[Chapter 15]

232 12 1
                                    

Starfish
By: crayonbox21


****Renz****


7:17 am, SaturdayJuly 05


Nagising ako ng maaga dahil sa pangangawit ng aking kanang braso. May kung anong mabigat na bagay na nakadagan dito at hindi ko ata ito nagalaw sa buong magdamag. Ayaw ko man ay napilitan akong idilat ang aking mga mata para tingnan kung anong nangyare sa aking braso. Rumehistro sa akin ang ulo ng aking mayabang na roommate. Kusa namang nagsalubong ang aking mga kilay gawa ng pagtataka. Anu na naman kaya ang pumasok sa isip ng isang 'to at naisipang gawing unan ang aking braso. Idagdag pa ang nakakailang na pagkakalapit ng aming mga katawan. Kung wala lang ako sa aking katinuan ay malamang sa inisip ko na na kasintahan ko ang katabi ko ng mga sandaling iyon dahil sa higpit ng pagkakayakap namin sa isa't-isa.Namin?, taka kong pag-uulit sa aking sinabi.


Noon ko lang napagtanto na nakabalot ang aking isa pang kamay sa taong nakahiga sa aking kanang braso. Anak ng tigang na kabayo! Kung anu-ano kasi ang napapaginipan ko eh kaya bigla na lang akong napapayakap sa ubod ng hangin kong roommate.


Straight daw siya, eh oportunista nga ang isang 'to. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pagkakayapos ko sa kanyang katawan. Delikado na ata ang lagay ko sa isang 'to ah. Baka sa susunod ay hindi lang yakap ang gawin sa akin nito.


Dahil sa aking naisip ay pinasya kong tanggalin ang pagkakadikit ng aming mga katawan. Hindi pa ako desperado para pumatol sa isang kagaya ni Lui. Tingin niya sa sarili niya ay siya ang pinakamagaling na tao sa buong mundo. Tatanggalin ko na sana ang kamay na nakabalot sa aking bewang nang mapatigil ako sa aking ginagawa.


Hindi sinasadyang napabaling ang aking tingin sa maamong mukha ng lalaking natutulog sa aking tabi. Noon ko lang kasi napansin kung gaano kahaba ang kanyang mga pilikmata na tila sa isang babae. Hindi pa ako nakuntento at hinayaan ko ang aking daliri na laruin ang dulo ng mga mumuting buhok na iyon sa talukap ng kanyang mga mata. Nagpatuloy ako sa page-eksamin sa mukha ng aking araw-araw na kaaway. Makapal ang kanyang kilay na katulad ng sa akin. Banayad ang kanyang noo, wala ang karaniwang kunot na nakikita ko sa tuwing magkausap kami. Kasunod ng aking tingin ay ang pagdampi din ng aking daliri sa kanyang kilay patungo sa kanyang noo. Matangos ang kanyang ilong na parang kay Kyle pero mas lalaki ang dating ng sa kanya. Lalong nagpatingkad sa kanyang mukha ang kanyang kaakit-akit na panga. Hindi ito gaanong prominent na katulad ng kay Aki, sapat lang para bigyan ng magandang hugis ang kanyang mukha. Patuloy ang pagdapo ng aking daliri sa iba't-ibang parte ng kanyang mukha hanggang sa madako ang aking tingin sa parte na sa tingin ko ay pinakanagustuhan ko sa kanyang mukha. Ang kanyang mga labi. Kung hindi ko iisiping si Lui ang aking minamasdan ay papasang labi ng babae ang aking nasa harapan. Natural itong mapula kahit na walang lipstick at labis na nagpaganda rito ang kanipisan nito na parang kay sarap halikan. Tila isa itong babasaging kagamitan na mabilis na masisira kung hindi mo iingatan.


Dahan-dahan kong inilapit ang aking ulo sa mukha ni Lui. Tila nahi-hipnotismo ako sa pagtingin sa kanyang kaakit-akit na mga labi, malakas ang pagnanais ko na damhin at angkinin ang parteng iyon ng kanyang mukha. Nang may limang pulgada na lang ang lapit ko sa kanyang mukha ay noon ko lang napuna ang laway na tumutulo sa bahagyang nakabukas niyang bibig. Sa halip na mandiri ay natawa na lamang ako ng mahina. Nun ko lang din naramdan ang medyo basang parte ng aking braso. Hindi kaya ito na-dehydrate sa dami ng itinulong laway sa akin?Nakangiti kong pinagmasdan na lamang muli ang nakapikit na si Lui. Sa dalas naming nagbabangayan ay nakalimutan ko nang gwapo nga pala ang isang 'to. Sa tagal na naming magkasama sa bahay ay ngayon ko lang nabigyang pansin ang kaamuhan ng mukha nito.Bumalik ako sa pagkakahiga ng aking ulo at pumikit. Pilit kong inalala kung bakit ganito ang posisyon namin ni Lui. Nang ma-relax nang kaunti ay saka ko lamang naalala na ceasefire nga pala kami nito dahil tutulungan niya ako sa panliligaw ko kay Kyle. Kagabi ay lumabas kami para uminom at naalala kong nasapak nga pala siya ng lalaking hindi naman niya kilala dahil sa aking kagagawan. Muli akong napangiti dahil sa pagkakaalala ng insidenteng iyon. Minsan ay hindi rin nag-iisip ng matino ang lalaking ito. Matapos umalis sa bar ay pinagpatuloy namin ang inuman dito sa bahay. Natatandaan kong madami kaming napag-usapan kasama na ang nararamdaman ko para kay Kyle pero hindi ko na matandaan masyado ang mga saktong sinabi ko. Ngayon, naaalala kong inaya ko nga pala siyang matulog kasama ko dahil gusto ko ng katabi. Hiniling ko pa na yakapin niya ako dahil nalulungkot ako ng husto matapos pag-usapan ang tungkol sa amin ni Kyle.

STARFISHWhere stories live. Discover now