'yan ng kuya mo, kaya pupuntahin natin sa bahay. Minsan lang naman. Ngayon ko lang din siya nakita" nakangiting saad ni Daddy kay Dane.

"Ayaw ko. Pupunta na lang ako kila Pinky kapag pupunta 'yang babae na 'yan sa bahay" saad ni Claire. Seryoso siyang sinabi 'yon.

"Sumama ka na sa amin, Iha. Para makapunta ka naman sa bahay" ngumiti si daddy kay Dane. Nilingon ako ni Dane, tinanguan ko na lang siya.

"Sige po, Tito" sagot ni Dane.

"What?" sigaw ni Claire ulit.

"Minsan lang ito, anak. Hindi ka pupunta kina Pinky ngayon. Sa ayaw at sa gusto mo" seryosong saad ni daddy kay Claire. Hindi sumagot si Claire at hinarangan ang lahat ng upuan sa likod. "D'yan din uupo ang kuya mo. Sa harap ang lola, tita't, mga pinsan niyo" saad pa ni daddy. Hindi na sumagot si Claire.

"Apo" tawag ni lola sa akin pagkarating. Yumakap ako sa kanya at nag-mano.

"Kamusta, lola? Namiss ko po kayo. Ilang linggo rin tayo hindi nagkita" saad ko at niyakap siya ulit.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now