[Chapter 21]

279 10 2
                                    

STARFISH
****Renz****

3:13 AM, Thursday

March 21


Ramdam ko na ang tama dahil sa dami ng alak na aming ininom pero alam ko pa ang ginagawa ko at diretso pa ang takbo ng utak ko. Tahimik ang buong paligid. Dinig ko ang steady na paghinga ni Lui sa aking tabi. Dala marahil ng espiritu ng alak ay sadyang malakas ang loob ko ng mga sandaling iyon at hindi ko napigilan ang magtanong.


"Do you love her?", magdamag kong pinipigilan ang aking sarili na itanong yon kay Lui. Pero ng mga oras na iyon ay nanaig ang pagnanais ko na malaman ang sagot kaya di ko na napigilan ang aking dila.


Kanina habang nagkukwento sa akin si Lui tungkol sa nalalapit niyang kasal ay hindi ko maiwasang mamangha sa sayang nakita ko sa kanyang mukha habang nagsasalita. Kasunod niyon ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ito ay bunga ng inggit o selos.


Habang nagpapagaling sa rehab ay gabi-gabi kong naiisip si Lui. Nang mga panahong iyon ay inakala kong dahil lamang sa guilt kaya hindi siya mawala sa isip ko. Pero hindi lamang ang gabing ginahasa ko siya ang paulit-ulit kong naaalala kundi pati ang mga bangayan, kulitan, at mga naging inuman naming dalawa sa maiksing panahon na iyon. Tila isang pelikulang pinapanood ko ang mga pangyayaring iyon sa tuwing pipikit ang aking mga mata.


Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa akin kung ginawa kong tiisin ang buhay sa loob ng rehab ng dahil kay Lui. Kung tutuusin ay sinukuan ko na ang buhay ng mga panahong iyon. Hindi si Kyle o ang aking pamilya ang naging motivation ko para pumasok sa rehab dahil wala na akong pakialam sa kanilang nararamdaman noon. Maging sa sarili kong buhay ay wala naman na akong pakialam pa. Ang nasa isip ko ng mga panahaon na iyon ay labis na magiging mas madali ang buhay kung mamatay na lamang ako. Kung hindi ko naabuso si Lui ay hindi ko pipiliing magparehab. Siguro ay natatakot lamang akong makulong dahil sa mga ginawa ko sa kanya kaya mas pinili ko na lang magparehab.


Kahit ako mismo ay hindi lubos na maintindihan ang mga ikinikilos ko noon. Parang pinapanuod ko ang aking sarili habang dahan dahan kong sinisira ang aking buhay. Isang masamang panaginip na hindi ko magawang gisingin ang aking sarili. Kahit ang mga magulang ko o si Kyle ay walang magawa para itakas ako mula sa kulungang ako rin mismo ang bumuo. Pakiramdam ko nga ay maging ang mga espesyalista noon sa rehab ay wala namang maitutulong sa akin kundi ko mismo ginusto na magbago. Kung hindi ko ninais na makalaya sa malungkot na mundong pinili kong galawan.At lahat ng pagnanais na iyon ay dahil sa isang tao. Dahil kay Lui.


Pangit mang isipin pero kung hindi ko ginahasa si Lui ng gabing iyon ay malamang nasa isang masamang panaginip pa din ako hanggang ngayon. Kung hindi ko pa sya nasaktan ng labis ay hindi ako magigising at hindi ko mapagtatanto ang mga kamaliang nagawa ko. It was not just a wake up call. Si Lui ang kinapitan ko nung mga panahon na nasa rehab ako. Dahil sa kanya ay kinaya kong tumagal sa loob ng lugar na iyon. Sa tuwing lalamunin ako ng labis na pag-aasam na makatikim ng droga ay naaalala ko ang mukha ni Lui habang walang awa ko siyang ginagahasa. Kapag naiisip kong tumakas na sa lugar na iyon ay bigla kong maalala ang umagang gumising ako at natagpuan ang duguang sapin sa kama, tanda ng pagpapakasakit ng isang tao noong nagdaang gabi. Kahit nasa loob na ako ng rehab ay hindi rin nawala ang mga sulsol sa aking utak na wakasan ko na ang sarili kong buhay. Sa puntong iyon ay saka muling sasagi sa aking isipan ang pinakamalungkot na mukhang nakita ko. Si Lui na umiiyak habang nagmamakaawa na layuan ko na siya.

STARFISHWhere stories live. Discover now